Confusion
Girlfriend?! Teka, hindi ko alam iyon ah. Kelan pa nagkagirlfriend si Justin? At hindi nya talaga sinabi saken? Saken na bestfriend nya.
Hindi naman sa ayaw kong makagirlfriend ang kaibigan ko. Syempre gusto ko rin naman syang maging masaya. Yung makatagpo sya ng babaeng mamahalin sya at mamahalin rin nya. Pero kasi, naglihim sya sa akin. Dati naman sinasabihan nya ako ng lahat ng tungkol sa kanya.
“Rhian, masama ba ang pkiramdam mo?” tanong saken ni Joyce. “Nakatulala ka kasi. Hindi mo tuloy namalayan na kanina pa kami nakatingin sa’yo.” At inginuso nya sina Tina at Amy.
“Ha? Ah pasensya na. Ayos lang ako. Hindi din masama ang pakiramdam ko.” Tipid kong sagot. Nasa school nga pala ako ngayon at naglalakbay na naman ang isip ko.
“May problem ka ba friend?” si Tina at lumapit na rin sila saken. “Pansin kasi namin, ganyan ka na since noong naganap yung sinasabi mong party na pinuntahan mo.”
“Naku, wala ito. Ano ba kayo.” At pinilit kong ngumiti. Tama sila. Ano bang nangyayari saken? Simula ng araw na iyon, tila ba ang bigat lagi ng pakiramdam ko.
“C’mon friend. Nandito lang kami.” Si Amy.
Mukhang hindi nila ako titigilan hanggang hindi ako nag-oopen up sa kanila. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ko maitago itong pakiramdam na ito, na hindi ko naman maintindihan. Kaya ikinuwento ko sa kanila ang nangyari sa party.
“Bestfriend kasi nya ako. Sana sinabi nya sa akin para naman hindi ako nashocked tulad ngayon.” I pouted. “Nakakapagtampo naman kasi talaga itong si B2. Imagine, ilang araw syang missing in action, kahit nasa iisa kaming bahay.”
Nagkatinginan naman ang tatlo.
“Well, actually parang nabanggit na naman nya dati ang tungkol sa bagay na ito.” Pagpapatuloy ko. “Back then kasi, I asked him kung bakit wala pa syang girlfriend. He just said na he’s waiting for a special girl. Siguro nga si Anna na iyon.”
“Alam mo friend, baka nga talagang nashock ka. Kasi di ba, halos kayong dalawa palagi ni Justin ang magkasama since you were little.” Paliwanag ni Amy. “Kaya naman nasanay ka na nandyan sya palagi. Naging dependent ka sa kanya. At ngayon na nalaman mong may ibang babae na sa buhay nya, nagtampo ka. Kasi pakiramdam mo, aagawin sayo ang bestfriend mo.”
“At isa pa, baka hindi ka pa kasi handa. Di ba darating naman talaga ang point na magkakaroon ng partner ang bestfriend mo.” Si Tina naman. “Hindi naman kasi pwede na habang-buhay na lang na kayo ang magkasama.”
“Well, of course, except kung kayo ang magkatuluyan.” Si Joyce.
Napaisip ako sa sinabi ng tatlo. Ano ba yan? Parang lalo akong naguluhan. Saka ano daw? Kami ni Justin? Magkatuluyan? Eh halos magkapatid na nga kaming dalawa. Alam na alam na namin ang likaw ng bituka ng bawat isa kaya imposibleng mangyari iyon.
“Rhian, hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” tanong saken ni Matthew. Nandito nga pala kami sa isang seafood restaurant. Niyaya nya akong magdinner at pinaunlakan ko naman sya.
“Ah, naku nagustuhan ko, Matthew.” Sagot ko. Ano ba naman yan. Bakit ba ganito na lang ang epekto saken ng nangyari. Lahat tuloy ng mga tao sa paligid ko apektado din.
“Matthew, ok lang ba na umuwi tayo ng maaga?” tanong ko ng matapos kaming kumain. Nagyaya kasi sya na manuod pa ng sine. “Medyo napagod kasi ako sa school kanina.”
