I recommend the songs Boom Clap by Charlixxx and Tee Shirt by Birdy while reading this chapter. ^___^
The Vacation Part 2
Nang umuwi na kami, automatic na doon ako sa kama natulog at sya sa sofa. That night, Mommy also called to check on us.
"I'm glad na nag-eenjoy kayo ni Justin, especially you, anak." She happily said.
"Yes My, we're fine so huwag na po kayong mag-alala." Sagot ko. "Magpahinga lang po kayo dyan and don't stress yourself too much."
"And My? Thank you." I said warmingly. I really appreciated this vacation. Kasi muli kaming nagka-ayos ni Justin.
Matapos makipag-usap kay Mommy, bumalik na ako sa higaan. Doon kasi ako sa balcony nakipag-usap. Nakita kong nakahiga na rin si Justin. I smiled seeing him sleeping calmly.
"Goodnight, B2." Bulong ko.
Mahimbing akong nakatulog nang gabing iyon.
Nagising ako ng maramdaman na may tumatapik sa akin.
"Mamaya na B2, 5 more minutes." At natulog ulit.
"Gumising ka na B1, may pupuntahan tayo." Sabi nya. "We'll go rock climbing."
Pagkarinig niyon ay napabalikwas agad ako. Dali-dali akong naghanda. Natatawa namang hinintay ako ni Justin.
I saw the big sign: Ugong Rock Adventures.
"Excited na ako, B2." I exclaimed.
"Hindi naman masyadong halata." Biro nya kaya naman hinampas ko sya sa balikat.
Matapos isuot ang protective gears namin, we headed towards the venue. Mayroon naman kaming guide. May mga parteng medyo makipot at matarik ang daan. Buti na lang at nandyan si Justin para alalayan ako.
Nang marating naming ang tuktok, ibayong saya ang naramdaman ko.
"Woohoo.. We made it!!" sigaw ko at niyakap si Justin. Natauhan ako at biglang bumitiw sa kanya. "Ah, sensya na. Nacarried-away lang."
Ngumiti lang sya.
"Time to go down B1." Sabi ni Justin. "Magzizipline tayo para makababa."
"Ang astig naman nito B2!" hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang hinihintay na maikabit ang harness para sa zipline.
"Kumapit kang mabuti, ok?" bilin pa nya saken. "You can scream if you want."
"Oh yes, I will!" at inihanda ang sarili ko sa pagbaba.
Dahan-dahan akong itinulak ng mga assistant.
"Yeeesss!!" sigaw ko as I go down.
Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa mukha ko. Patuloy lang ako sa pagsigaw. Sobrang saya ng experience na iyon.
Nang makababa ako, hinintay ko si Justin na sumunod. Naghigh-five pa kami pagdating nya.
"So, where's our next stop?" excited kong tanong.
"Underground River." He happily answered.
"Tara!" tugon ko. Bago kami pumunta sa underground river, nagpasya kaming managhalian muna. Naghanap kami ng makakainan. Iba't ibang restaurant ang makikita sa paligid.
"B1, come here." Tawag saken ni Justin. "I want you to try this. It's a special delicacy dito sa Palawan."
Ipinakita nya saken ang isang kakaibang pagkain. Para itong mahabang uod na slimy.
"Ano 'yan B2?" tanong ko. "Bakit ganyan ang itsura?"
"It's called tamilok." Sagot nya. "Tikman mo, masarap yan. Just like talaba."
Hindi ako nagdalawang-isip ng marinig ko ang talaba. I love talaba. Dahan-dahan kong isinubo ang tamilok.
"Hmm..ang sarap! Para ngang talaba. Isa pa, B2." Request ko. Natawa naman ito saken.
"Kakaiba ka talaga B1." Komento nito at binigyan ulit ako ng tamilok.
Matapos ang masaganang pananghalian, we continued our trip. Nagbangka kami papunta sa underground river. Good thing may dala kaming camera. Sobrang dami naming pictures. Lahat ng pinuntahan namin, hindi namin nakakalimutan na magpakuha ng magkasama. Pero sya talaga ang mahilig kumuha ng pictures. Hobby nya kasi ang photography at I'm sure na marami na naman syang magagandang shots ngayon. Lalo na at ang ganda ng pinuntahan namin. I'm one of his fan pagdating sa photography.
Hapon na kami nakauwi. Medyo malayo rin kasi yung location ng underground sa bayan kung nasaan ang hotel namin. Antok na antok ako. Hindi ko namalayan na isinandal na pala ni Justin ang ulo ko sa balikat nya.
"B1, gising na. Nandito na tayo. Sa room mo na ituloy ang tulog mo. Halika na." Paggising sa akin ni Justin.
Napilitan naman akong tumayo at maglakad. Antok na antok talaga ako dahil na rin sa pagod sa maghapong activities namin. Ibinagsak ko agad ang katawan ko pagkakita ko sa kama.
Nag-inat ako. Wow, ang sarap na naman ng tulog ko. Naramdaman ko na medyo masakit ang katawan ko. Puro physical activities kasi ang ginawa namin kahapon. Nanlaki ang mata ko kasi nakita ko ang mukha ni Justin. Sobrang lapit nya.
Dahan-dahan akong bumangon. Nakaubob sya habang nakaupo sa sahig. Natulog ba sya ng ganoon ang posisyon nya?
Napaawa naman ako sa kanya. Pero bakit ba kasi doon sya natulog? Bumangon ako at agad na umorder ng agahan namin. I especially ordered his favorite.
Nagpasya naman akong maligo muna habang tulog pa sya at hinihintay ang inorder kong agahan. Napapangiti ako habang naaalala ko ang mga nangyari kahapon. Para akong nananaginip. Pero alam kong totoo lahat ito. Kaya naman napakanta na naman ako dahil sa sobrang kasiyahan.
Why, oh, why do I feel this way?
When I'm with you, I feel so alive
Why, oh why will I hide away
I can't help it
I'm falling in love with you
Nang matapos akong maligo at magbihis, nakita ko na naalimpungatan na si Justin. Dahan-dahan itong nag-inat. Buti na lang hindi sya nagising at narinig ang kanta ko, kung hindi lagot ako.
"Good morning." He greeted me pero bigla ring natigilan. I greeted him good morning habang nagpupunas ako ng buhok.
"Good morning din B2." And I smiled at him. I love the idea of waking up and seeing this beautiful man first thing in the morning. Dati, noong wala pa akong feelings sa kanya, hindi ko naappreciate kung gaano ako kaswerte na nagigising ako at sya ang una kong nakikita. But now, I am thankful for this chance na ibinigay sa akin.
Other song used: All This Time by Six Part Invention
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...