"You jump! That's no good. You jump high so you spike popely!"
Boses nalang ni Coach Tai ang naririnig sa buong gym. Mag kakaroon sila ng game sa Ateneo de Davao next week kaya naman todo practice nadin ang buong ALE nitong mga nakaraan araw.
"Go Bei! Go Jay-Jay!" sabi ng ilan ng mga lady eagles habang pinapanood na naman si Bea na mag 1 man while Jaymee is setting.
"Hey? Where is Jia?" Amy asked as she goes back from the comfort room.
"Quiz. Major subject and she's not excused." Sagot naman ni Ella na parang drained na drained na sa pagkahiga sa sahig.
"Ella! You tired?!"
"No Coach, I am meditating." Natatarantang bumangon naman si Ella dahil mukang galit si Coach Tai.
"You like 1 man? You like picking balls?"
"I'll pick the balls, Coach."
At agad naman tumakbo si Ella dahil ayaw nyang mag 1 man ulit. Lahat ng lady eagles ay ayaw mag 1 man kapag galit si Coach. Dahil ang 20 minutes 1 man ay nauuwi sa 30 minutes and more.
"Ly, someone is looking for you outside. I think it's Bang." Kiefer said after poking Alyssa.
"Huh? Really? Hm, okay puntahan ko. Thanks, Kief!"
Agad naman tumayo si Alyssa para magpaalam sa coach nila at pinayagan naman ito. Si Dennise naman ay sinundan lang ng tingin si Alyssa habang tumatakbo palabas ng gym.
"Selos ka?"
"Huh?" Napalingon si Dennise sa nagtanong sa kanya.
"Hay Ate Den. Sige kunwari hindi lang malabo ang mata mo, bingi ka nadin." Pag bibiro naman ni Jho na ikinangiti naman din ni Den.
"Bat naman ako mag seselos? Kaibigan naman nya yon."
"Aminin mo na, Ate. Iba naman kasi ang nakikita ko e."
Hindi na nakasagot pa si Dennise dahil may part na totoo naman talaga na nag seselos sya. This past few days kasi ay sweet na sweet sila ni Alyssa. Kahit nga wala na sa public ay parang umaarte padin silang dalawa na mag girlfriend. Hindi man nya gustuhin pero parang gusto na nya talaga yung presence ni Alyssa. Hinahanap-hanap na nya ito.
Nakita nyang nagmamadali si Alyssa papunta sa shower room kaya naisip nya na may lakad ito.
"Wala akong karapatan. Kaibigan nya yon. Ayos lang sakin."
Jho just tapped her back and smiled at her. "Okay lang ba talaga?" Den didn't answer. "I'm here to listen, Ate Den. We're always here."
Natapos na ang training nila ng gabing yon at lahat ay nakapag shower na. Nakita naman ni Den na nandoon pa ang bag ni Alyssa kaya naman naisipan nyang dalhin nadin ito.
They are heading out of the gym at nasa hulihan lang sya. She's trying to text Alyssa nang marinig nyang tumunog ang phone nito.
"Ay? Naiwan din sa bag?" Bulong nito.
Hindi nya namalayan na naiiwan na sya ng kanyang mga kateam mate dahil sa bagal nyang maglakad. Ayos lang naman sa kanya iyon dahil maliwanag naman sa daan at madaming naglalakad pa. Habang nag mumuni-muni ito ay may napansin sya sa hindi kalayuan na bench.
"Si Ly ba yon?" Nang maconfirmed nyang si Alyssa nga iyon ay lalapit sana sya ngunit nakita nya pa ang isang babae na nakatayo din at nahaharangan lang pala ni Alyssa.