"Excuse lang. Excuse us. Padaan kami. Move."
Blag
Malakas ang pagkakasara ni Vania ng pinto ng van. Agad nyang hinila si Alyssa at Dennise nang makita nyang nagkakagulo na ang media sa pag kuha ng pictures sa kanila.
"What. is. that? Care to explain?" Nanggigigil na tanong ni Vania sa dalawa.
Hindi naman makasalita si Dennise dahil hindi nya alam kung bakit biglang nagkaganoon. Last thing she remembered was Alyssa kissing her and the rest was history.
"Are you out of your mind Alyssa? And you, Dennise? Why did you allow her to kiss you?""It's not her fault. I caught off guard with Bang and Ara." depensa naman ni Alyssa.
Dennise has nothing to do with the issue pero ngayon ay panigurado na iingay ang pangalan nito dahil sa ginawa nya.
"My God, Alyssa! Do you even know the consequences of what you did?"
"I know, I know! I'm sorry, okay? Hindi ko naman ginusto pero..."
"Hindi mo ginusto pero wala na tayong magagawa. Ikaw Dennise, don't you have something to tell us?"
Hindi padin makasalita si Dennise. Naririnig nya ang dalawa pero wala syang balak na tumingin sa mga ito. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kanina lang ay muntik nadin silang mag kiss ni Alyssa, pero hindi nya naman inexpect na mauuwi din ito sa pinaka last na inaasahan nya.
"Earth to, Dennise Lazaro! Where are you?" Vania snapped her fingers in front of Dennise.
"A-ah a-ano yon, miss Vania?"
Napa buntong hininga nalang si Vania dahil muka naman walang naiintindihan si Dennise.
"Muka naman wala na tayong magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo, damay ka na dito, Dennise."
"Wait! Hindi ba pwede wag nalang. Let's ignore the public."
"E kung pag ignore lang din naman ang solusyon, edi gawin mo! I'll protect Dennise kung wala kang pakialam! You think matatakasan mo lahat ng issues mo? This is different, Alyssa! Masisira ang pangalan mo!"
Hindi na nakapag salita pa si Alyssa. Ano nalang ang iisipin sa kanya ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama? Ngayon lang nag sinked in sa utak nya lahat ng nangyari.
"Aaaaaaahhh! I am so dead!"
"Me too..." Yun lang ang nasabi ni Dennise.
"I will get you out of this mess, Den. I am sorry. I'll explain everything to you. Just don't get mad."
"Tell the media that you two are in a relationship."
"What?!" Sabay na tanong ni Den at Ly ng pasigaw.
"Tingin nyo ba magiging maayos ang lalabas na news? Ikakalat ng media na may relasyon kayo. Sasakyan nyo lang yon, lalo ka na Alyssa! Kailangan mong gawin to dahil dito nakasalalay ang career mo."
"Pero Vans, pano si Dennise?"
"Den, are you up for this?" Baling ni Vania kay Dennise.
"I don't know what to say, Miss Vania."
"Here. Call miss Patricia. She will be your manager. Kailangan mo nadin naman yan dahil nagiging sikat ka nadin at madami ng kumukuha sayo sa endorsements. I'll talk to her para maalagaan ka nya at maging maayos ang issue na ginawa nyo."