Crazier
Days passed since nung huling pag-uusap namin ni Justin. Tila lalong naging magulo ang takbo ng isip ko. Now what did he mean by that? He said he won't hold back. What is he holding back anyway? Tinanong ko sya pero hindi naman nya ako sinasagot.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng narinig kong tumunog ang doorbell.
"Sino yan?" tanong ko bago ito buksan.
"It's me." Nanlaki ang mata ko.
Si Justin! Ano kayang ginagawa nya dito ng ganito kaaga?
Binuksan ko ang gate at tumambad sa akin si Justin na may dalang malaking maleta. Napako ang tingin ko sa dala nya.
"Don't be so surprised. Bumabalik lang ako dito sa bahay." Aniya at nagpatuloy na sa loob.
"Dito ka na ulit titira?" tanong ko habang nakasunod pa rin sa kanya.
"Bakit? Ayaw mo ba?" nilingon nya ako sabay ngisi.
"Huh? Hindi naman sa ganon." Iyon lang ang tangi kong naisagot.
"Fix me some food, B1. I'm starving." Nakapuppy eyes sya. Shit! What has gotten into him?
Natulala ako dahil sa ekspresyon ng mukha nya. He's so cute! Kung hindi pa sya tumikhim ay di ako matatauhan.
"Oh, okay sige. Ayusin mo na muna ang gamit mo. I'll call you when it's done." At tinalikuran sya.
I think I'm doomed. Tila mas lalo akong mahihirapan na iwasan sya lalo na at bumalik na ulit sya dito sa bahay. Though hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbabalik.
Naisipan kong magluto ng pancakes, fried eggs and hotdogs. Nagtimpla rin ako ng hot coffee para sa kanya. I can't help it pero ang sarap sa pakiramdam na ipinagluluto ko na ulit sya. Na-aappreacite ko na ngayong gawin ang mga simpleng bagay tulad nito. Lalo na at para ito sa kanya.
"Wow! Let's dig in!" masaya nyang nilantakan ang inihanda ko. Simpleng pagkain lang naman iyon pero tila sarap na sarap sya. "I really miss this. Ang sarap talaga ng luto mo."
Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa simpleng papuri nya. Shit! Kumalma ka Rhian at baka makahalata sya.
"Ordinary lang naman yang pagkain na yan." Sabi ko habang pinapanuod pa rin syang maganang kumakain.
"But it is different. Ikaw ang nagluto eh." At nginitian nya ako.
Okay Rhian. Tumutunog ang alarm and it says DANGEROUS.
Saturday ngayon kaya naman nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Justin sa bahay ng sobrang aga. Now what to do? Paano ko gugugulin ang araw na ito lalo na at nandito na naman ang taong nagpapagulo sa buong sistema ko.
"B1? Are you busy?" tanong ni Justin habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko. Naisipan ko na lang manatili dito para maiwasan ang awkward conversations with him.
"Ah, hindi naman. Bakit?" tanong ko.
"Let's go out." Masiglang anyaya nya. "Naiinip ako dito eh. Samahan mo ako. Pasyal tayo."
Nag-isip ako kung sasama ba ako o hindi. Kaso nasabi ko nang hindi ako busy. Baka naman magtaka sya kapag di ako sumama. Baka isipin na naman nya na iniiwasan ko sya.
"S-Sige. Magbibihis lang ako." Sagot ko.
"Okay then. I'll wait for you. Wear something comfortable." Sabi nya at isinarang muli ang pinto.
Comfortable? Okay, eh di comfortable. Mainit ang panahon kaya naisipan kong magsuot ng maong shorts at halter top. Inayos ko ang buhok sa isang simpleng bun. Naglagay rin ako ng light make-up.
Ok, hindi ito date. Simpleng pamamasyal lang ito ng dalawang magkaibigan. Paalala ko sa sarili ko.
"I'm ready! Let's go." Sabi ko habang bumababa ng hadgan.
Nakita kong napamaang sya. Hindi sya nakakilos sa kinatatayuan nya. Tapos dahan-dahang kumunot ang noo nya.
"What are you wearing?" tanong nya habang nakatingin pa rin sa damit ko.
"This? Sabi mo comfortable di ba?" I answered jokingly.
"But I didn't say that you can show all your skin." Matabang nitong sabi. "C-can you change into something else? Yung medyo madaming tela?"
"Oh, no. Tapos na akong mag-ayos, B2." Angal ko. "Ano bang problema sa suot ko? At saka anong showing all my skin? Hindi naman ah."
Tiningnan ko muli ang sarili ko sa salamin. Hindi naman ganoon kaiksi ang shorts ko. In fact parang two inches lang ang layo nito sa tuhod ko. Tapos yung top ko naman, ok din.
"Okay fine. But bring this." At inihagis nya sa akin ang jacket nya. Seriously? Sa ganito kainit na panahon?
"Just do as I say B1. Ayaw kong mapaaway ng dahil dyan sa suot mo." At mabilis na naglakad patungo sa sasakyan nya.
What is his problem? Okay naman sya nung nagyaya sya kanina. Tapos ngayon, nakabusangot ang mukha.
Argh. B2 and his moodswings.
"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe namin. "Kung sinabi mo sana kung saan tayo pupunta, eh di sana nagsuot ako ng tamang damit."
"Hindi ko na sinabi para sana masurprise ka. Kaso ako yata ang nasorpresa dyan sa suot mo." Sabi nya na nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho.
Hindi na ulit ako umimik. Mamaya magtalo na naman kami. Dapat kasi iba na lang sinuot ko. At dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta, naisipan ko na lang matulog. Bahala sya sa buhay nya.
Nagising ako nang maramdaman ang marahang pagtapik nya sa balikat ko.
"B1, we're here." At saka sya pumunta sa likod ng sasakyan. Tila may mga kinukuhang gamit.
Nag-inat ako at nakita kong nasa Tagaytay pala kami.
"Wow! Tagaytay!" masayang kong bulalas at nagtatakbo sa isang cottage. Nasa Picnic Grove kami!
Nakita kong kumuha ng isang basket si B2 na naglalaman ng mga pagkain namin. Mukhang pinaghandaan nya ito ah.
"Kung alam ko na dito tayo pupunta, sana natulungan kita sa paghahanda ng mga 'yan." Sabi ko sabay turo sa basket na dala nya.
"It's okay. I want you to enjoy this day. With me." Makahulugan nyang sabi at nauna na sa paglalakad.
Okay. I think this day will get a lot crazier than before.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...