Little Things
His kisses were so sweet. Dagdagan pa ng makapagbagdamdaming confession nya. Hindi ko namalayan na naglalagan na pala ang mga luha ko.
I was so happy. Naramdaman nya siguro na umiiyak ako kaya tumigil sya sa paghalik sa akin. He gently wiped my tears.
"Don't cry, baby. I dont wanna see you like this." napakalambing ng boses nya.
"I love you too Justin. I don't know how it happened basta naramdaman ko na lang na hindi na kaibigan ang tingin ko sa'yo." paliwanag ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Nag-uumapaw ang emotions ko. Kay tagal ko itong itinago.
Niyakap nya ako at gumanti din naman ako. I don't know how long we stayed like that. Pero mas gugustuhin kong ganoon na lamang kami.
"Come, we'll talk at home." sabi nya at hinalikan ulit ako ng mabilisan. Hindi mapawi ang ngiti sa aming mga labi. He held my hand as he drove home.
Para kaming teenager. Hindi nya talaga binitawan ang kamay ko kahit ang dami nyang dalang grocery. Adik lang.
We sat on the sofa and stared at each other for hours.
"I think we should tell Mom." masayang suhestyon ni Justin. Sya na ang bumasag sa katahimikan.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. Naramdaman kong hinalikan nya ang buhok ko.
"I'm sure matutuwa sya kapag nalaman nya." Sabi ko at kinuha ko ang kamay nya. As always, his hands gave me this feeling of warmth and safety.
Sakto namang tumunog ang doorbell. We both went to open the door.
Tila nagulat pa si Mommy nang makitang pareho kami ang nasa pinto. Usually kasi, ako lang ang sumasalubong agad sa kanya. Agad namang dumako ang mata nya sa kamay namin ni Justin na hanggang ngayon ay di pa naghihiwalay.
Dahan-dahang nanlaki ang mata nya.
"Is it? Am I seeing this right?" tila hindi sya makapaniwala. "Are you guys?"
"Yes, Mom. Rhian and I are a couple now." nakangiting sagot ni Justin at hinalikan ang kamay ko. Agad naman akong pinamulahan ng mukha. Dapat yata masanay na ako.
"Oh my Gosh!" at niyakap nya kaming dalawa. "Sa wakas! Natuloy na rin ang pangarap ko! Yes!"
Natawa naman kami ni Justin. Si Mommy nga pala ang number one fan ng loveteam namin.
"I still can't believe it. Akala ko kasi talagang manhid na itong si Justin." sabi ni Mommy. Nakaupo kami sa livig room. "So, when is the wedding?"
"Mom, huwag kang masyadong excited. Hindi pa nga ako nakakapagpropose kay Rhian eh." nakabusangot na ang mukha ni Justin. "I want her to experience that."
"Oh, I'm sorry. Excited na kasi akong magka-apo." masayang pahayag ni Mommy.
"Hay naku Mommy, basta relax ka lang. Dadating din kami dyan. Right baby?" at bumaling sya sa akin.
Nasa kusina kami ni Mommy. Naghahanda kami para sa lunch samantalang nasa study naman si Justin.
"Masayang-masaya talaga ako, anak." banggit ni Mommy. "You two are so perfect for each other."
"Ako rin, My. Di ko akalain na masusuklian itong feelings ko para sa kanya." nakangiti kong sabi.
"I'm sure, kung nasaan man sina Kumare at Kumpare, masyang-masaya rin sila para sa inyong dalawa." Sambit ni Mommy.
Hearing that somewhat made me emotional.
"Oh, don't cry, iha." pag-alo sa akin ni Mommy.
"Bigla ko po kasi silang namiss." bulong ko at agad pinahid ang luha ko.
Ipinagpatuloy namin ang pagluluto.
"Aray!" nahiwa kasi ako ng kutsilyo.
May kamay na humawak agad sa kamay ko. Si Justin pala.
"Oh, akala ko nasa study ka?" tanong ko. Bigla na lang talaga itong sumusulpot.
"I'm here for quite some time, baby. You didn't even notice me kasi focused ka dyan sa ginagawa mo." malambing nyang pahayag.
Pumunta kami sa kitchen counter at doon nya ginamot ang sugat ko.
"Kukuha lang sana ako ng tubig kanina then babalik na sa study, kaso I saw you looking so hot in that apron." nakangisi na sya ngayon.
Agad na nag-init ang pisngi ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo doon. Hindi pa rin talaga ako masanay kapag ganyan sya kasweet.
"Bolero." natatawa kong sabi.
He took my hand and kissed the injured finger.
"Hay, naalala ko ang Daddy ninyo." napalingon kami ng nagsalita si Mommy. Hindi rin namin namalayan na nandun pala sya. "Those little things like that are the reasons that I fell in love with him."
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...