Chapter 7 - Bagong Kaibigan

62 3 0
                                    

Bagong Kaibigan

Napanganga ako. Ano ba naman itong dalawang ito. Kung nakakamatay lang ang tingin eh kanina pa bumagsak itong dalawang ito. Ang sama ng tingin nila sa isa't isa.

"Teka, sandali nga." Nagsalita na rin ako saw akas. "Justin, can you please give us a minute?"

Nagulat naman si Justin. Aangal pa sana sya pero tiningnan ko sya na ang ibig sabihin ay pagbigyan ako. Lumabas na lang sya ng restaurant.

"Matthew, sa totoo lang nagulat ako." Sabi ko. "It's been 5 years simula nang huli tayong magkita at magka-usap. Oo, inaamin ko na tayo ang nasa story but you don't really have to do this."

"But I want to." Sabi nito. "Buti na lang may nagpadala ng kopya ng book mo sa office ko. Please Rhian? Hindi naman kita pipilitin sa kahit ano, I just want to be your friend. Gusto kong makabawi."

"Hay, sige na nga." Wala na akong nagawa kundi ang pumayag.



"Thank you! Thank you talaga." Napangiti na rin ako. Cupid must be crazy. He's playing a trick on me. Who would have thought that my first love will appear in front of me and will say these things to me?



Matapos mag-usap, nagpasya na kaming lumabas na ng restaurant. Nakita namin sa labas si Justin na mahimbing na natutulog sa may driver's seat ng sasakyan nito. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko. Nagpaalam na ako kay Matthew at pinuntahan si Justin.

Sinilip ko sya sa bintana. Nakababa kasi ito. My bestfriend looks really cute pag ganitong tulog. Hindi mo aakalain na isa pala itong bigating may-ari ng isang napakalaking kumpanya. Simple lang kasi itong manamit. Bukod sa business suit nito, hilig lang nito lagi ang maong pants at simpleng tshirt.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at sinubukan syang gisingin. Napaawa ako sa kanya. Alam ko kasing pagod ito galing sa trabaho pero heto at sinamahan pa nya ako sa pakikipagkita kay Matthew. Dahan-dahan ko syang tinapik.

"B2, gising na." muli kong tapik sa braso nya. "Uwi na tayo para makapagpahinga ka ng maayos."

Naalimpungatan naman ito.

"Tapos na kayo?" kukurap-kurap pa ito.

"Uhuh, lika na. Uwi na tayo." Tumalima naman ito at pinaandar na ang sasakyan.







Kinaumagahan, maaga akong nagising. May pasok na ulit ako sa school. Naghanda agad ako ng agahan.



"Goodmorning. Ang aga mo yata?" bati saken ni B2.



"Ah, babalik na ulit kasi ako sa school." paliwanag ko habang naghahain. Iniabot ko naman sa kanya ang kape nya. "Hindi pala ako makakasabay sayo ngayong umaga."

Kumunot ang noo nya. Halatang naguluhan sa sinabi ko.

"Ah, ano kasi...Dadaanan kasi ako ni Matthew. Ihahatid daw nya ako." Sagot ko at kumain ng mabilisan.

"Agad-agad? Kakakilala mo pa lang sa kanya ah." Sabi nito.

"Matagal ko na syang kilala, B2." Sagot ko. "At bumabawi lang naman iyong tao."

Bumuntong hininga na lang ito. Binilisan ko ang kain. Nauna pa akong matapos sa kanya.

"Ang bilis mo kumilos ah." Puna nito. "Hindi ka naman excited nyan."

"Naku B2, tigilan mo nga ako." At nauna na akong lumabas ng bahay.

Dumating na si Matthew at pinasakay ako sa sasakyan nya. Tinanong nya kasi kung saan ako nagtatrabaho at nagprisintang ihahatid daw nya ako. Tumanggi ako noong una kasi baka magalit si Justin pero uumpisahan na daw kasi nito ang pagbawi saken kaya ayun pumayag na lang ako.





"Salamat sa paghatid saken sa school, Matthew." Sabi ko. "Ingat sa pagdrive."



Pagpasok ko ng office, nakataas ang kilay ng mga co-teachers ko.

"Hmmm..at sino naman ang bagong fafa na iyon?" si Tina.

"May manliligaw ka na Rhian?" gulat na tanong naman ni Amy. "OMG, pano si fafa Justin?

I rolled my eyes at them.

"Pwede ba? Kung makapang-issue naman kayo." Sabi ko habang inaayos ang gamit ko for my class. "Matthew's my new friend."

"Aha! Matthew pala ang pangalan nya." Si Joyce. "Friend lang ba talaga?"

"Yes, kaya wag na kayong OA dyan, okay?" sabay-sabay naman ng nagkibit balikat ang tatlo. Napailing na lang ako.







Nang matapos ang klase ko, nagulat ako ng makita ko sa labas ng school si Matthew. Matyaga syang naghihintay sa tabi ng sasakyan nya.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Pauwi na sana ako kaso nagutom ako. Ayaw ko namang kumain mag-isa." Paliwanag nito. "Baka magmukha akong engot. Kaya, ok lang ba kung samahan mo ako?"

Napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Smooth move huh?" sabi ko habang nasa daan na kami papunta sa isang restaurant.

"Hehehe...and I'm glad it worked." Nakangiting sabi nito.



Tumigil kami sa isang restaurant. Hindi pamilyar sa akin ang lugar. First time ko lang nakarating doon. Ganoon na lamang ang paglaki ng mata ko nang pumasok na kami sa loob. Nasa isang nature farm pala kami at isang part nito ay rose plantation. Punong-puno ng white rose ang paligid.

"Wow." Yung lang tanging salitang lumabas sa bibig ko. "I can't believe na makakakita ako ng ganito kagandang lugar."

"This amazing place should only be seen by an amazing woman." Wika nito habang matamang nakatingin sa akin. Nginitian ko naman sya.

"Thank you sa pagdala saken dito Matthew." Sobrang saya ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Masaya kaming nagsalo sa isang early dinner. Masarap kasama si Matthew. Matalino ito at may sense of humor pa. Marami pa kaming napagkwentuhan. Mostly, tungkol sa college life namin which is nailagay ko nga sa book ko. We had so much fun na nakalimutan ko na ang oras.

Nang magpasya kaming umuwi ay pasado alas-9 na ng gabi. Nang tingnan ko ang cellphone ko, nakita kong may 52 missed calls na doon at lahat ay galing kay Justin.

"Naku po." Bulong ko.

"What's wrong?" tanong naman ni Matthew. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan pauwi.

"Lagot ako kay Justin. Hindi kasi ako nakapag-paalam sa kanya na gagabihin ako." Sagot ko.

"It's ok . Ako na ang bahalang mag-explain sa kaibigan mo." He assured me.

Pagdating namin, nakita namin si Justin na naghihintay sa may terrace. Nakahalukipkip ito.



Lagot. Mukhang badtrip. Sabi ko sa sarili ko.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon