Chapter 19

1.1K 40 0
                                    

"Alyssa, ano ba? Bakit ba ang weird mo? Ilang araw ka na ha! Napipikon na ko sayo!"

Tumigil si Alyssa sa pag-aayos ng sports bag nya at tumingin kay Dennise.

"I am not doing anything, Dennise Michelle. Kaya wala kang dahilan para mapikon sakin."

"Wala? E ilang araw ka ng hindi makausap ng maayos ah! After games iiwasan mo ko, and yes akala mo ba hindi ko napapasin? 3 days mo na kong iniiwasan."

Hindi naman na sya pinansin ni Alyssa at dirediretso na sa ginagawa nya. Nung akmang lalabas na sya ng kwarto nila ay nag salita ulit si Dennise.

"Fine! Wag mo kong pansinin! Ano naman ngayon sakin! Madami naman akong pwedeng kausap kung ayaw mo kong kausapin."

Uggggh! Nuthead! Ano sa tingin nya dahilan bat ako naiinis sa kanya? Dun na sya sa Ara nya. –Alyssa.

Nakaupo si Alyssa sa sofa sa lobby ng dumating ang assistant coach nila.

"Oh, Alyssa? Ang aga mo ata. Nasan ang team mo?"

"Ah, medyo maaga lang po ako nagising. Papunta nadin po sila. Nag sasapatos nalang po sila."

Tumango si Coach Charo at umupo sa katapat na upuan ni Ly.

"Si Ara ba nandito pa? Ang alam ko today flight nya with her mom e."

"Ah, hindi ko po alam e. Haven't talk to her pa since she got here."

Napataas naman ang kilay ni Charo. "Okay? Ang weird naman non samantalang friends kayo. Anyway, start na pala yung movie nyo no? Make sure you'll attend trainings padin. Pinag-usapan na namin ng mom ni Ara yung magiging schedules nyo, and nag agreed naman sila dahil first priority mo ay studies."

Madami pang diniscuss sa kanya si Charo which is alam naman nya. Everytime na may show or movie si Alyssa ay matagal pa bago ipalabas dahil hindi nila minamadali si Alyssa dahil nga nag-aaral ito. Ayaw naman nilang makaistorbo sa priorities nito kaya nag bibigay talaga sila ng schedule para sa mga shooting ni Alyssa.

-----

Nasa gym na ang Lady Eagles at nag wawarm up na. Mas madami ang tao ngayon dahil nga last day na ng game ito.

"Pst!"

Nilingon naman ni Alyssa kung sino ang tumawag ng pansin nya at binigyan ng Anong-problema-mo look.

"Anong drama nyo?" Pasimpleng tanong ni Ella.

"Wala. Bakit?"

"Wala? E ilang araw na kayong hindi nag-uusap?"

"Nag-iinarte na naman yan si Ate Ly." Singit ni Jia sa usapan nung dalawa.

"Tigilan nyo nga akong dalawa. Mag warm up nalang kayo dyan. Pag kayong dalawa walang nagawang maayos mamaya lagot kayo sakin."

"E sino kaya tong puro net over ang palo kahapon dahil may nag chicheer kay Dennise sa bench?" Tanong ni Ella kay Jia sabay tawa.

"Sino din kaya yung sinadyang mag outside yung palo sa direction ng cheerleader ni Ate Den?"

Lalo naman tumawa si Ella at nakipag high five kay Jia sabay layo kay Alyssa dahil hindi na maipinta ang muka nito.

Tumalikod nalang si Ly sa dalawa nyang kaibigan para hindi sya mainis sa mga ito. Pero mukang napasama pa ang pag-iwas nya sa dalawa dahil ang direksyon na kanyang tiningnan ay lugar kung nasaan si Ara.

House of LoveWhere stories live. Discover now