"Naaaaay!" Sigaw ng kapatid ni Alyssa nang makita siyang papasok ng gate nila kasama ang kanilang tatay na pareho pang nag tatawanan.
"Naaaay! Dali! Si Ineng may sakit. Ipagamot na natin kagad."
"Anong nangyari kay Ineng? Nasaan, dali tara na!" Nagmamadali namang tumakbo ang nanay nila kasunod ang kanilang mga kasambahay na galing pa sa kusina dahil nagluluto sila ng pananghalian.
Nang makarating naman sa harap ng pinto ng bahay ang kanilang nanay ay agad na pinagpapalo ang balikat ng kuya ni Alyssa.
"Aray, Nay! Masakit! Teka!"
"Ikaw na bata ka! Nakakanerbyos ka kung makasigaw! Ano na naman bang pumasok sa kokote mo at kung anu-ano ang pinag sasasabi mo?!" Pagalit na sabi ni nanay Pabs.
"Kayo talaga, palagi nyo nalang ginagalit ang nanay nyo." Singit ng tatay Ruel nila nang makalapit ito sa kanila. "Nay, ano bang pwede natin lutuin para sa pananghalian nila?"
Si Alyssa at ang kuya nito ay nagpapalitan lang ng tingin at nagkakaintindihan na kagad sila sa pag-uusap sa mata.
"Nag hahanda na kami sa kusina. Pero uunahin ko na muna ang almusal para sabay-sabay din tayong kumain sa labas. Tamang-tama at masarap ang simoy ng hangin."
"Ineng, anak, mabuti pa ay umakyat ka na muna at sabihin mo sa kanila na bumaba mamaya para makapag almusal tayo. Sigurado gutom nadin yung mga yon." Baling ng tatay nila habang hinahaplos ang likod ni Alyssa.
"Opo, Tay. Maiwan ko muna kayo."
Hindi pa man nakakalayo si Alyssa ay napahinto na kagad siya sa sinabi ng kapatid nya.
"Welcome back, Ineng. Namiss ka namin."
Alyssa did not say anything, instead she continue walking while raising her hand showing a thumbs up. Medyo nahihiya si ineng.
Pumasok si Alyssa sa kwarto nya. Doon nya pinatulog si Dennise at Ella at ang iba naman ay nasa ibang kwarto pa.
Hindi nya nakita si Dennise sa kama nya.Si Ella naman ay mahimbing na natutulog. Nakita nyang bukas ang pinto ng veranda kaya inassumed nyang nandoon si Dennise.
"Babe? Why are you here? Hindi ka ba makatulog?" Lumapit si Alyssa at nag back hug kay Dennise.
"Hindi e. Nakatulog naman kasi ako ng maayos sa byahe. Ikaw hindi ka tutulog?"
Lalong humigpit ang yakap ni Alyssa kay Dennise nang maramdaman nitong mas inilapit pa ni Den ang ulo nito sa kanya.
"Pag ganito naman ang sitwasyon, I think I can spend my 24 hours awake."
Tahimik lang si Dennise at hindi masyadong nagsasalita. Pero hindi ito nakalagpas kayAlyssa.
"Why are you so quiet? Is there something wrong?"
"Wala po."
"Meron e. Sige na sabihin mo na sakin." Iniharap nya si Dennise sa kanya.
"Ly, wala nga po." Tumaas ang kilay ni Alyssa at nagtaka naman sya. "Bat ganan muka mo?"
"I will add another rule sating dalawa. No calling on first name. BABE only." Ly emphasized the word babe.
"Sus! Ang dami mong rules. E ikaw naman ang tigas ng ulo."
"Anyway, BABE, kakain kasi tayo ng breakfast. Pinabababa na tayo ni Tatay."