Joyride
Pagkasabi nya noon ay bigla na lamang syang umalis. Naiwan akong naguguluhan pa rin sa sinabi nya. Kung hindi pa tumunog ang bell ay hindi pa ako matatauhan.
"Ok class, please tell your Mommy and Daddy that tomorrow will be our Field Trip." Bilin ko sa mga bata. "Everyone should have a guardian to be able to join the trip, ok?"
Masayang sumang-ayon ang mga bata at nagpaalam.
"Nakakaloka talaga ang kagandahan mo Rhian!" biglang sabi ni Amy at ikinawit ang kamay sa braso ko.
"Oo nga. Ang tindi mo. Biruin mo, dalawang hot yummylicious heartthrobs ang nandito kanina." Kinikilig na sabi naman ni Tina.
"Pwede ba, kayo talaga." Napapailing na lang ako.
"Sino ba kasi sa kanilang dalawa?" tanong naman ni Joyce.
"Ha? Ano'ng sino sa dalawa? Tumigil nga kayo." Natatawang sabi ko.
"Basta ako, si Papa Matthew ang gusto ko. Super sweet at super pogi." Sabad naman ni Amy.
"Kay Papa Justin pa rin ako forever. Mas gwapo sya. Lalakeng-lalake. Parang model. Super hot." At tuluyang tumili si Tina.
Natawa na lang ako sa kanila.
"Basta ako, alam ko kung sino talaga. Di ba, Rhian?" at nginitian ako ni Joyce.
Maaga akong nagising kinabukasan. This is it. Field trip na namin. Grabe, sobrang excited ko. Bahagyang nawala sa isip ko ang sinabi ni Justin kahapon.
"You ready?" tanong nya.
Napatango lang ako. Tahimik akong nakamasid sa kalsada habang sya rin ay seryosong nagmamaneho. Ayaw ko na munang isipin yung sinabi nya. Hindi pa naman sigurado kung talaga ngang selos yung naramdaman nya. At isa pa, kagagaling lang nya sa isang relationship.
Nadatnan namin ang mga bata kasama ang kanilang guardians. Naroon na rin ang school bus. Bumaba kaming dalawa sa Land Rover at agad kaming sinalubong ng humahangos na si Amy.
"Rhian, we have a problem. A huge one!" sabi nito na pilit hinahabol ang paghinga.
"Bakit ano'ng nangyari?" tanong ko sabay iginala ang paningin sa paligid. Ang mga bata ay napansin kong medyo aburido. Hindi ko naman alam kung bakit.
"Naaksidente si Mang Carlos kahapon. He's in the hospital." Paliwanag nito. "We don't have a driver!"
"Ano?!" anas ko. "Pero papaano na ngayon yan? Naghihintay ang mga bata. Teka, nasaan ba sina Joyce at Tina? Alam na ba ito ni Director?"
"Alam na ni Director. Namomroblema din sya." Sagot nya. "Kinakausap naman nina Joyce at Tina ang mga guardians. Nagrereklamo na kasi sila."
Nasapo ko ang aking ulo. Ano nang gagawin namin? Hindi pwedeng hindi kami matuloy kasi nakaschedule na kami sa mga venue. Mahirap nang magset ulit.
Naramdaman kong may mga kamay sa balikat ko.
"I can help." Sabi ni Justin. Hinawakan na nya pareho ang balikat ko. It's as if he's calming me down.
"Paano?" tanong ko.
"I can be your driver." At ngumiti sya ng ubod tamis.
"What?!" sabay naming bulalas ni Amy.
"Nagbibiro ka ba? Di ba may trabaho ka?" sunod-sunod kong tanong.
"They can still manage without me. Ano pa at nagtrabaho sila sa akin kung hindi nila mapapatakbo ng maayos ang kumpanya." Kumpyansado nyang saad.
"Pero, hindi ba pwedeng isa na lang sa mga driver ninyo ang papuntahin mo? We will pay him naman." Suhestyon ko.
"Rhian, sayang pa ang ibabayad nyo. Ayaw nyo ba noon, makakalibre kayo sa akin." At kumindat pa sya. Damn, he's so cute!
Napailing ako. Hindi ko maintindihan kung ano ang pumasok sa utak nya at nagdesisyon sya ng ganoon. Imagine, isang CEO naging school driver for a day? You've gotta be kidding me.
Kinalabit ako ni Amy.
"Gurl, sa tingin ko ok na din. We don't have a choice. At nagwawala na ang mga bata kasi naiinip na sila." At pareho naming nilingon ang mga bata. Ang iba ay umiiyak na, nagyayaya na papunta sa bus.
Napabuntong-hininga ako.
"Alright then. Sasabihin ko lang sa Director bago tayo umalis. Amy, please inform them na magready na." sabi ko at pumunta sa loob para kausapin ang Director.
They were already settled in their seats when I came outside the office. Napalitan ng masasayang mukha ang kanina ay aburido at iyaking mukha ng mga bata. Umakyat na rin ako. Sina Joyce at Tina ay nasa bandang likuran, si Amy sa bandang gitna at ako, heto malapit sa driver. Este kay Justin pala.
Nakita ko ang mga ekspresyon ng mga guardians ng bata lalo na yung mga kababaihan. Panay ang tingin nila kay Justin. Sino nga bang hindi kikiligin. Napakagwapo nga naman kasi nito para maging driver. Nagpalit sya ng damit mula sa suot na suit, ngayon ay nakablack polo shirt at maong pants na sya.
Pinaypayan ko ng kamay ang sarili ko. Bakit parang biglang uminit?
"Ready for a joyride?" he asked me showing his perfect set of white teeth.
Whew! Chill ka lang Rhian. Bawal himatayin!
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...