Greedy
"Hindi ko alam kung ano'ng nakain mo B2, pero thank you for this treat." Sabi ko habang patuloy na kinakain ang dalang pagkain ni B2. Grabe, hindi sya ready talaga. Imagine, puro paborito ko ang dinala nya. "I'm so happy. Especially my tummy."
Natulala ako ng marinig ko ang malakas na tawa ni B2. Now, that was one hell of a sight! Hindi ko alam kung kelan ko sya huling nakita na ganyan kasaya. I mean, he's actually laughing. Hard. Hinahawakan na nya ang tyan nya dahil siguro sa sakit ng pagtawa.
"You really are an amazing woman." Sabi nya na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. "You've got a great sense of humor. Ang sakit-sakit na ng tyan ko sa kakatawa."
Okay. Ako lang ba or talagang panay ang puri nya sa akin? Nakakailan na sya simula pa nung bumalik sya sa bahay.
"Basta pagdating sa pagkain, wala kang pinapatawad." Natatawa pa ring sabi nya.
Umismid ako at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Aminado ako na medyo matakaw ako. Pero nagpapasalamat ako kasi kahit malakas akong kumain, hindi pa rin ako tumataba.
Tumayo ako matapos kumain.
"Grabe, I'm so full." Habang hinahawakan ang tyan ko. Napadami yata masyado ang kain ko. Kasi naman si B2, puro paborito ko ang dinala.
"Wanna walk for a while?" tanong ni B2 matapos ligpitin ang mga gamit namin at ilagay sa sasakyan.
"Sige ba. Para matunawan din ako." Masayang sagot ko.
Nakakita ako ng souvenir shop kaya naman excited akong nagpunta doon para tumingin ng maaari kong bilhin. Naisipan kong bilhan ng pasalubong ang mga kaibigan ko. I'm sure matutuwa ang mga iyon.
"Ikaw B2? Ano'ng gusto mo?" tanong ko sa kanya. Nakita ko syang matamang nakatitig sa akin. Hindi nya ako sinagot kaya tinanong ko ulit sya.
"Huwag mo na akong bilhan ng kahit ano B1." Sagot nito at tumingin na rin sa iba pang souvenir.
May nakita akong cute na bracelet. May nakaukit na Tagaytay City dito. Simple lang ang disenyo nito pero nagandahan talaga ako. Sa tingin ko bagay ito kay Justin. Though puro branded ang mga gamit nya, sana magustuhan pa rin nya ito.
Naghanap din ako ng maaaring ipasalubong kay Mommy. Nakakita naman ako ng pambabaeng bracelet kaya iyon na lang ang binili ko. Samantala, tshirt naman ang binili ko para sa tatlo. Kahit si Manang Tasing ay pinasalubungan ko rin. Masaya ako ngayon kaya gusto kong i-share sa kanila ang kasiyahang nadarama ko.
"Mukhang pinakyaw mo na ang mga tinda ah." Biro sa akin ni Justin nang makitang ilang plastic ang dala ko. Kinuha nya ang ilan at sya na ang nagdala.
"You want ice cream?" tanong nya. Agad naman akong sumang-ayon. Bumili sya at tig-isang cone kami.
"Hmm, ang sarap!" bulalas ko. Alam ko para akong bata ngayon but what can I do? I'm really happy right now. Hindi ko alam kung kailan mauulit ang pagkakataong ito or kung mauulit pa. Kaya naman gusto kong sulitin ang araw na ito. Itatago kong mabuti ito sa aking alaala.
Matapos kumain ay nagpasya na ulit kaming mag-ikot. Sabay kaming naglakad. Nagulat pa ako kasi hinawakan nya ang kamay ko. Sinubukan kong alisin pero hinigpitan nya pa lalo ang paghawak dito. Nailang ako sa ginawa nya.
"Relax." Tipid nyang sabi at nagpatuloy sa paglalakad. Napasunod na rin ako kasi hawak nya pa rin ang kamay ko.
Medyo madami ding tao kasi Sabado. It's a good day to spend with one's family. And speaking of which, bigla kong naalala si Anna. Natigilan ako sa paglalakad.
"B2, can I ask you something?" nahihiya kong tanong. Nakatungo ako. Ayaw ko sanang sirain ang araw na ito. Lalo na at ngayon lang ulit kami nagkasama ng ganito ni Justin, pero hindi ko maiwasan ang hindi makonsensya. Lalo na at ganito ang pinapakita nya sa akin.
Hindi sya umimik at tila hinihintay ang itatanong ko.
"Bakit ako ang kasama mo ngayon?" hindi ko pa rin magawang tumingin sa kanya. I'm afraid na mawala ang tapang ko sa pagtatanong. "Hindi ba dapat si Anna ang kasama mo? Lalo na sa ganitong pagkakataon?"
Matagal bago sya nakasagot. Tiningnan kong mabuti ang mukha nya. Ang kaninang masayang Justin, ngayon ay tila nahihirapan. Huminga sya ng malalim.
"Gusto kitang makasama ngayon. Matagal akong nawala at gusto kong makabawi sa'yo." Sagot nya. May sasabihin pa sana sya pero hindi na lamang nya itinuloy.
Tama. Iyon ang dahilan nya kaya huwag mong bigyan ng kahit anong malisya ang lahat, Rhian. Sabi ko sa sarili ko. Gusto lang pasayahin ni Justin ang bestfriend nya. No more, no less.
Tila tinusok ang dibdib ko dahil doon. Ano pa nga ba naman ang aasahan ko? At isa pa, ngayon ko lang naman binigyan ng kahulugan ang mga ginagawa ni Justin. Dati-rati naman ay mas sweet pa sya pero hindi ko naman iyon napapansin.
Maya-maya, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Si Matthew pala ang tumatawag. Wala sa sariling sinagot ko ito.
"Hello Matthew? Oh, bakit ka napatawag?" tanong ko. "May problema-"
Bigla na lang kasi may humablot sa cellphone ko. Akala ko magnanakaw pero si Justin lang pala. Kukunin ko sana ang phone ko sa kanya pero pinigilan nya ako.
"I said I won't hold back. Gusto kitang makasama kaya ko ito ginagawa." Pahayag nya. "Kahit ngayon lang, I want to be greedy. Kahit ngayon lang, Rhian, I want your full attention with me."
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...