"Ate Cha, I'll go ahead na muna. May imeet pa kasi akong friend na bagong dating ng Pinas e." Paalam ni Alyssa kay Charo ng matapos ang cool down ng ALE.
"Make sure you'll be home before the curfew, okay? 20 laps pag late!"
"Yes, Coach. I'll see you tomorrow!" Papasok na sana si Alyssa sa locker room para mag shower ng maalala nya si Dennise. Nag training nadin kasi ito para daw mas maging okay na daw ang pakiramdam nya. Lalo lang daw kasi itong mag kakasakit kapag tumambay sya sa dorm maghapon.
Nilapitan ni Alyssa si Dennise na nasa may sulok na ng gym at nag papahinga.
"Den? Okay ka lang?"
Napatingin naman si Dennise sa taong nasa harapan nya. "Ah, yeah. I'm good now. You have date?"
"Hindi yun date. Imimeet ko lang yung friend ko along QC. I'll be back after dinner. May gusto ka ba?"
"No, I'll eat dinner nadin naman pag-uwi ng dorm. You go home straight ha? Mapaparusahan ka bukas ni Ate Cha. And I don't want to wait late at night."
Napangiti naman si Alyssa dahil iintayin daw sya ni Dennise na makauwi.
"Opo na po. So, pano? Mauna na ko ha? Matulog ka na at wag na akong antayin. Uuwi din ako. Namimiss mo na ko kagad ha!"
Napatayo naman si Den sa sinabi ni Alyssa at nakapamewang na.
"Muka mo! Unggoy ka! Hindi kita mamimiss no! Hindi kita namimiss. Wala lang tayong extra key para mabuksan mo yung kwarto natin. Dyan ka na nga."
Kinuha ni Dennise yung bag nya at mauuna na sanang pumunta sa locker room pero nahapit naman sya ni Alyssa sa kanyang bewang na dahilan para matigilan sya dahil nakaback hug na si Alyssa sa kanya.
"Eto naman, hindi na mabiro talaga. Opo na, hindi namimiss at uuwi ng maaga. I'll talk to my lawyer padin kasi after dinner para mapag usapan yung bahay NATIN. Okay?"
Hinalikan sya ni Alyssa sa pisngi galing sa likod at nagpatiuna na sa paglalakad para mag shower. Sya naman ay hindi makarecover sa nangyari. Pakiramdam nya ay may lagnat pa ito dahil sa init ng kanyang pisngi.
"Amy, Jia! Atchara! Madali! Umay na ako." Sabi ni Ella ng dumaan sya sa tabihan ni Den.
"Wala akong baon, Ate Ells. Tubig gusto mo?" Naiiling naman na tiningnan sya ni Jia. At para sa pambasag trip ni Ella, sumagot si Amy.
"Ells, what's atchara? And what is Umay?"
At saka palang natauhan si Dennise dahil sa tanong ni Amy.
Mga baliw!
-----
Alyssa is looking for a familiar person inside the restaurant. After searching the entire room, she saw a girl who makes her heart skip a beat. She walks towards the girl without noticing her.
3 years. Exact 3 years today since the last time I saw her. She doesn't really changed at all. She's still beautiful. Alyssa thought.
Eto ang taong una niyang minahal at nakaya nyang igive up ang kung anong meron sya para lang dito. But unfortunately, she was also left by this girl because of her father. Halos sa kanya na paikutin ni Alyssa ang mundo nito dahil sa sobrang pag mamahal nito sa kanya. Pero hindi nya padin kayang ibigay ang pag mamahal na dapat ay isinusukli nito kay Alyssa.
"Hi! Lalim ng iniisip ah." Bati ni Alyssa sa taong nilapitan niya at hinalikan sa pisngi.
Nagulat naman ito at biglang napatayo.