Chapter 10

1.3K 36 2
                                    




Isang buwan na ang nakakalipas mula nang mangkunwari silang mag girlfriend ni Dennise. Minsan mag-aaway tapos biglang mag lalambingan na akala mo totoo ang lahat sa kanila. Pero meron din talagang makulit na hindi sya tinatantanan.

"Jho naman e! Isang buwan mo na akong hindi tiitigilan dyan sa issue mo na yan." Medyo naiinis na sabi ni Alyssa.

"E papaano naman kasi, Ate Ly. Noong una patanggi-tanggi ka pa sakin. Tapos biglang kayo na?" Sagot naman sa kanya ni Jho.

Nasa rooftop silang dalawa ngayon ng dorm dahil ayaw nga syang tantanan ni Jho. Kesa naman may ibang makarinig ay dinala nya ito dito.

Nakaisip naman ng ibang paraan si Alyssa kung papaano nya malulusutan ang mga tanong sa kanya ni Jho.

"Alam mo, yan din talaga ang ipinag tataka ko e. E diba nga para kaming aso at pusa? Posible pala yun ano?"

Dahil isang psychology student si Alyssa, minabuti nyang sakyan ang trip ni Jho na parang sya din ay naguguluhan.

"Ay grabe, Ate Alyssa! Akala ko pa naman matalino ka at alam mo na yang mga ganan na bagay." Tumawa naman ng malakas si Jho pag katapos na sabihin ang mga iyon kay Alyssa.

Sige lang, tawa lang. Artista ata tong kausap mo.

"Wait, did you even had a girlfriend or boyfriend?" Biglang tanong ulit ni Jho.

"Manliligaw na lalaki, si Jovee. Pero I have never been in a relationship eversince."

"E kaya naman pala e! Kaya pala naman no idea ka sa pwedeng maramdaman mo sa isang tao."

Tumayo si Jho at pumunta sa harap ni Alyssa habang ang huli naman ay napataas lang ang kilay na nag tataka.

"Ganito kasi yan, Ate Ly. Minsan sa buhay ng isang tao, makakaramdam ka ng kakaibang feeling na magpapaisip sayo ng tungkol sa isang tao."

At dahil mukang mahaba ang magiging litanya ni Jho sa kanya ay sumandal na muna sya sa grills ng rooftop para makita nya kung sino na ang mga dumating nyang team mate, para nadin alam nya kung ready na ba syang mag tawag para sa practice.

"Kunwari, kayo ni Ate Dennise. Sabi mo nga hindi mo alam kung paano at saan nag simula. Pero kasi pwedeng ang nangyari ay ganito..."

Gusto na sanang matawa ni Alyssa sa pinag sasasabi ni Jho dahil hindi naman sya yung tipo ng babae na mahilig sa kiligan na story. Pero dahil nga umaarte sya na parang totoo ang kwento nya ay nag pipigil sya ng tawa.

Habang nakikinig naman kay Jho ay napatingin sya sa may hindi kalayuan at nakita nya si Dennise kasama si Ella na mukang pabalik nadin sa dorm.

"One day, sa hindi mo maipaliwanag na dahilan, nagandahan ka kay Ate Den, tapos tinitigan mo sya na hindi mo naman talaga intention gawin. Yung bawat hakbang nya, pag ngiti o pag tawa nya, kung paano sya mag salita habang kausap ang iba, yung mga mata nya na kapag ngumingiti yung labi nya e parang pati mata nakangiti din."

Si Alyssa naman ay parang artista na nakikinig sa script dahil bawat sabihin ni Jho ay nagagawa nya. Seeing Dennise being jolly while talking to Ella makes her heart skip a beat. The way Dennise walk step by step feels like she is walking in a field of flowers and she is waiting for her to reach her.

Bawat tawa at bawat words na lumalabas sa bibig ni Dennise ay nagiging music sa tenga nya. Ang shape ng muka ni Dennise na ang perfect para sa kanya, from her eyebrows, eyes, nose and suddenly her eyes see those kissable lips that makes her feel thirsty.

House of LoveWhere stories live. Discover now