"Hindi nga pwede, Alyssa! Pag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede!"
"Pero bakit si Ella, Amy at Jia alam yung bahay kung saan. Nakapunta nadin daw sila doon. Bakit sila Jho hindi pwede?"
Pinag tatalunan ngayon ni Alyssa at Dennise ang bahay. Gusto kasing dalhin ni Alyssa sila Jhoanna sa bahay nilang dalawa. BAHAY NILANG DALAWA dahil hindi pa naman malinaw kung ano talaga ang totoong nangyari sa pagkakabenta ng bahay na iyon. She paid for it with all the furniture installed, but it seems that those are Dennise' things.
"I want peace and quiet place. Uuwi ako doon ngayong weekend kaya hindi mo pwedeng dalhin doon ang team mates natin!" Halos pabulong nalang na sinasabi ni Dennise ito kay Alyssa dahil ayaw nyang marinig ng team mates nila na nag tatalo na naman sila.
"Sige, next weekend nalang. Tutal..." Hindi pa nakakatapos si Alyssa sa sasabihin nya ay napigilan na naman sya ni Den.
"That will never happen! Hinding-hindi mo pwedeng dalhin ang kahit na sino!"
"Pero bakit sila Ella? Unfair!"
"Kilala sila ng parents ko matagal na kaya okay lang na pumunta sila."
"Edi ipakilala mo din sila sa parents mo para makapunta nadin sila. Ano ba kasing meron sa bahay na yon at ayaw mo ng bisita?"
"Enough for this, Alyssa. I'll see you later sa event. Papasok muna ako." Emotionless na sabi ni Dennise habang nag-aayos ito ng gamit.
Bigla naman nagtaka si Alyssa sa naging mood ni Dennise kaya tumahimik nalang ito. Baka tuluyan pang magalit sa kanya ang kanyang kaibigan.
She don't have classes today kaya she decided to go to studio to visit her mom. Nakalabas na si Dennise kaya nag ayos nadin ito ng gamit nya para ilalagay nalang ito sa kotse nya. She was about to enter the bathroom when she noticed a planner on the floor in front of Den's bed.
Kita mo yung tao na yon. Napaka kalat talaga kahit kelan.
Dinampot ni Alyssa ang planner at inilagay sa kama, pero napansin nito ang nakasulat sa cover kaya bumalik sya at humiga sa kama ni Den.
"Dennise Michelle's property. Schedules for the whole year." Napataas ang kanyang kilay "Aba! Nakaplano ang buong taon ha. Haha! Weird din talaga sya."
Binuksan ni Alyssa ang pages kung saan recent and incoming plans ang nakasulat.
"Ano kayang plano nya sa susunod na days? Kelan kaya birthday nun." Pero napatahimik at nanlamig si Alyssa nang mabasa ang nasa page na nabuksan nya.
Heavenly Peace Memorial Garden. Bring flowers for Mom and Dad.
"I am not reading this. Oh my! Naiintindihan ko na lahat kaya importante sa kanya yung bahay at ayaw nya ng bisita."
-----
Dennise is looking for her team mates at the function hall. She arrived late dahil ayaw nyang makasabay si Alyssa sa coaster nila. Nagpaalam naman sya kay Charo na dadaan muna sya sa company branch ng Dadi Mike nya para ipasa ang mga papeles na kailangan nito.
When she saw the Lady Eagles, she walked straight to them. Alam nyang may kulang sa mga ito kaya agad naman nyang tinanong si Ella.
"Ells, nasan si Besh Aly? Sabi nya kanina papunta na sya dito."
"Nasa kabilang room lang saglit. Pinatawag ni Ate Cha para sa screening. Tayo na kasi ang next."
"Here, Den. Refreshment."