Chapter 48 - His Love

43 0 0
                                    

His Love

I gently wiped his tears.

"I'm an asshole Rhian. Sinaktan kita." kitang-kita ko ang paghihirap ng kalooban nya. "I've caused you so much pain kaya nararapat lang na danasin ko rin ang hirap at sakit na dinanas mo. I'm nothing without you. Wala akong lakas para harapin ang bawat araw. I died little by little each day."

Nagulat ako ng bahagya siyang ngumiti. Isang mapait na ngiti.

"Hindi ko akalain na lumapit ako kay Matthew. Lumapit ako sa karibal ko dati. Can you believe it? I told him everything. And you know what he did?" tanong nya.

Umiling ako.

"He f*cking punched me in the face!" tila natutuwa pa sya. "I can't blame him. Nararapat lang sa akin iyon. But what he told me changed something in me. Sinabi nya na kung talagang mahal kita, hindi ko daw dapat sirain ang sarili ko. He said I should prove you that I'm a better man. A man that you deserve."

Titig na titig lang ako sa kanya.

"I tried to follow his advice. But it's too late. Nalaman ko na lang na bumagsak na pala ang kumpanya namin." muling sumilay ang lungkot sa mga mata nya. "Mom was also shocked when she heard the news. Hindi pa nya ako napapatawad sa ginawa ko sa'yo tapos nasundan pa ng ganitong balita. I really should rot in hell."

"Sshh, don't say that." marahang sabi ko.

"But then, naisip ko na baka bumalik ka. Paano kapag bumalik ka tapos isa na akong walang kwentang tao, tiyak hindi mo na ako matatanggap." aniya. "I decided to recover. Ginamit ko ang naipon ko para magsimula ulit. Nabalitaan ko naman na you are doing great sa America. I'm so proud of you, baby."

He pulled me and kissed my head. Isinandal nya ang ulo ko sa dibdib nya. Kusa namang akong napapikit.

"It is good na hindi ka nagpatalo sa sakit na idinulot ko sa'yo. I know that you are a strong woman, baby." He continued. "I wanted to follow you there kaso hindi ko maiwan si Mommy. Kasalanan ko rin kasi kung bakit sya nagkasakit."

Bumuntong-hininga sya. Hinawakan nya ang magkabila kong braso. I saw determination in his expressive eyes. Tumatagos sa kaibuturan ng aking puso ang kanyang mga tingin.

"Now that you are back, I won't let you get away again." a smile slowly formed in his lips. "I don't care kung hindi mo pa ako mapapatawad or kung hindi mo na ako mahal. I'll just make you fall for me again. I'll make you love me again. Hinding-hindi na ako makakapayag na mawala ka pa ulit sa akin. I've experienced hell since you left me. Ayaw ko nang maranasan ulit iyon. Hindi mabubuhay si B2 kapag wala si B1. I've tied my heart into yours since the very first day you stepped into this house."

Wala na. Hindi ko na kinaya. Napahagulhol na lamang ako.

"Ano pa bang magagawa ko after hearing those words?" sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Napakatanga ko na kapag hindi pa kita pinatawad."

Niyakap nya ako at ganoon din ang ginawa ko. Niyakap namin ang isa't isa ng sobrang higpit.

Kapwa namin pinunasan ang luha ng isa't isa. Kumikinang na ngayon ang kanyang mga mata. Tila nagbalik ang sigla at buhay nito.

Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sa akin. I felt his lips touched mine. It's that kiss that I miss so much.

"I love you so much baby B2." Deklara ko. Niyakap nya ulit ako. Napangiti naman sya.

"I love you more, baby." sagot nya.

I know that his love for me is greater than my love for him. But I don't care. I will just show it to him everyday of our lives.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon