Chapter 45 - Sad Truth

49 2 1
                                    

Sad Truth

Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Handa na nga ba talaga ako?

Nandito kami sa bahay nina Justin sa Laguna. Parang nagflashback sa akin lahat ng mga alaala namin dito. I've spent half of my life in this house. Ang mga tao dito ang nagsilbing pamilya ko nang mawala ang mga magulang ko.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Kung hindi pa ako tinawag ni Konrad ay hindi pa ako matatauhan.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa buong kabahayan. Tila wala na itong buhay.

Sinalubong naman kami ng isa sa mga kasambahay doon at iginiya kami sa kwarto ni Mommy.

Nanlumo ako nang pumasok kami sa kwarto nya. Napapaligiran sya ng mga aparato. Malapit nang tumulo ang luha ko pero pinigilan ko. Kailangan kong maging matatag para kay Mommy.

Nagkaroon ng mild heart attack si Mommy kaya heto at matinding pahinga ang kailangan nya. Hindi ako makapaniwala noong una.

Dahan-dahan syang nagmulat ng mata ng marinig nya ang tawag ko.

"Rhian, anak?" tawag nya. "Is that my little girl, Rhian?"

Nasapo ko ang aking bibig. She look so weak. Agad kong kinuha ang kamay nya at hinaplos iyon.

"Mommy, nandito na po ako. Si Rhian ito, My. I miss you so much." sambit ko.

Naramdaman kong pinisil nya ang kamay ko.

"I'm so glad you're back, anak." sabi ni Mommy. "Please wag ka na ulit umalis."

Sunod-sunod ang naging pagtango ko.

"Opo, My. Hindi na po ako aalis. I'll stay beside you from now on." pahayag ko.

Matapos ang sandaling pag-uusap namin ni Mommy, hinayaan na muna namin syang magpahinga. Si Konrad naman ay nanatili muna sa guestroom. Napagod daw kasi sya sa byahe. Napili ko namang kausapin ang kasambahay nina Mommy.

"Manang, kumusta naman po dito sa bahay?" tanong ko habang pinapanuod ko syang maghugas ng pinggan. "Naaalagaan po ba ng maayos si Mommy?"

"Opo Mam Rhian. Ang totoo po nyan, si Sir Justin po mismo ang nag-aalaga kay Madam." kwento nya.

"Ha? Si Justin? Wala ba syang personal nurse?" tanong ko ulit.

"Dati po ay meron, kaso hindi na raw kasi kayang bayaran ni Sir ang sweldo ng nurse kaya personal na lang nyang inaalagaan si Madam." salaysay nya.

"Hindi mabayaran? Di ba po can afford naman si Justin? I mean, may mga savings naman siguro sya." singit ko.

"Ay hindi nyo po ba alam?" gulat na tanong nya.

"Alam ang alin?" napakunot ang noo ko.

"Hindi na po katulad ng dati ang estado ng pamumuhay nina Sir Justin. Nalugi po kasi ang kumpanya nila pati ang iba pa nilang negosyo. Bukod ho kasi sa napabayaan nya ang pamamahala sa mga ito, balita ko ho ay bumitaw sa kanila ang pinakamalaki nilang kliyente." paliwanag ng kasambahay. Marami syang alam kasi matagal na rin syang naninilbihan dito. Sya ang naging kasa-kasama ni Mommy dito sa Laguna noong nasa Manila kami ni Justin.

Hindi ako makapaniwala. Ano'ng nangyari sa loob ng dalawang taon na nawala ako dito? Bakit ganoon ang bumungad na balita sa akin?

"He thought he did the right thing." malungkot na sabi ni Matthew. Siya ang kinausap ko para malaman kung ano ang nangyari sa kumpanyang pinaghirapang itayo ni Justin. "The Mitsuyoshi Group threathened him. Masyado daw kasi silang napahiya nang hindi natuloy ang kasal nina Justin at Anna. No, actually it was Anna who tried to blackmail him."

Tahimik akong nakinig.

"Alam natin na pag-aari ng Mitsuyoshi Group ang lupang kinatitirikan ng preschool na pinapasukan mo. Anna used that to get what she wants and that is Justin. Kapag hindi ka hiniwalayan ni Justin, idadamay nila ang school." pagpapatuloy ni Matthew. "Nagtataka ka siguro kung paano ko nalaman. Believe it or not, ako ang nilapitan ni Justin. I guess he doesn't have any friends at all, well, simula nung iniwan mo sya. Kahit ako hindi makapaniwala na sinabi nya sa akin ang problema nya."

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon