Chapter 28 - Won't Hold Back

61 1 5
                                    

Won't Hold Back

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi nya kaya napainom ako ng tubig.

"Ah, you mean parang noong nasa bahay lang tayo? Kasi di ba lagi tayong magkasama noon?" sabi ko na pilit itinatago sa ngiti ang kanina pa naghuhuramentadong puso ko.

Sya naman ang kumunot ang noo. Ayaw kong bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi nya. And the closest reason to what he said ay yung sinabi ko.

"No. It's not like that." Titig na titig pa rin sya sa akin. "I feel at home when I'm with you. My heart is at peace. I can be myself again."

Naguluhan ako lalo sa sinabi nya. Don't tell me he meant that in a romantic way? No way. That can't be, right? I mean, he's engaged for goodness sake!

"I-I think you better stop that B2." Tinatapatan ko ang titig nya. I need to make him realize na kung ano man itong mga sinasabi nya sa akin, this can't be. At isa pa, dapat ako rin. Dapat hindi ako nagpapadala.

"What? Totoo naman ang sinabi ko ah. There's no one in this world that can make feel like that." Pagpapatuloy nya. "Well, except kay mom. But other than her, it's only you."

Hindi ko na matagalan ang titig nya sa akin. Pakiramdam ko he can see through me. Ayaw kong malaman nya ang nararamdaman ko dahil alam kong mahihirapan lang sya. I don't want him confused between me and his new family.

Gusto kong umiyak sa isiping iyon. I shouldn't be having this kind of conversation with him especially right now. It's just wrong. Tumayo ako. Baka kung saan pa lalo mapunta ang usapan namin. Mahirap na. Kailangan kong iwasan hanggang maaari...at hanggang kaya ko.

"You sleep in my room." Narinig kong sabi nya nang matapos ako sa paghuhugas ng pinagkainan namin. "I'll stay in the living room. But you need to take your medicine first, bago pa matuloy sa sakit iyang sipon mo."

Sumunod na lamang ako. Matapos ang ginagawa ko, dumeretso na agad ako sa kwarto nya. Ayaw ko munang magkaroon sya ng pagkakataon na kausapin ako. Oo, mahal ko sya. Pero hindi ko naman akalain na sasabihin nya ang mga ganoon bagay sa akin. Dapat kay Anna nya iyon sinasabi.

Ilang oras na akong papaling-paling sa higaan. Hindi ako makatulog. Bukod sa naalala ko ang mga sinabi nya, nadidistract din ako kasi I can smell him in this bed. Justin's smell. Kung hindi sana ganito kakumplikado ang sitwasyon, agad ko na sanang tinugon ang mga sinabi nya.

Naisipan kong uminom ng tubig. Inuhaw ako sa kakaisip. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Ang tanging nagbibigay liwanag sa paligid ay ilaw sa may kusina. Tulog na siguro si Justin. Nagtiptoe ako papunta sa kusina. Ingat na ingat ako para hindi makagawa ng kahit anong ingay.

Matapos uminom, nagpasya na akong bumalik sa kwarto. Pero naaninag ko si Justin. Hindi ko maiwasang hindi mapaawa sa kanya. Alam kong mahirap ang posisyon nya sa pagtulog. Sa tangkad ba naman kasi nya tapos doon sya natulog. Kumuha na lang ako ng kumot at kinumutan sya. Pero nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Ay butiki!" sa gulat ko ay nasabi ko na naman ang nakakatawang expression na yun. Hay ano ba yan. "Sorry, nagising kita. Kinumutan lang kita kasi medyo malamig."

Bilib ako sa sarili ko na nakaya ko pang magsalita ng tuwid. My heart kept on thumping like crazy. Sinubukan kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya pero mas lalo nya lang hinigpitan ito.

"You really amaze me, B1." Again, his voice was so soft and tender. "You act as if you didn't care yet your action gets the best of you. And I'm glad na ginagawa mo ito para sa akin."

Maghunus-dili ka Rhian. Huwag kang magpapadala.

"Ah, ano kasi... Syempre naman I care for you. Bestfriend mo ako di ba?" pinilit kong pagaanin ang boses ko kahit na kanina pa nangangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba.

I saw him smiled. At bigla na lang nyang hinigit ang kamay ko dahilan para mapaupo ako sa may gilid ng sofa. Bumangon sya at hindi ko inasahan ang sunod nyang ginawa.

He kissed my forehead!

"Goodnight, B1." He said warmly. Shit! Biglang nagflashback yung mga times na hinahalikan ko sya sa pisngi para lang mag-goodnight. Wala lang iyon sa akin dati, pero ngayon, tila hihimatayin ako dahil sa simpleng halik na iyon. At sa noo yun ha, paano na kaya kapag? Ipinilig ko ang ulo ko. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

Erase! Erase!

Tumayo ako at agad na pumasok sa kwarto. Narinig ko pa ang munti nyang halakhak bago ko isara ang pinto. Damn! What the hell was that? Nababaliw na ba sya? Why is he acting like that? Lalong gumulo ang isip ko. Pero dahil na rin siguro sa pagod, hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog. Buti nga at nakatulog pa ako.

Kinaumagahan, humupa na ang bagyo. Buti na lang kasi hindi ko na yata kayang magtagal pa ng isang gabi dito sa apartment ni Justin. Pakiramdam ko nagkakasala ako.

Naabutan ko syang nagkakape sa kitchen habang nagbabasa ng dyaryo. His daily routine.

"Kumain ka na." sabi nito na hindi ibinababa ang binabasang dyaryo. I can sense in his voice that he's happy.

"Ah, B2. Magpapahatid na ako sa bahay pagkatapos kong kumain." Alanganin kong sabi sa kanya. Agad akong nag-isip ng magandang dahilan. "Gusto ko na ring makita si Mommy. I'm sure she wanted to see me na."

Hindi sya sumagot agad. Sana payagan na nya akong umuwi.

"Sige." Matipid nyang sagot.

Binilisan ko na lang ang kain. Gusto ko na talagang umuwi.

Tinawagan ko si Mommy na pauwi na ako. Agad kaming sinalubong ni Mommy.

"Rhian, anak." Halos mangiyak-ngiyak sya habang niyayakap ako ng mahigpit. "Akala ko kung napaano ka na."

Halos maiyak na rin ako. It really feels good to be with my mother.

"Sorry, My. Pinag-alala kita masyado. Buti na lang po at niligtas ako ni B2." Sagot ko at tumingin kay Justin.

"Rhian!" narinig ko sa likuran ko. Nakita ko si Matthew. Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap ng mahigpit. "I'm so glad that you're safe."

Napansin kong nag-igting ang bagang ni Justin. It's as if na may pinipigilan sya.

Pumasok na kami sa loob pero hinila ako ni Justin papunta sa gilid ng bahay.

"Okay. You've done it. I tried so hard. I tried to control it, but this?" sabi nya napapatingala at napapapikit. Parang galit sya. "This time, I won't hold back. Not anymore."

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon