Chapter 18 - Epic Fail

59 2 0
                                    

Epic Fail

Buo na ang ideya sa isip ko. Planado na lahat. I spent the whole night thinking of ways on how I can avoid him. I mean, literally.

My plan was to continue doing my daily routine. Prepare breakfast but this time, I will make sure na hindi ko sya makakasabay. Aagahan ko lalo ang gising. Then at night, I will come home early and prepare dinner. Mauuna na akong kumain para hindi ko sya makasabay. Tapos, either magkukulong ako sa kwarto or maglalagi sa rooftop until he falls asleep.

Ayos na rin di ba? Kaya ko naman lahat ito kasi nagawa ko na naman dati.

Day 01: Preparation and Eating Breakfast without him: Accomplished!

Preparation and Eating Dinner without him: Accomplished!

Day 02,

Day 03,

Day 04,

Day 05,

Day 06,

Day 07,

Day 08,

Day 09, and

Day 10: Accomplished!

So far, so good. Kahit papaano nagagawa ko ang aking weird plan. Grabe, para na akong magnanakaw nito. I always act cautiously, afraid of being caught by that person. Halos lahat ng kilos ko, super ingat ko. Todo-todo iwas talaga ako kay Justin. Kahit kapag naglilinis ng bahay at naglalaba. Kinasabwat ko pa si Manang Tasing.

Pero minsan, kahit ano'ng iwas ang gawin ko, may mga sitwasyon talaga na hindi ko matatakasan.

"Anak, namimiss na kita. How are you?" malambing na tanong ni Mommy nang minsang tumawag sya sa akin. Ilang linggo na rin nang bumalik sya sa Laguna.

"Oh, Mommy. I miss you too." Garalgal ang boses ko. "I-I'm doing great. Sorry po kasi busy po ako sa school kaya di ko kayo masyadong natatawagan."

"My baby, don't work too much ok? Baka magkasakit ka na naman." Nag-aalalang bilin nya.

"Don't worry My, hindi ko po pinapabayaan ang sarili ko. Kayo po dapat ang nag-iingat Mommy." Paalala ko.

"I know what's going on in that house, anak." Biglang sabi ni Mommy. "Noong nandyan ako, alam ko that something's really bothering you. Pero hindi kita tinatanong hanggang hindi ka lumalapit sa akin."

Natahimik ako.

"I want you to have a vacation, anak." Pagpapatuloy nya. "I called to say that I already talked to the director of your school na payagan kang magleave muna kahit ilang araw. Pumayag naman sya."

"But Mommy, paano po ang klase ko?" tanong ko. Hindi ko alam na ginawa pala iyon ni Mommy.

"It's already taken care of, anak." Sagot nito. "Matanda na ako iha, surely you don't want me worrying too much di ba? Kahit pa sabihin mo na ok ka dyan, alam ko na hindi. Kaya patuloy akong nag-aalala. Kaya pumayag ka na, ok?"

Napabuntong-hininga ako.

"When you talk like that, how can I say no, My?" napapangiti kong sabi. "Sige My, magbabakasyon ako. Maybe that's what I need."

"Ok mabuti naman, I reserved a hotel for you at Palawan." Dugtong pa ni Mommy.

"Ok, My. Thank you." At ibinaba ko ang telepono. I felt guilty kasi kasalanan ko kapag may nangyari sa kanya. Pati si Mommy naaapektuhan ng nangyayari sa akin.

The following day, I started to pack my things para sa bakasyon ko. Somehow, I am excited kasi ngayon lang ulit ako magbabakasyon. Yung wala akong ibang iisipin na problema, yung makakapagpahinga ako.

Ready na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Anak, papunta ka na ba?" si Mommy pala. Talagang naninigurado sya kaya naman hindi ko napigilan ang pagtawa ko.

"Opo My, kayo talaga. Akala n'yo siguro hindi ako pupunta." Natatawa ko pa ring sagot.

"Syempre, malay ko ba kung hindi ka tumuloy." Natawa rin si Mommy. "Sya nga pala, I forgot to tell you na may kasama ka. Ingat kayo sa byahe, ok?"

"Po? Kasama?" tanong ko. "Hello, My? Hello?"

Pero nawala na sya sa kabilang linya. Sino naman kaya ang tinutukoy ni Mommy?

"Ready ka na pala. Halika na." automatic na umikot ang ulo ko para hanapin ang nagsalita. Hindi ako makapaniwala. Si Justin?! Sya ang kasama ko na magbabakasyon?

Sa sobrang pagkabigla ko, hindi ko namalayan nang kuhanin nya sa kamay ko ang dala kong bag. Natauhan lang ako nang tawagin nya ako ulit. Tahimik kaming nagpunta sa airport at naghintay ng flight namin.

Magkatabi kami sa upuan. Si Mommy talaga, ano kayang binabalak nun? Bakit nya pinasama si Justin?

Hindi ako mapakali sa upuan ko. Sobrang awkward naman kasi ng sitwasyon. Imagine, ilang araw ko syang iniwasan at hindi nakita tapos ganito ang mangyayari.

"Don't worry, you can still avoid me pagdating natin sa Palawan." Nagsalita sa wakas si Justin. Napalingon ako sa kanya pero deretso lang ang tingin nya.

Sasagot sana ako kaso pinili kong manahimik na lamang. Somehow I can sense that he didn't like the idea of my stupid plan. And indeed my plan was an epic fail. At dahil iyon kay Mommy. :(

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon