Chapter 20

1.2K 30 3
                                    


"Den! Ano ba? Hindi ka ba napapagod? Mag pahinga naman kasi tayo kahit saglit lang."

"Saglit nalang, Babe. Para naman hindi ka sanay mapagod e. Konting lakad nalang to oh."

Nasa bakasyon sila Alyssa ngayon. Matagal na sana ito pero dahil masyado silang naging busy nitong mga nakaraang lingo ay hindi ito matuloy-tuloy.

"Bakit ba kasi sa dulo mo gusto mag cottage? E ang dami naman doon sa may unahan, dito mo pa talaga nagustuhan?"

Wala nang ginawa si Alyssa kundi ang mag reklamo ng mag reklamo habang nag lalakad habang si Dennise naman ay nag-eenjoy sa kakapicture sa views.

"Gusto ko nang magsisi kung bakit ba pumayag ako na mag bakasyon. Ang hiraaaap!"

"So, nag rereklamo ka? Ayaw mo kong kasama? Edi umuwi ka na! Ako nalang ang mag babakasyon mag-isa."

Nag lakad naman si Dennise ulit at iniwan si Alyssa na nakatayo lang.

"Den naman e! Pwede naman kasi tayong sumakay nalang doon sa service. Ang hirap mag lakad dito sa buhangin."

Tuloy-tuloy lang sa pag rereklamo si Alyssa hanggang sa makarating sila sa villa nila.

"Finally! Ang sarap masinagan ng araw. Ang sarap ng sariwang hangin."

Nang maibaba ni Dennise ang kanyang hand carry bag ay pabagsak itong umupo sa sofa. Si Alyssa naman ay hindi maipinta ang muka.

"Muka mo, babe?"

"Tse! Lalo na akong nangitim oh! Hindi mo man lang ako pinag dala ng payong. As if my skin is like yours." Pag mamaktol ni Alyssa.

"Hahahahahahahahahahahaha! Yun lang ba pinag mamaktol mo, babe?"

Imbes na sumagot ay nag diretso ito sa banyo para maligo.

"Oh? Anong gagawin mo? Don't tell me maliligo ka, e halos hindi pa nga tuyo yang buhok mo dahil sa bilis ng byahe natin."

"Aagapan ko na kaagad yung kulay ko. Mahirap magpaputi." Sabay sara ng pinto ng kwarto.

"Open the door, babe." Dennise keeps on knocking because Alyssa took time to open the door.

"Why?" Yun lang ang tanging nasabi ni Alyssa pag bukas nya ng pinto habang sa ibang direksyon naman nakatingin.

Hinawakan ni Dennise ang mag kabilang pisngi ni Alyssa para mapaharap ito sa kanya.

"Wag ka na kasi sumimangot dyan. Sorry, okay? We will not get ourselves under the sun na. Sa gabi nalang tayo lalabas if ayaw mong maarawan ka. Akala ko kasi magugustuhan mong mag lakad sa sand habang nalabas yung araw e."

"That's why you chose an early flight?"

She nodded and Alyssa was just looking at her.

"Haaay! Alright. I'm sorry. Ayoko ng nandito tayo sa bakasyon tapos nag tatalo tayo. You take a bath na if you're not comfortable."

"Im sorry, babe. Ayoko lang naman kasi mangitim kasi lalo tayong hindi mag mumukang bagay."

Napangiti si Dennise sa sinabi ni Alyssa at bigla nalang nya itong niyapos ng marahan.

"Ayoko ng maputi, babe. Honestly, gusto ko yung morena lang. Ang sexy ng complexion."

"Binobola mo naman ako e." Lalayo sana si Ly sa pagkakayapos ni Dennise pero the latter insisted.

House of LoveWhere stories live. Discover now