Chapter 4 - Tulo Laway

66 4 2
                                    

Tulo Laway

"Si Mommy talaga, kung anu-ano ang naiisip." bigla kong sabi. Nasa may poolside kami at nagmemeryenda. Matapos kasi naming magpahinga, nagutom kami at dito namin naisipang kumain.

"Ganyan talaga pag medyo tumatanda na. Hayaan mo na lang." sabi nya. Busy sya sa paglalaro sa ipad nya.

"Pero nacurious nga ako, di ka ba talaga bading?" nangingiting tanong ko.

Bigla naman syang napatingin saken.

"Seriously?" Bulalas nya. "At bakit mo naman ako pinag-iisipan ng ganyan, Taba?"

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Eh paano, wala naman akong nababalitaan na may girlfriend ka." sagot ko. "Wala kang pinapakilala sa amin ni Mommy."

"Pag walang girlfriend, bading agad?" banat nya. "Hindi ba pwedeng naghihintay lang ako sa babaeng gusto ko?"

Nanlaki ang mata ko.

"Naks! Bumabanat ka na!" sambit ko. "Wow, himala! Pero teka, ibig sabihin meron ka ngang babae? Sino yun? Kilala ko ba?"

"Wala ka na dun. Saken na lang yun." nakangising ibinalik nya ang atensyon sa ipad.

"Ang daya! Bestfriend mo ako di ba?" nilapitan ko sya at hinigit ang damit nya. "Kambal din tayo. Kaya sige na sabihin mo na kung sino yun."

Di nya ako pinansin at patuloy lang sa paglalaro. Hinigit ko ulit ang damit nya.

"B1! Wag kang magulo. Matataya ako." at nagfocus ulit sa paglalaro.

Tinuloy ko ang pangungulit.

"Ayan! Namatay tuloy!" ang sama ng tingin nya saken kaya dahan-dahan akong umatras at tumakbo.

Hinabol naman nya ako at hinila ang kamay ko. Nagpumiglas ako kaya nahulog kami sa pool.

"Ayan! Ikaw kasi eh!" sabi ko.

"Sino bang nauna?" natatawa na sya. "Yaan mo na, langoy na lang tayo."

At hinubad na nya ang suot na tshirt at inihagis sa poolside.

Kitang-kita ang kanyang abs. He has muscles on the right places, hindi man iyon malaki pero masasabi pa rin na fit sya. Swimmer kasi.

"Oh ano na? Tulo na laway mo dyan." nakangising asar nya saken. Di ko napansin na napatagal pala ang pagtingin ko sa kanya. Kainis. Uulanin na naman ako ng asar ng isang to.

"Tse! Pinagsasasabi mo dyan eh, payatot mo naman." bawi ko.

"Aba, hindi ako payat no. Kita mo naman may abs at muscle ako oh." pagmamayabang nito.

"Hay naku, ewan ko sayo." at lumangoy palayo sa kanya.

Bakit ba kasi napatingin pa ako eh sanay naman na akong nakikita syang ganyan. Kahit pag sa bahay sa Manila minsan wala syang top lalo na pag weekends.

Nagtagal pa kami sa Laguna hanggang Sunday. Giliw na giliw naman sa amin si Tita Carmela. Palaging puno ng pagkain para sa aming dalawa kaya naman panay ang asar saken nitong si B2.

Sunday ng hapon ng magpaalam na kami kay Tita.

"Ang bilis naman ng pagstay nyo." malungkot nyang sabi habang hinahatid kami ni Justin sa labas ng bahay. "Balik ulit kayo ha?"

Napangiti naman ako.

"Don't worry My, bibisitahin ka ulit namin. Ako bahala dito sa anak nyo kapag di pumayag." sabi ko habang niyayakap siya. Bumaling sya kay Justin.

"Ikaw naman, ingatan mo itong si Rhian ha?" bilin nito sa anak nya at niyakap din ito. "Huwag mong paliligawan sa iba. Lalo na ngayon at lalong gumanda itong baby girl ko."

"My, wag kang mag-alala. Wala naman sa isip ko yang mga ganyan." paliwanag ko.

Alam kong kokontrahin nya ang sinabi ko pero di na lang sya nagsalita. Alam kasi nila kung anong pinagdaanan ko dati kaya ganito ang pananaw ko ngayon.

Habang nasa byahe, naramdaman ko ang pagod. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nanaginip ako. Nasa isang magandang lugar daw ako at naghihintay sa akin ang mga bata. Nang makita nila ako, sinalubong nila ako at niyakap.

Napangiti ako. I really love it when I see children smiling. Nakakahawa kasi ang kasiyahan nila. Then, hinila nila ako papunta sa gitna ng hardin. Punong-puno ng bulaklak ang paligid. Nakita ko ang isang lalake na nakatalikod sa amin. Nilapitan ko ito at tinanong kung sino ito. Unti-unting umikot paharap ang lalake kaso bigla akong nagising.

"Sorry, nagising ba kita?" tanong saken ni B2. Ang lapit ng mukha nya saken. Buhat pala nya ako. Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay.

"Ah, pakibaba na ako. Maglalakad na lang ako." di ko alam pero parang nailang ako. Sobrang lapit kasi ng mukha nya. Buti at agad naman nya akong ibinaba. Nauna na akong pumasok sa bahay.

"Tindi mo matulog." pahabol na sabi nito. "Tulo pa ang laway. Hahaha."

Pinanlisikan ko sya ng mata at iniwanan sa labas ng bahay.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon