Chapter 36 - Field Trip

46 1 0
                                    

Field Trip

"Buti na lang at ako ang pinasama ni Ma'am sa field trip ng alaga ko." narinig kong sabi ng isa sa mga guardians. "Ang gwapo ng driver natin."

"Oo nga. Grabe, hindi sya bagay maging driver." sabat naman noong isa. "Mas bagay syang maging model. Ay hindi, mas bagay sya sa akin."

At narinig ko ang mahihina nilang tili.

Hmp! Ano ba naman itong mga ito, ang lalandi ha. Sa akin lang si Justin! Yan sana ang gusto kong isigaw sa kanila kaso hindi ko magawa.

How I wish sa akin nga si Justin.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Akala ko ba excited ka sa trip na ito? Bakit parang Biyernes Santo ang mukha mo?" tanong sa akin ni Justin sabay lingon sa akin. Ibinalik rin naman agad ang paningin sa daan.

"Pwede ba, huwag ka nang dumaldal dyan. Magfocus ka na lang sa pagdadrive." Ok, aminado akong nabadtrip ako. Kainis kasi talaga itong mga guardians ng mga bata. Uminom na lang ako ng tubig. "And please keep your eyes on the road."

"Ok. For now, I'll focus on the road. Pero mamaya, sa iyo naman ako magfofocus." Sabi pa nito.

Naibuga ko tuloy ang iniinom ko.

"Eeww, Yaya! My dress got wet." reklamo ng bata sa harap ko.

"Naku, I'm sorry baby. Hindi sinasadya ni Teacher." hinging-paumanhin ko. Pinunasan ko ang damit nya. "Don't worry, I'll buy you something later, ok?"

Narinig ko ang mahinang tawa ni Justin. Naku, kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa sya tumimbuwang dyan.

Ay sorry, mali. Hindi pala. Ayaw ko syang masaktan. Mahal ko pa rin yan kahit ganyan yan.

Makalipas ang isang oras, nakarating na kami sa una naming destinasyon. Excited na nagsibaba ang mga bata kasama ang mga guardians nila.

May nakatoka namang tourist guide sa amin kaya hindi kami masyadong mahihirapan.

"Teacher Rhian, tayo na po sa loob." tawag sa akin ng isa sa mga guardian. Parang daddy yata sya ng isa sa pinakamakulit kong estudyante.

"Susunod na po kami. Mauna na po kayo doon." magalang kong banggit.

"Pero hinahanap ka kasi ng anak ko." at hinila ang kamay ko.

"Take your hands off of her." sabi ng isang baritonong boses. Nakita ko sa likuran ko si Justin. Mukhang galit sya.

Agad namang binitawan ng kausap ko ang aking kamay at bumalik na sa loob ng museum.

"Tss, buti na lang pala sumama ako." sabi pa ulit nya. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"I don't want any man touching you again, got that?" mariing sabi nya at hinila ako sa loob.

Hindi nga nya binitawan ang kamay ko sa buong duration ng tour sa loob ng museum. Panay ang asar sa akin nung tatlo. Hindi rin naman ako maka-angal kay Justin kasi ayaw kong mag-away kami. Baka masira pa ang araw na ito.

Saka pa lamang nya ako binitawan nang bumalik na kami sa bus. Nauna kami sa loob ay hinihintay na makaakyat lahat ng kasamahan namin. Umakyat na rin iyong Tatay na kausap ko kanina.

Nagulat pa ako kasi bigla akong hinila ni Justin. Tila hindi ako makahinga sa ginawa nya. Automatic na naghuramentado ang puso ko.

"Muntik ka na naman nyang masagi." sambit nya at saka lang ako pinakawalan nang dumaan na lahat ng estudyante at guardians nila. Nagtaasan naman ang kilay nung tatlo.

Nakita ko namang iminuwestra ni Joyce ang katagang "ang haba ng hair mo."

Natapos na namin ang Museo Pambata at Philippine Scince Centrum. Inabot na kami ng tanghali kaya nagpasya kaming kumain muna sa isang mall. Ibinilin kong huwag nilang hahayaan ang mga mata na umalis o pumunta kahit saan.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Justin.

"Hindi tayo pwedeng humiwalay sa kanila Justin. Baka kasi may mawala sa mga bata." sagot ko. "Kakain tayo kung saan sila kakain."

Tumango naman ito. Muli, hinawakan na naman nya ang kamay ko. Hinahayaan ko sya dahil sa totoo lang, gusto ko rin. Masarap sa pakiramdam kasi I can feel his warmth.

"Teacher, dito ka na kumain kasama namin." sabi saken ni Michael, isa sa pinakamakulit kong estudyante. Anak sya noong Tatay na kausap ko kanina. Tatanggi sana ako kaso hinihila na nya ako patungo sa table nila.

Napansin kong humigpit ang hawak ni Justin sa kamay ko nang makita nya ang Tatay ng bata.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon