Buong maghapon na nag gala ang lady eagles. Kung saan-saang lugar sa Boracay sila naglibot at bumili ng kung anu-anong pwede nilang makain at maiuwi sa Manila.
"Mag didinner na, guys! Balik na tayo sa villa."
"Hay naku, Den! Pupuntahan mo lang si Alyssa e. Hayaan mo muna mag pahinga yung tao. Susunod naman yun sa restaurant mamaya e." –sabi ni Ella.
Ano bang trip nitong mga to? Iniwan si Alyssa samantalang dapat nag-eenjoy kaming lahat.
Natapos na silang mag gala at ngayon ay bumibili naman ng mga pagkain sa supermarket sa isang mall na nadaanan nila.
"Para saan yan? E kakain nadin naman tayo mamaya ah?" tanong ulit ni Den na nawiweirdohan na talaga sa mga kasama nya.
Hindi naman sumagot sila Ella kaya ang iba na ang binalingan nya ng tingin.
"We're going to do some activities tomorrow Ate Den. Like, ATV, snorkelling and island hopping." Excited na tugon sa kanya ni Bea.
"Yes,Ate, para naman masulit natin yung vacation, diba?"
Inakbayan sya ni Jho pagkatapos ng mga sagot nila ni Bea. Tumulong nadin si Dennise sa pamimili ng kung ano pang dapat nilang madala sa boat bukas.
"Buti naman natahimik tong si Bea. Si Alyssa nalang ang kailangan natin kausapin muna para ayos na ang lahat."
"Ate Ells, I think kailangan nadin natin kausapin muna si Ate Den para hindi na sya mabigla mamaya."
Napaisip saglit si Ella sa sinabi na iyon ni Jia. Tiningnan muna nya ang kanyang mga kasamahan kung busy ba ito at saka hinigit si Amy at Jia palayo sa mga ito.
"Okay, guys. I think tama ka nga, Ji. So, habang pauwi na tayo, kakausapin na natin si Dennise about it."
"Yeah, right. We're here to help and not to ruin their vacation." Pag sang-ayon naman ni Amy.
"So, dapat bago tayo makarating sa restaurant, ipapasundo na natin si Alyssa kay Bea, tutal sya naman ang may kagagawan kung bakit nalaman ni Alyssa na alam na natin yung pinaka malupit na sikreto nila ni Dennise."
Hindi naman namalayan ng tatlo na may isang tao na palang nakikinig sa kanilang likuran.
"She knew it?!"
"Patay!" sabay-sabay nalang na sabi ni Amy, Ella and Jia.
-----
Tahimik na nag lalakad ang lahat. Nauna na si Bea at Mich sa villa nila Den para sunduin nalang si Alyssa. Ang iba naman ay dala ang mga pinamili at ihahatid na muna sa kanilang villa.
Si Amy, Ella, Jia, Jho and Therese ang naiwan na kasama ni Den. Lahat sila ay nag tutulakan kung sino ang unang kakausap kay Dennise.
Puro bulungan ang naririnig ni Den sa mga kasama nya kaya sya na ang naunang magsalita.
"Guys, if you're worried kung galit ako, don't be."
Biglang tumigil paglalakad si Dennise at humarap sa lima. At dahil sa biglaang pag tigil nga nito ay napatigil din sila Ella sa paglalakad at ang apat pa ay bumunggo sa kanyang likudan.
"Aray ano ba?! Tumingin naman kasi kayo sa daan nyo!" Masungit na sigaw ni Ella dahil halos masubsob na sya dahil sa apat na bumunggo sa likod nya.
Kanya-kanya naman ayos ng tayo sila Jia at hindi makatingin kay Dennise.
"Look, I appreciate all your help. Siguro nga dapat kausapin ko nalang si Alyssa para maexplain ko nadin sa kanya lahat."