Tears
Panay ang tingin ko sa orasan. Bakit ba hindi ako mapakali? Kinakabahan ako.
"Hey, you okay? You're kinda tense, you know." Napansin din pala ni Konrad ang pagkabalisa ko.
He's coming. Any minute now. Gusto kong batukan ang sarili ko sa tindi ng kabang nararamdaman ko. Kanina sa studio ang yabang ko, pero titiklop din naman pala ako.
"I'm home." sabi ng isang baritonong boses. He's standing mightily in the front door.
Napalunok ako. Dumulog sya sa mesa para sumabay sa hapunan.
"Anak, nagbalik na si Rhian." malugod na balita ni Mommy. "I hope you two can patch things up and reconcile again."
Napaubo ako. Agad naman akong inabutan ng tubig ni Konrad. Nakita kong tumaas ang kilay ni Justin at nag-igting ang kanyang bagang.
"We'll see Mom." sagot ni Justin.
Hindi ako makatingin sa kanya pero ramdam ko ang tingin na ipinupukol nya sa akin.
"Dear, you're not eating." narinig kong komento ni Konrad.
"Oh, sorry." at pinilit kong kumain.
Paano ba naman ako makakain nito kung panay ang titig ng tao sa harap ko. Nakakaconscious tuloy.
"Mukhang alagang-alaga ka Rhian ah." sabi nya na titig na titig pa rin sa akin.
Pilit na ngiti lang ang naisagot ko.
Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Ramdam ko ang epekto ng jetlag pero mas nangingibabaw ang pag-iisip ko kay Justin. Sumakit tuloy ang ulo ko.
Bumaba ako para maghanap ng gamot. Buti na lang at hindi pa rin nila binabago ang lagayan ng mga gamot.
Kasalukuyan akong umiinom ng narinig ako ang pagtikhim nya. Yes, alam kong sya yun. I can smell him even from afar. Tandang-tanda ko pa rin.
"Are you sick?" nakalapit na pala sya sa akin.
Hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa. Sinapo nya ang noo ko at pinakiramdaman kung may lagnat ako.
"You're a little hot. Mabuti at uminom ka agad ng gamot." malumanay na sabi nya. Para naman akong naestatwa.
"Ah, eh.. Oo, uminom na ako. Sige ha? Magpapahinga na ako." sabi ko at naglakad na palabas ng kusina pero hinila nya ako.
Nagtungo kami sa living room. Pinaupo nya ako doon at tinabihan. Kinabahan ako. Ano ang ginagawa namin dito?
"I won't do anything, don't worry." I saw amusement in his eyes. "I'll just massage your head."
At inumpisahan nyang masahihin ang ulo ko. Nakatalikod ako sa kanya. Nakaramdam ako ng kakaibang ginhawa. Unti-unting napawi ang sakit ng ulo ko.
"Is he your boyfriend? Konrad right?" tanong nya sa akin.
Napangiti ako. Is he jealous?
"No, he's not. He's just a friend." sagot ko.
Tumikhim sya.
"Alam mo bang gustong-gusto kitang sugurin ng yakap at halik nang sumulpot ka sa studio ko?" bulong nya. "You are so mezmerizing. Muntik ko nang sisantihin yung empleyado ko sa kakatingin sa'yo. I wanted to tell you that I miss you so much. Pero alam kong kailangan muna nating mag-usap."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Iniharap nya ako.
"Kaso nakita kitang may kasamang iba. I really want to punch him for being so sweet sa iyo. Buti na lang kaibigan mo lang pala yun. Pero please hear my side? Will you listen, baby?" namumungay ang kanyang mga mata.
Dahan-dahan akong tumango.
"Una sa lahat, I'm sorry Rhian." He said softly. "Sorry kung nasaktan kita. Iyon ang pinakamalaking kasalanang nagawa ko. To hurt the woman I love and drive her away."
Bumilis na naman ang pintig ng puso ko.
"Hindi ko inaasahan na matutunton tayo ni Anna sa Zambales. She said na may importante syang sasabihin kaya pumayag akong makipag-usap sa kanya ng gabing iyon." he continued. "She begged me to come back to her. Pero sinabi ko na ikakasal na tayo. She got mad. Binantaan nya ako na guguluhin ka nya. We know na makapangyarihan ang pamilya nila. At gusto nyang idamay ang school. I know that it's one of the things that gave you happiness and fulfillment kaya wala akong nagawa. She asked me to break up with you but I said I can't do it."
Hinawakan ko ang kamay nya.
"Kaya naman siya na ang gumawa ng paraan para magkahiwalay tayo. She saw you coming kaya hinalikan nya ako at niyakap. She told me to cooperate or else, sasaktan ka nya physically. I can't bear that kaya pumayag ako." napansin ko ang pamamaos ng boses nya. "Halos mamatay ako habang pinapanuod kitang umiiyak at tumatakbo palayo. I knew that that will be the last day na makikita kita. I'm so sorry baby. I'm sorry for being a f*cking coward."
I touched his face. Naramdaman kong basa ito. Those were tears!
He's crying! My Justin is crying!
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...