Wondering
Hindi muna umuwi si Mommy sa Laguna. Marahil ako ang dahilan. I'm sure na hindi ito mapalagay kasi nasesense nya that there's something bothering me. Pero hindi ko pa magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
At isa pa, taken na ang kaibigan ko. Baka makagulo ako sa relasyon nila kapag nalaman ng mga tao sa paligid ko ang tunay kong damdamin. Mahirap na. Kaya pinili ko na lamang sarilinin ang problema ko. Kahit sa mga kaibigan ko sa office, hindi ako nagsasabi.
"Rhian, alam mo, pansin namin matamlay ka nitong mga nakaraang araw." Si Joyce. Kasalukuyan kaming nagtatanghalian. "Hindi ka naman ganyan dati."
"Naku naman, wala ito. Naisipan ko lang na medyo magseryoso. Konti lang naman." Sabay ngiti. Kahit ano'ng mangyari, hindi ko sasabihin kahit kanino ang pinagdadaanan ko.
"Hmm, in-love ka no?" nagulat ako sa sinabi ni Amy. Ganoon ba ako ka-obvious?
"Ha? Paano mo naman nasabi?" tanong ko
"Hula ko lang. May mga senyales ka kasi ng inlove eh." Sagot nya. "Tulala, yung parang laging malalim ang iniisip. Matamlay. Halos hindi makakain."
Automatic na napatingin ako sa plato ko. Halos hindi ko nga nagagalaw ang pagkain ko.
"Ang dami mo namang napapansin Amy. Paano kung masama lang ang pakiramdam ko?" hamon ko.
"Masama pakiramdam? Ilang araw ka na kayang ganyan." Sabi pa nya. "Basta, iyon ang tingin ko sa kaso mo."
Nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Rhian, may gagawin kasing outreach program ang office namin. Would you like to join?" masiglang bungad sa akin ni Matthew kinabukasan. Kahit sya ay walang kaalam-alam sa nangyayari sa akin.
Sa binanggit nya, sandali kong nakalimutan ang sarili kong sirkumstansya.
"Wow. Talaga? Saan at kelan? Masaya yan!" Masayang pahayag ko.
"Mukhang hindi ako nagkamali na yayain ka. You're eyes are beaming with excitement." Nakangiting sabi nya. "This weekend na. Somewhere in Zambales. Pupuntahan natin yung mga natives doon."
"Ayos. Gusto ko ang mga activities na ganyan. Count me in." ang lapad ng ngiti ko. Maybe this is what I need. A new environment.
Pinayagan naman ako ni Mommy. Makakabuti daw sa akin na lumabas din ako at gumawa ng mga ganoong bagay. Saturday came and I'm all set. Hindi ko inaasahan ng malaman kong kasama rin pala si Justin sa activity na iyon.
Well, why am I surprised? Sya nga pala ang CEO. Humanitarian din kasi itong kaibigan ko.
But I was flabbergasted when I saw Anna behind him. At kasama pa rin talaga itong isang ito. Sa lahat yata ng lakad, magkasama sila.
"Kasama ka rin pala sa outreach?" tanong ni Anna pagkakita saken.
"Ah, oo. Niyaya ako ni Matthew." Matipid kong sagot.
Sakto namang dumating si Matthew. The three of them exchanged greetings. Nang makarating kami sa office building nila, ipinark na ni Matthew ang sasakyan nya. Mayroon kasing shuttle bus na maghahatid sa amin sa location. Samantala, nagdala naman ng sariling sasakyan si Justin at of course, kasama nya doon ang asungot na yun, este girlfriend pala nya.
Halos 4 na oras lamang ang byahe bago kami makarating sa area. Naalimpungatan ako kasi may narinig ako na parang lumagabog. Nagulat pa ako pagkagising ko kasi nakasandal pala ako sa balikat ni Matthew. Hindi ko kasi namalayan na nakatulog pala ako sa byahe.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...