Chapter 31 - Eyes on Me

58 1 0
                                    

Eyes on Me

Nalintikan na! What the hell did he just say?! Full attention? With him?! Ok. Inhale. Exhale. Breathe Rhian, breathe. Unti-unti kong prinoseso sa utak ko ang mga sinabi ni Justin.

Surely he didn’t mean that, right? May malisya ba yung sinabi nya? I can’t understand him. And I think I won’t be able to understand him. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nya at bakit sya nagbibitaw ng mga ganoong salita sa akin. Hindi ba nya alam kung ano ang maaaring maging dating noon sa akin? Sa akin na lihim na nagmamahal sa kanya?

Litong-lito na ako.

Tinatahak na namin ang daan pauwi. Hindi ako ngayon makatingin sa kanya. Sabi nya he wanted my full attention sa kanya. Eh sa kanya lang naman talaga ako nafocus ah. As if namang?

Nanlaki ang mga mata ko. Was he pertaining to Matthew? Kaya nya nasabi na gusto nyang nasa kanya lang ang atensyon ko?

Whew! Hinay-hinay ka lang sa pag-iisip Rhian. Masyado nang malayo ang nararating nyan. Napabuntong-hininga tuloy ako na hindi naman nakatakas sa matalas na pakiramdam ni Justin.

“What’s wrong?” tanong nito na saglit akong nilingon.

“Ah, wala naman.” Sagot ko. Alangan namang sabihin ko na sasabog na ang utak ko sa kakaisip sa mga pinagsasabi nya.

“Iniisip mo yung tungkol sa sinabi ko kanina?” tanong ulit nya. Tila hindi sya nakumbinsi sa sagot kong wala. Mind reader ba sya?

Hindi ako umimik.

“If that’s what you’re thinking about, then maybe we should talk properly.” Sabi pa nya habang inililiko ang sasakyan papunta sa subdivision na tinitirahan namin.

Again, pinagbuksan na naman nya ako ng pinto pagkababa. Dumeretso kami sa living room. Tahimik pa rin ako dahil baka kapag nagsalita ako, mabuking agad ako.

“Tungkol sa sinabi ko Rhian..” panimula nya. “You know that we’ve been friends since we were kids. Palagi tayong magkasama. Lahat ng bagay ginagawa natin ng magkasama. I know we’re used to it. Hell, I’m so used to it. Na naninibago ako ngayon kasi hindi na natin nagagawa ang mga bagay-bagay na magkasama.”

Nakatulala lang akong nakikinig sa kanya. It seemed na pareho naman pala kami ng inaalala.

“May mga dumating na tao sa buhay natin. I have Anna and you have, well, you have Matthew.” Pagpapatuloy nya. Titig na titig sya sa akin habang sinasabi iyon. “I felt like you were drifting away. Well, may kasalanan din ako kasi lumayo ako at iniwan ka dito sa bahay. Pero nagbalik na ako. Namiss ko ang bonding natin, ang closeness natin.”

Isang napakalakas na sampal iyon saken. Isa lang naman kasi ang punto nya. He just misses his bestfriend. That’s all. Huwag ka na kasing umasa Rhian.

“Ano’ng masasabi mo?” tanong nya.

“Wala naman kasing nagbago, B2.” Sagot ko. Pero sa totoo lang I can’t find the right words para masabi sa ang nasa isip ko. “Ako pa rin naman ito, ang bestfriend mo. Pwede mo akong lapitan at kausapin just like before.”

Sige lang Rhian. Magpakamartir ka pa. Sabi ng utak ko.

Hindi sya sumagot agad. Mukhang ang lalim ng iniisip nya. Napatungo na lang ako. Ano ba itong nangyayari sa aming dalawa. Actually, gumulo lang naman simula ng nadevelop ang feelings ko para sa kanya eh. Ok sana ang lahat kung nanatili na lang sa pagiging kaibigan ang tingin ko sa kanya.

“Gusto ko talagang mas makasama ka ulit ng madalas Rhian.” Deretso na naman ang tingin nya saken. Hindi ako sanay. Nakakailang. “At pwede ba, huwag mo na akong tawaging B2? Call me by my name.”

Nagulat ako.

“Pero, di ba yun naman ang tawagan natin simula pa noon?” nagtatakang tanong ko.

“Try calling me by my name, Rhian.” Malumanay na sabi nya. Ayan na naman sya. Kumakalabog na naman itong puso ko. Naman kasi. Huwag syang magpapacute ng ganyan at baka himatayin ako.

“J-J..” I’m stammering! Nagawa ko na naman dati na tawagin sya sa pangalan nya, pero bakit ngayon parang kinakabahan akong gawin iyon?

“Come on, try harder.” Sabi pa nya.

“J-Justin?” alanganing bigkas ko. Anak ng tokwa naman oh. Bakit ba ako nahirapan ng ganoon?

A smile slowly formed from his beautiful lips. Okay, pwede na ba akong himatayin? Ang gwapo!

“That’s better.” Nakangiting sabi nya at tumayo na para magtungo sa kwarto nya.

May party na naman sa office nina Justin. At dahil “gusto daw nya akong mas makasama”, he invited me to be his date on that day. Friendly date lang ito, walang malisya.

“You look stunning.” He smiled as he saw me walk down the stairs. Tumungo pa sya at hinalikan ang kamay ko. “May I have this dance?”

Muntik na akong matipalok dahil biglang nanghina ang tuhod ko. Makapambola kasi, wagas na wagas. Hay naku po.

Susulitin ko na po. Pagbigyan nyo na ako. It’s as if I’m Cinderella. Ngayong gabi lang. Gusto ko pa talaga syang makasama. Hindi ko na muna iisipin ang ibang sirkumstansya sa pagitan namin. Kaya heto ako ngayon bilang date nya. Instead of Anna.

Naglakad na kami patungo sa dancefloor. Nakita kong kinawayan ako ni Matthew. Kakawayan ko sana sya kaso bigla akong hinapit ni Justin na siyang ikinagulat ko.

“I want your eyes on me, Rhian.” Bulong nya.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon