Chapter 27 - Feels Like Home

59 1 0
                                    

Feels like Home

Inakay nya ako palabas ng school building. Napakadilim sa paligid. Umihip ng malakas ang hangin kasabay ang malakas na buhos ng ulan. Marahan kong sinulyapan si Justin.

Nagpapasalamat talaga ako na dumating sya dahil kung hindi, hindi ko alam kung makakatagal ako hanggang umaga. Bukod sa gutom ay katakot-takot na kaba rin ang dadanasin ko dahil sa kulog at kidlat.

Nakaparada ang sasakyan nya malapit sa school. Basang-basa kami ng ulan nang sumakay kami sa sasakyan nya.

"Here." Sabay abot nya saken ng towel.

"Thanks." Saka inabot ang towel. Pinunasan ko ang sarili ko. Nang bigla kong naalala si Mommy. "Naku, si Mommy! I'm sure nag-aalala na iyon saken. Pwede mo ba syang tawagan para sabihin na safe na ako?"

"Okay." At dinial nya ang number ni Mommy.

Tahimik lang ako habang hinihintay syang matapos makipag-usap sa kanya.

"Yes Mom. She's fine." Sabi nya.

Siguro ay tinatanong ako ni Mommy sa kanya. Lumingon sya sa akin. Huling-huli nya ako na nakatingin sa kanya. But I dared not to look away. This man just saved my life. And I really wanted to look at him.

"Mahihirapan na kaming makabalik dyan." Muli nyang paliwanag kay Mommy. "We'll stay at my place. Don't worry. Bye. We love you."

Hinarap nya ako at tinitigan.

"Hindi na tayo makakauwi sa bahay natin kasi masama ang panahon. Delikado masyado at ayaw kong magrisk, lalo at kasama kita." He explained and I listened intently. "So, we're gonna stay at my place. Malapit lang iyon dito. Few blocks away."

Hindi na ako nakasagot at tumango na lamang. Okay lang sa akin. I feel more safe kapag kasama ko sya. Then, ngayon ko lang naalala ang sinabi nya nung nakita nya ako. Hindi kasi agad nagsink-in sa utak ko. Did I hear it right? Tinawag nya akong baby? Never naman nya akong tinawag nang ganon saka may endearment naman talaga kami. Unti-unting bumalot sa akin ang kakaibang kilig at di ko napigilan na mapangiti. Meron din naman palang romantic side ang bestfriend ko.

Inistart na nya ang sasakyan. At tinahak namin ang daan patungo sa apartment nya.

"You seemed happy." Sabi nya na nakatutuok pa rin ang mata sa manibela.

"Ah, wala naman. May naalala lang ako bigla." Syempre hindi ko sasabihin na kinilig ako ng bongga sa ginawa at sinabi nya kanina. Haba ng hair ko no. Kapag nalaman ng mga kaibigan ko ang nangyari, I'm sure mas kikiligin lalo ang mga iyon.

Malapit nga lang talaga ang apartment ni Justin sa school na pinagtatrabahuhan ko. Tama nga si Matthew na hindi naman ganoon kalayo si Justin sa akin. Kung hindi lang talaga masama ang panahon, mas madali kaming makakarating doon. Noon kasing pumunta kami ni Mommy sa apartment nya, sa ibang way kami dumaan.

Muli nya akong inalalayan pagbaba sa sasakyan. Naninibago talaga ako. Well maybe ganoon talaga kapag iba na ang pagtingin ko sa kanya. Kasi kung ang sitwasyon ay katulad pa rin noong dati, noong wala pa akong nararamdaman para sa kanya, siguro hindi ako maiilang ng ganito.

Somehow, his every move freaks the hell out of me. Kahit simpleng hawak nya sa kamay ko, nagririgodon na agad ng puso ko. Pakiramdam ko nga sa sobrang lakas ng kabog nito, maririnig na nya eh.

"Achoo!" bigla kong bahin.

"Let's hurry up and go inside. Baka lalo kang magkasakit." Napansin kong nag-igting ang kanyang bagang. "This shouldn't have happened in the first place."

Mahina lang ang pagkakasabi nya noon pero dinig na dinig ko. Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin. Alin ang hindi dapat nangyari? Ang pagligtas nya saken? Ang pagstay ko sa bahay nya?

Ipinilig ko ang ulo ko. Ayaw ko munang mag-isip na kahit anong negative. He saved me dahil bestfriend nya ako, and nothing else. Dapat hindi ako masyadong magpadala sa mga sinasabi at ginagawa nya.

Nang makarating kami sa loob, agad syang pumasok sa kwarto nya. Paglabas nya ay may dala na syang towel at isang pares ng pamalit na damit. It seemed na damit nya mismo ito.

"Pasensya ka na. Pagtyagaan mo na lang muna ito." At inabot sa kamay ko ang hawak nya. Unlike mine, his hands were warm. Binalot muli ng lamig ang kamay ko ng bitawan nya ito. "You can take a shower at my room. I'll call Mom and inform her na nasa bahay na tayo."

Sinunod ko naman ang sinabi nya at naligo. Masarap sa pakiramdam ang maligamgam na tubig na dumaloy sa katawan ko. Napakapresko ng pakiramdam ko pagkatapos. Nang lumabas ako, naabutan ko syang naghahanda naman ng gamit nya. Tulad ko ay nabasa rin sya ng ulan kanina.

Natigilan sya nang nakita ako. Tinitigan nya ako kaya napilitan akong mag-iwas ng tingin.

"You look good in my clothes." Habang nakatitig pa rin sa akin kaya hindi ko naiwasan ang pamulahan ng mukha.

Tumikhim sya.

"Kumain ka na. Naghanda na ako ng makakain. I'll just take a quick shower." Sabi nito at akma nang papasok sa shower room.

Hindi ako kumain. Hinintay ko na lamang sya. Mas gusto kong sabay kaming kumain. Maya-maya, narinig kong nagring ang cellphone nya. Imposibleng sa akin iyon kasi patay pa ang cellphone ko at kasalukuyang nakacharge. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog at nakita ko itong nakapatong sa bedside table nya. Nakita ko ang pangalang nakarehistro doon at para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Honey." Bulong ko habang binabasa ang nasa screen ng cellphone nya.

It's her. Si Anna. Marahil ay nag-aalala rin ito sa boyfriend nya. Para akong pinukpok sa ulo at ngayon ay nagising na. Nahihibang na yata ako kasi nagawa ko pang kiligin kanina gayong may girlfriend nga pala si Justin. Mali. Fiance na nga pala nya ito.

Bagsak ang mga balikat na bumalik ako sa living room at hinintay na lamang sya. Nakita ko syang kakalabas lang ng shower room habang pinupunasan ang buhok nya. God, he was so hot.

Muli kong kinastigo ang sarili ko. I shouldn't be thinking that. Dapat isipin ko na may Anna na sya.

"Oh? Hindi ka pa kumain?" tila masaya sya. "Gusto mo akong kasabay ano?"

"Hindi ah. Kawawa ka kasi kapag mag-isa kang kumain." Pilit kong pinagaan ang boses ko.

Tahimik kaming kumain. Hindi ko sya tinitingnan kasi baka magkasala na naman ako. Dapat umiwas na ako. Mas makakabuti iyon para hindi ko sila magulo. Baka kasi magalit si Anna kapag nalaman na nandito ako ngayon sa apartment ng boyfriend nya.

"It feels like I'm home again." Nakangiti nyang sabi.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ha? Bakit mo nasabi?" tanong ko.

"Because you're here with me." he said looking straight into my eyes.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon