Proposal
Justin's POV
I still can't believe it. Finally. Finally, kami na ni Rhian.
After many struggles, doubts and hesitations, we finally found our hearts together.
I've hurt her. I saw it in her eyes and it pains me too, knowing that I was the reason for her sadness.
Kinompronta ko agad si Anna after her big revelation about her pregnancy.
"Why did you lie? We both know na hindi naman talaga sa akin ang batang iyan." mariin kong sabi kay Anna.
She just cried. Naaawa ako sa kanya pero hindi nya dapat ginamit ang sitwasyon nya para ipitin ako. Ayaw ko sa lahat ng sinungaling at manggagamit.
Pero ako mismo ay ganoon. Isa akong sinungaling at manggagamit.
The only reason kaya naging boyfriend ako ni Anna ay dahil ang kumpanya nila ang isa sa pinakamalaki naming kliyente. His father, Mr. Mitsuyoshi, was fond of me at gustong-gusto nya ako para sa anak nya.
I decided to accept the deal kapalit noon ang pananatili nila bilang kliyente namin. Gusto kasi silang sulutin ng rival company.
Naisip ko na mabuti na rin siguro ito. Baka kapag nagkaroon ako ng girlfriend ay maibaling ko sa kanya ang nararamdaman ko.
I like my bestfriend. Very much. Pero natatakot akong mabigla sya at mailang sa akin kapag nalaman nya. Ayaw kong magkalamat ang samahan namin.
I don't know what will I do kapag nilayuan nya ako. Na nangyari nga isang araw. Hindi ko iyon inasahan. Nasa iisa kaming bahay pero hindi kami nagkakakitaan.
Nangyari iyon simula ng pinakilala ko si Anna sa kanya. I don't know how to explain to her. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag syang lumayo sa akin, na maging close pa rin kami. Pero ang sakit pala kapag yung dating samahan ninyo ay unti-unti nang lumalabo.
I miss her so much. Yung kakulitan nya, yung ngiti nya.
Napakasaya ko nang nakasama ko sya sa Palawan. Sinulit ko ang mga araw na iyon. Parag natupad ang pangarap ko kaso agad ding nasira dahil kay Anna. I was so mad at her.
At nasaktan ako nang sinabi ni Rhian na gusto niyang mag-isa. I know that she didn't mean that literally pero para akong sinuntok sa sinabi nya. Kaya na nya ng wala ako? Mas gusto nyang mag-isa kesa makasama ako?
Nakipaghiwalay ako kinabukasan kay Anna. Hindi nya matanggap. Panay ang hingi nya ng sorry. Pero hindi ko naman talaga sya mahal in the first place. I tried pero hindi ko nagawa. She threatened me na sisirain nya kami ni Rhian. Binalewala ko na lamang sya. She's just upset and hurt.
I left home and lived at an apartment near her school. Oo alam kong parang katangahan lang ang ginawa ko. Umalis ako pero malapit pa rin pala ako. I guess I can't stand the fact na hindi sya makita kahit isang araw. I'm so used to us being together.
Palagi ko syang tinatanaw habang papasok sya ng office, gayundin kapag umuuwi na sya. Inaagahan ko talaga ang labas sa opisina para lang makita sya bago umuwi. Seeing her completes my day.
Nagulat ako nang bigla na lang syang sumulpot isang araw sa apartment ko. Akala ko naghahallucinate lang ako. Nagkasakit ako dala na rin ng matinding pagod. I kept myself busy para sana makalimutan sya but I guess I failed miserably.
After spending a day with her, I decided that I made the biggest mistake nang iwanan ko sya. She also misses me!
Kaya hindi ako nagdalawang isip na bumalik ulit sa bahay. I told her I won't hold back. Ipaparamdam ko sa kanya na sana tingnan nya ako hindi bilang bestfriend nya, kundi bilang isang lalake na maaari nyang mahalin.
Shit, I know this is so cheesy and corny. But what can I do? I love this woman in front of me.
She's smiling so beautifully. Her beauty radiates in the whole place that it made my heart skip a beat.
I hold her hand as I kneel down
"I longed for this day to happen." Sabi ko habang pinipilit pakalmahin ang sarili. Hell! I'm so nervous right now. "I am your bestfriend and you are my twin. We've been together since we were little and I'm glad that I am still with you. You are the only woman that I can see and the one I will look for always. You are the only one capable of moving my heart. Would you give me the biggest honor? Let me stay by your side and love you forever, baby."
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...