“Ganoon ba? Sige iuuwi na kita.” At inihatid nya ako sa bahay.
“Salamat ulit for that wonderful dinner Rhian.” Nakangiting sabi nya at umalis na ng bahay.
Wonderful? Mukha ngang naspoil ko ang dinner na iyon kasi naman wala na akong ginawa kundi ang mag-isip. Hay, I’m sorry Matthew.
Pumasok na ako sa bahay. Nakapatay pa ang ilaw. Siguro wala pa si B2. Marahan kong inilapag ang bag ko sa table malapit sa pinto at binuksan ang ilaw. Laking gulat ko na lamang ng makita ko ang isang di inaasahang eksena.
It’s Justin and Anna. Kissing torridly at the sofa.
Automatic na pumikit ang mga mata ko. Shet nakakahiya.
“I-I’m sorry.” Mabilis akong humingi ng paumanhin. Nakapikit pa rin ang mata ko. “Wala akong nakita promise.”
“Rhian” narinig kong tinawag ako ni Justin. Hindi ako sumagot. Kinakabahan kasi ako. Baka magalit sya saken kasi naistorbo sila ng girlfriend nya. “Come here.”
Hindi pa rin ako makakibo sa kinatatayuan ko.
“Tsk..” narinig ko ulit sya. Shet parang badtrip sya. At dahil nakapikit ako, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya saken. “Don’t think too much about what you saw, alright?”
Tinapik nya ang ulo ko. Pagkatapos noon, narinig kong bumukas ang pinto sa likuran ko. Narinig ko rin na humahagikhik si Anna. Muling sumara ang pinto. Tila umalis sila. Saka ko pa lamang naimulat ang mga mata ko.
Nakahinga ako ng malalim. Akala ko sisigawan na ako ni Justin. Bigla kong naalala ang eksena kanina. Bakit ganoon? Bakit parang sumisikip ang dibdib ko? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Nagtungo ako sa kwarto at matapos magpahinga ng ilang sandali ay nagshower ako sa pag-asang mawawala ang kakaibang nararamdaman ko.
Ano bang nangyayari sa iyo Rhian? Kastigo ko sa sarili ko. Normal lang na gawin nila iyon. Couple sila eh. Pero bakit ba kasi ganito? Parang di ako makahinga at sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naalala ko iyon?
Kinabukasan, nagulat ako pagharap ko sa salamin. Ang laki ng eyebags ko! Ano ba yan? Kasi naman hindi ako pinatulog ng nangyari kagabi. Hay, sana madaan pa ito sa concealer.
“Oh, bakit ganyan ang itsura mo?” tanong saken ni Justin pagkakita saken. Himala at nandito pa sya. Nagulat pa ako ng lumapit sya at tiningnang mabuti ang mukha ko. Hinawakan nya ang pisngi ko at sinipat ito.
Kumabog na mabilis ang dibdib ko. Bakit ganito? Parang may naghahabulan sa dibdib ko. Shet! What’s happening to me? Ang lapit-lapit nya kasi saken.
“May sakit ka ba?” Muling tanong nya. Hindi pa rin nya binibitawan ang mukha ko kaya naman ako na ang nag-iwas nito sa kanya.
“W-wala akong sakit. Medyo napagod lang sa gawain sa office kahapon.” Sagot ko na halos hindi makatingin sa kanya.
“Tss.. baka naman pinapabayaan mo na ang sarili mo ha?” sambit nito at sinimulang balatan ang mga prutas sa mesa. Nagulat ako nang ilagay nya ito sa plato ko. “Kainin mo lahat yan para lumakas ang immune system mo.”
Nakatingin pa rin ako sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ko sa ginawa nya kanina.
“Gusto mo bang ako pa ang magpakain sa’yo niyan?” tanong nito at akmang lalapitan ulit ako. Nataranta naman ako lalo at agad na kinain ang mga prutas sa harap ko.
Geez, what’s wrong with me?
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...