After two years...
"Wow! I must say, you really did a great job." bati sa akin ng publicist ko na si Konrad. Gwapo si Konrad. Matangkad sya, mestiso at super bait. But there's one thing that I like about him. "Congrats girl!"
Yup, he's gay. And he's my bestfriend.
Bestfriend. That word seemed a little unfamiliar to me now.
Agad kong ipinilig ang ulo ko. Ayaw kong maalala ang mga negatibong bagay.
Dalawang taon na rin ang nakalipas. Sinikap kong tumayo sa sarili kong mga paa. Nagresign ako sa pagiging teacher. Masakit man sa loob na iwan ko ang mga bata pati ang mga kaibigan ko, kailangan kong gawin iyon.
Hinanap ko ang mga relatives ko at nang macontact ko sila, sumunod ako sa America. Dito na ako nanirahan sa loob ng dalawang taon. Kinalimutan ko lahat ng masasamang pangyayari sa Pilipinas.
Malugod naman akong tinanggap ng mga kamag-anak ko doon. Ipinasok ako ng Auntie ko sa kumpanya nila bilang Research Assistant. Nagustuhan ko ang trabaho ko, bukod sa hindi ganoon kabigat, nagkaroon pa ako ng oras para ituloy ko ang isa ko pang passion. Dahil sa trabaho ko, nagkaroon ako ng opportunity para mas makapag-explore at mas mapalawak pa ang kaalaman ko.
Dito ko rin nakilala si Konrad. Nabanggit ko kasi sa Auntie ko ang tungkol sa pagsusulat ko kaya naman ipinakilala nya ako sa isang kaibigan nya na publicist.
Unang kita ko pa lang kay Konrad, alam ko nang hindi sya straight. Inamin rin naman nya ito sa akin. Dahil doon, mas lalo kaming naging close. Tinulungan nya ako kaya naman heto at pangalawang libro ko na ang naipublish namin.
"Perfect Two." sambit nya habang binabasa ang bagong librong naisulat ko. "You know what, I think this story somewhat resembles your story."
Hindi lingid sa kanya ang pinagdaanan ko. Sa kanya ko lang nasabi ang mga problema ko noon. Nasaksihan nya kung paano ko pinilit na bumangon mula sa pait na naranasan ko sa Pilipinas.
Isang ngiti lang ang ibinigay ko kay Konrad. Tama sya. Ito ang sinusulat ko noong nasa Pilipinas pa lang ako. Ito ang story naming dalawa. Pero like what happened in real life, tragic ang ending ng kwento.
"Hello, Rhian!" masayang bati ni Joyce.
Yes, recently ay nagkaroon na ulit ako ng communication sa kanila. Minsan kasi syang nagpunta dito sa California. Coincidence na nagkita kami sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Hindi daw nya ako nakilala. Medyo nagbago na kasi ang itsura ko. Mas maiksi na ang dating mahabang buhok ko. May kulay itong dark brown. Mas naging fit din ang pangangatawan ko. Thanks sa impluwensya nitong si Konrad na palagi akong niyayaya sa gym.
"Dumating na rin sa wakas dito sa Pilipinas yung librong sinulat mo." pagpapatuloy nya. Naririnig ko rin sa background sina Amy at Tina.
"Ang sosyal mo na talaga Rhian!" singit ni Amy sa phone.
Natawa naman ako.
"Namimiss ko na kayo." sabi ko.
"Umuwi ka naman kasi minsan dito." singit naman ni Tina.
Nawala ang ngiti ko sa labi.
"I'm sorry guys. I can't. Wala na akong babalikan dyan at ayaw ko nang bumalik pa ulit dyan." matapos pa ang kaunting kwentuhan ay nagpaalam na ako sa kanila.
"Are you okay?" tanong no Konrad.
Tumango ako.
"I think it's time to take a picture." masayang sabi nya at hinila ako. Aniya, isa daw ito sa mga strategy para mas maimarket pa ang libro na ginawa ko.
We took a selfie. Nakaakbay sya akin habang hawak ko ang bagong released na libro ko. He immediately uploaded the picture to our facebook page.
Kinagabihan, naisipan kong magcheck ng facebook. Ganito minsan ang ginagawa ko para dalawin ng antok.
Napangiti ako ng makita ang picture namin ni Konrad kanina. Ito ang unang beses na sumama ako sa pagpicture. Usually kasi, kumukuha kami ng model para sa book. Aniya, para naman daw makilala ng mga reader kung sino ang author.
Nakita kong madaming naglike at nagcomment. Pero isang pangalan ang nahagip ng mata ko.
Justin Carlo Santos: You look really beautiful, baby. I miss you.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...