His Side
Justin's POV
Naalimpungatan ako. Madilim ang paligid. It took me a couple of seconds bago nakapag-adjust sa dilim ang mata ko. Sobrang tahimik. Mukhang nakaalis na si Rhian. Bakit ba palagi na lang palpak ang mga bagay-bagay pagdating sa aming dalawa?
Bumangon na ako at naglakad para buksan ang switch ng ilaw. Pero natabig ko ang isang bagay sa may paanan ko. Napakunot-noo ako. Ano naman kaya ito? Hindi ko inaasahan ang nakita ko nang mabuksan ko na ang ilaw.
Si Rhian, mahimbing na natutulog sa may sofa. Nakapatong ang ulo at braso nya sa arm chair. I can't help but be relieved, seeing that she didn't leave me. That she stayed by my side.
Lumamlam ang mga mata ko. Pinagmasdan ko lang si Rhian.
She is the only person that can make me feel this way. The only person who can make my heart beat so fast. And she really never ceases to amaze me.
Unti-unti syang gumalaw senyales na nagising ko sya. Nahuli nyang nakatingin ako sa kanya.
"Oh, bakit bumangon ka? Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito habang kinukusot ang mga mata saka lumapit sa akin.
I gently smiled at her. Her eyes speaks of weariness at the same time, concern for me.
Tumango ako.
"Sorry. Nagising kita." Sagot ko.
"Ok lang. Nagugutom ka ba? Gusto mo maghanda ako ng makakain mo?" dere-deretsong tanong nya sa akin. Hindi naman halatang nag-alala talaga sya sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagngisi.
"You really are that worried, huh?" inasar ko sya.
She pouted. Lalo tuloy akong napatawa. She's so cute and adorable everytime she does that.
"Hmp! Eh di wag." Akma syang lalakad palayo pero hinila ko sya.
"Thank you. For staying...and taking care of me." I said sincerely.
I saw her blush. Hindi sya makatingin sa akin.
"Sus! Wala 'yun no. Ikaw pa, eh malakas ka saken." She chose to joke sabay hampas sa braso ko. "Paano pa at naging bestfriend mo ako kung simpleng bagay na ganito eh hindi ko magawa para sa'yo."
Bumakas ang lungkot sa kanyang mukha pero agad din iyon nawala.
"Teka, maghahanda na muna ako ng makakain para makainom ka ng gamot mo." At tinalikuran na nya ako.
I watched her as she makes her way towards the kitchen. I'm glad that she's being playful again. Namiss ko ang pagiging makulit nya, ang pagiging masayahin nya, ang pagiging caring nya. I miss her so damn much.
Pero hindi ko iyon pwedeng ipahalata or ipakita sa kanya. I tried so hard to avoid her as much as I could. Pero minsan hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko lalo na kapag umaaligid sa kanya yung kumag na Matthew na iyon.
Oo, aminado akong ok na rin na kahit papano ay nandyan sya para kay Rhian. Kaso hindi ko matanggap na sya ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay ako ang gumagawa, na sya ang nandyan kapag kailangan ni Rhian ng makakausap at kasama. Instead of me.
And I know that I'm also the reason kung bakit sya nalulungkot.
"B2, nakahanda na ang hapunan. Halika na." tawag nya sa akin na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Tahimik kami habang kumakain. Gusto ko syang kumustahin. Gusto kong itanong kung anong ginawa nya nitong mga panahon na hindi kami magkasama. Kaso nag-aalala rin ako sa magiging sagot nya kaya pinili ko na lang sarilinin ang bagay na iyon.
"K-kumusta ka? I mean, noong hindi ka pa nagkasakit. How was your life dito?" basag nya sa katahimikan. Siguro hindi na rin nya matiis na hindi magtanong and I'm glad she did.
"Okay naman ako. Nakakapanibago. Sanay kasi ako na may nangungulit saken." Nakangisi kong sagot. Namiss kita ng sobra kung alam mo lang.
Kumunot ang noo nya sa sinabi ko.
"Ako ba ang tinutukoy mong nangungulit sa'yo?" tanong nya.
"Wala akong sinabing ganon." Patuloy ko. Pinipigilan ko lang mapatawa kasi baka magtampo sya.
"Ako? Nanibago rin." Seryoso nyang sabi. "Ang tahimik sa bahay, sobra. Tapos wala akong makausap."
"Bakit naman? Hindi ka ba dinadalaw ng boyfriend mo?" Yes I know. I'm fishing.
"Boyfriend?" takang-taka nyang tanong. "Wala naman akong boyfriend."
Thank God. I said to myself. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. Simula kasi ng umalis ako sa bahay, hindi ako matahimik sa kakaisip na baka madalas pumupunta dun yung kumag na yun. Sorry for the word pero yun talaga ang gusto kong itawag sa kanya.
"Ehem..I see. Buti naman at good girl ka." Biro ko. As much as possible, gusto kong pagaanin ang atmosphere sa pagitan namin.
"You bet. Ikaw lang naman kasi itong nang-iiwan saken." Muli akong nagulat sa narinig ko. Tila nabigla din sya at agad tinakpan ng kamay ang kanyang bibig. Mataman ko syang tiningnan. "I...I mean, sabi mo kasi dati, hindi mo ako hahayaang mag-isa. It seemed na hindi naman pala totoo iyon."
I saw sadness in her beautiful eyes. Naguilty ako. I know na hindi ko dapat sya iniwan sa bahay. Pero ito lang ang naisip kong paraan para makaiwas...dahil kung hindi, I will make her fall for me.
Deeply fall for me...
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...