"Ly, I'll see you later ha? Wag ka malelate. Baka sabihin nila paimportante tayo."
Paalis na sila pareho ni Alyssa. Hindi alam ni Dennise kung saan talaga ang punta ni Ly dahil nawala nadin sa isip nya na itanong kung saan ba ang business meeting nila ng mom nito.
Masyado kasi syang naoverjoyed sa sweetness nila ni Alyssa kahapon kaya naman nawala na sa isip nya ang pag-uusisa.
"Den, ganon talaga kapag sikat. Hayaan mo silang mag hintay dahil wala silang ibabalita kung hindi din naman nila tayo iintayin. Besides, sila naman ang may gusto nitong prescon e."
Napatigil naman si Dennise sa pag susuot nya ng heels nya. Oo nga naman daw, hindi naman nila ginusto to. Pero para nadin sa katahimikan ng pangalan nilang dalawa, aattend sya sa prescon na yon.
"E basta, magkita nalang tayo sa prescon, okay? Send me the address at susunod ako kagad."
Lumabas na si Dennise ng kwarto nila ni Alyssa. Ayaw nya kasing tanungin pa sya nito kung saan ba sya talaga pupunta.
Saktong papunta na si Dennise sa labas ng dorm ng tawagi sya ni Alyssa.
"Babe! Your phone, you forgot you phone."
"Oo nga pala. Thank's babe!" Sabi ni Dennise pagkakuha nya ng phone.
Patalikod na ito ng biglang mag ring ang kanyang phone.
"Hello? Oh? Napatawag ka? Sa labas ng dorm namin? As in? Naku nakakahiya naman. I can use my car naman, pero wait sasabay nadin ako sayo kasi para naman hindi nakakahiya na late ako. At least dalawa tayo... Sige, bye."
"Ly, sige na. Malelate ka nadin."
"Who's that?" Seryosong tanong nito.
"Ah, yung tumawag? Si Ara. Nandyan daw sya sa labas. Isasabay nya na ko para iwas traffic nadin. Ikaw ba? Saan ba punta mo talaga?"
Hindi naman sumagot si Alyssa at nauna nang lumabas kay Dennise na wala man lang expression sa muka.
"Aly!" Bati sa kanya ni Ara pagkakita sa kanya.
"Si Dennise ba palabas na? Sasabay na kasi yung girlfriend mo sakin e. Pareho lang kasi yung pupuntahan namin."
Sakto naman na labas din ni Dennise ng dorm.
"Hi Ara! So, shall we?"
Pag bubuksan na ni Ara si Dennise ng pinto ng sasakyan ng biglang itulak ulit ito ni Alyssa para magsara.
"Sakin sasabay ang girlfriend ko." Malamig na sabi ni Alyssa.
Hinila na nya si Dennise at isinakay sa passenger seat ng kotse nya.
"Alyssa, you're being rude to your friend. Pwede naman akong sumabay na sa kanya para hindi ka na malate sa pupuntahan mo e. Sige na, sa kanya--"
"Sino bang girlfriend mo?" Tanong ni Alyssa na dahilan para matigilan si Dennise at mapatingin sa mata ni Alyssa.
Ano bang nangyayari sa tao na to? Bat ganan yung expression ng mga mata nya? Don't tell me nag seselos to sa kaibigan nya? Duh?
"I can be late to our business meeting. Basta ako mag hahatid sayo. Wait here, I'll talk to Ara para hindi mo naman sabihin na rude ako."
Alyssa kissed Dennise on the side of her lips. She made sure that Ara can see it the way she wanted her to see it. Hindi naman ito inasahan ni Dennise. Medyo nahiya sya bigla dahil alam nyang ang nakita ni Ara ay mismong sa labi sya hinalikan.