Chapter 2 - Ang Mascot

83 5 0
                                    

Ang Mascot

"B2, tumawag pala si mommy." Si Tita Carmela, mommy ni Justin ang tinutukoy ko. "Tinatanong nya kung kelan daw tayo bibisita."

Ibinaba nya ang binabasang dyaryo at tumingin saken.

"I will try to squeeze my schedule para makadalaw tayo sa kanila." sagot niya. "Namimiss ko na rin si Mom."

Napangiti ako. It's just one of the many good qualities of my bestfriend. Hindi sya mama's boy ha. He just loves his mom so much lalo na nung nawala ang daddy nya.

Sinubukan nyang isama dito sa Maynila si Tita Carmela para sana makapiling namin sya pero tumanggi ito. Masyado daw magulo ang Maynila, hindi katulad sa probinsya nila sa Laguna, tahimik.

"I'll be late mamaya. Huwag ka nang magluto ng madami." sabi nito while grabbing a loaf of bread. Inisang higop din nya ang kape nya at tumayo na para maghanda sa pag-alis. "Sasabay ka ba saken?"

Natauhan naman ako at dali-dali na ring tinapos ang pagkain ko at kinuha ang gamit ko. Madadaanan kasi ang pinapasukan kong preschool bago ang opisina nya. I'm doing both my passion, writing and teaching.

Nakita ko syang nagpunta na sa garage para ilabas ang kotse nya kaya patakbo ko syang sinundan. Kahit kelan talaga, hindi marunong maghintay ang isang to.

Hindi na ako nakapag-ayos dahil sa pagmamadali kaya nagpasya akong sa sasakyan na lang gawin iyon.

"Tsk, ang bagal mo talaga kahit kelan." sabi nito at ginulo ang buhok ko. Nakasanayan na nyang gawin iyon simula bata pa lang kami. Noong una, wala akong pakialam kasi di naman ako conscious sa itsura ko. Pero ngayon, ibang usapan na.

"Kainis ka talaga." asik ko sa kanya. "Sabi nang wag mo ng guluhin ang buhok ko. Di na ako bata no."

At sinuklay kong muli ang buhok ko. Nag-apply din ako ng light make-up para presentable.

"Yan! See? I'm not a kid anymore, B2." sabi ko at humarap sa kanya. Mula sa pagmamaneho ay saglit nya akong nilingon. "I'm a woman."

Nginitian ko sya at nagbeautiful eyes pa ako. Narining ko naman ang tawa nya.

"Hahaha..Hay naku, B1. Anong woman ang sinasabi mo dyan, eh hanggang ngayon nga takot ka pa sa kulog at kidlat. Sus!" pang-aasar nito na muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

Hinampas ko naman sya.

"Aray!" angal nya. "Kita mo na? Women are matured and sweet. Hindi katulad mo." at muli syang tumawa.

"Kainis ka talaga B2!" hinampas ko ulit sya. "Kala mo, balang araw papatunayan ko sayo na hindi na ako bata. Hmp!"

Humalukipkip ako at tumingin sa bintana.

"Naku, nagtampo na nga po. Ang tulis ng nguso mo oh, abot na sa windshield. Hehehe." Pang-aasar nya.

Hindi ko pa rin sya pinansin. Hanggang makarating kami sa school, di ko pa rin sya kinikibo.

"Psst! Miss beautiful!" tawag nya. Dineadma ko pa rin. Bababa na sana ako ng sasakyan nang bigla nya akong hilahin kaya muli akong napaupo.

"Ano ba?!" pagalit kong tanong.

"Ito naman. Nagtampo ka talaga?" paawa ang mukha nya. "Sorry na B1. Joke lang naman yun. Di ka pa nasanay saken."

"Hay naku. Bahala ka sa buhay mo." At tuluyan na akong lumabas ng kotse. Dere-deretso akong pumasok sa building pero sinilip ko agad sya sa binatana. Nakita kong napakamot sya sa ulo. Napahagikhik naman ako.

Hindi naman talaga ako nagtampo. It's my way of paglalambing sa kanya. Hahaha...

Natapos ang maghapon na di ko tinext or tinawagan si Justin which is unusual kasi sanay sya na kinukulit ko sya kahit pareho kaming nasa work.

Pauwi na ako ng magsigawan ang mga bata.

"Teacher Rhian!" tawag nila saken. Agad ko naman silang pinuntahan kasi akala ko kung ano na ang nangyari.

Napangiti na lang ako ng may nakita akong taong nakaJollibee mascot at namimigay ng burger and fries sa mga bata.

Napangiti na lang ako at napailing. Bukod kasi sa white rose at Cadbury chocolate na paborito ko, isang kahinaan ko rin ang kasiyahan ng mga bata sa preschool. I love to see them this happy and having fun.

Maya-maya, lumapit na saken ang mascot at inabutan ako ng cadbury.

Pinigilan kong mapangiti at tinaas ang kanang kilay ko.

"Hindi naman ito product ng Jollibee ah." sabi ko.

Inalis nya ang head costume nya at tumambad saken ang gwapong mukha ng bestfriend ko.

"B1, sorry na." His eyes are so expressive lalo pag ganitong nagpapacute sya. "Bati na tayo please?"

Dahan-dahan akong napangiti.

"Eh ano pa nga bang magagawa ko." sabi ko. Bigla naman nya akong niyakap.

"B2! Yuck! Amoy pawis ka kaya!" sabay layo sa kanya. "Ewww, ang lagkit."

Lalo naman nya akong inasar at akmang lalapit ulit pero tumakbo ako palayo. Nagtawanan naman ang mga bata at co-teachers ko.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon