From Babe Ly:
Babe, something came up about the schedule tomorrow.
Nakatanggap si Alyssa ng message mula sa kanyang manager kaya naman agad syang nagtext kay Dennise na kasalukuyan na nasa klase ngayon.
To Babe Ly:
What is it? Can we just talk later? I'm on my class. You're disturbing me!
From Babe Ly:
Hindi mo din naman matiis na hindi ako replyan e. Haha! I'll see you after class. Until what time ka pa ba?
To Babe Ly:
45 minutes pa. Nasa lab pa ako, Ly. Sa gym nalang tayo mag kita.
From Babe Ly:
How can you be at the lab, e I am here sa dorm. You can't call it lab if you're not with me.
Napangiti naman si Dennise dahil sa last text ni Alyssa. Mag rereply pa sana ito pero nahuli sya ng professor nya.
"Miss Lazaro! I know you are one of my top students but that doesn't mean you are allowed to use cellphone during my class."
"Sorry, Sir."
At bumalik nalang sya sa pakikinig sa lecture ng kanyang professor.
Si Alyssa naman ay nag-aantay ng reply ni Den.
"Hindi na siguro kinaya ang kilig. Antayin ko nalang sya sa gym."
While walking, someone called Alyssa. Nilingon nya ito at medyo nagtaka pa sya.
"Hey, Captain!" it's Jia.
"Hm, yes, Jia? You need something?"
"Ah, eh, sasabay lang sana ako sayo. Kung okay lang naman." Jia gave her a genuine smile.
"Are you sure okay lang na sabay tayo maglakad? Hindi ba..."
"Okay na okay lang, Captain. Sayo ba okay lang?"
"So, hindi ka na galit sakin?"
Lalo naman napangiti si Jia dahil sa tanong sa kanya ni Alyssa.
"Ano ka ba, Captain. Hindi naman ako galit sayo e. Nabigla lang kasi ako sa mga narinig ko. You know, Ate Den is like a sister to me. Ayoko nang ginagamit sya ng tao."
Medyo natahimik naman si Alyssa. She thought about telling Jia the truth pero naisip din naman nya na mas maganda siguro kung silang dalawa ni Dennise ang magsabi ng totoo.
"Hm, I am really sorry kung nadadamay ko si Dennise sa gulo ko. But, believe me Jia, hindi ko talaga sinasadya. If there are things na mas nauna sa naisip ni Vania, hindi ko naman guguluhin yung ate mo e. It is just that, para din to.."
"You don't have to explain, Captain. If ate Den is trusting you enough, I should do the same."
Alyssa is out of words. She just smiled and tap Jia's head.
"Ate Ly. Yun ang itawag mo sakin."
-----
Katatapos lang ng klase ni Dennise at malapit na sya sa BEG. Naalala nya ang text sa kanya ni Alyssa na nag pangiti na naman sa kanya.
Ang hilig talaga non sa pickup lines. Gayahin ko kaya sya?
Minsan sa pakiramdam ni Dennise ay hindi na nya napapansin kung sobra na ba sya sa acting nya or kung normal pa ba ito sa ikinikilos nya. Pero dahil importante nadin naman sa kanya si Alyssa ay hinahayaan nalang nya ang kanyang mga kilos. Who knows, baka mag bestfriend nga lang naman sila kaya parang wala nadin naman minsan ang clinginess nila.