Magbalik
Sinabi ko kinabukasan kay Konrad ang nakita ko sa facebook page.
"I guess, he still loves you Rhian." sabi nya sa akin. "You two didn't have the chance to talk things out. You just left him. You didn't give him the chance to explain his side."
I rolled my eyes at him.
"I was so hurt back then. The only thing that came to my mind was to run away. Run away from him." paliwanag ko. "I'm afraid that if I didn't do that, I will still accept him even though he's cheating on me."
Bumuntong-hininga sya.
Natuwa kami pati ang mga kamag-anak ko because the book is selling like hotcakes. Di ko inaasahan iyon.
Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, may mumunti pa ring lungkot sa puso ko. Ano kaya ang magiging reaksyon nya kung mababasa nya ang ginawa ko?
Stop it Rhian. Dapat hindi ka na nag-iisip ng ganyan. Paalala ko sa sarili ko.
Naghahanda na ako sa pagtulog. Napagod ako kasi kagagaling lang namin sa party ni Konrad. Nanlibre sya kasi naging maganda daw ang outcome ng pagpublish ng book ko.
Maya-maya, nagring ang cellphone ko.
Unknown Number
Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko. Nakailang ring na ito kaya nagpasya akog sagutin na.
"Hello, who's this?" tanong ko.
"Rhian, anak?" sambit ng tila napapaos na boses.
It's Mommy!
Automatic na tumulo ang mga luha ko.
"Mommy? Is that you?" tanong ko.
"Yes, anak. Ako nga ito. Pinahingi ko kay Justin ang phone number mo dun sa kaibigan mo." paliwanag nya. "Joyce yata ang pangalan nya. Pasensya ka na anak kung naistorbo kita. Miss na miss na kasi kita."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulhol na ako.
"My, I'm so sorry. Sorry po kung umalis ako ng walang paalam." Pilit kong sabi. Medyo nahirapan pa akong tuwirin ang salita ko dahil sa pag-iyak.
"Anak, gustong-gusto na ulit kitang makita. Bisitahin mo naman kami dito." paki-usap ni Mommy sa akin.
"Mommy, I miss you too, so much." sambit ko. "I'll try po na makadalaw sa inyo. I love you so much My."
Hindi sumagot si Mommy. Pero naka-on pa rin ang phone.
"Hello? My? Andyan ka pa ba?" tanong ko.
"Mom!" that voice. Hindi ako pwedeng magkamali. It's him. "Mom, please wake up."
Nanlaki ang mata ko.
"Hello? Ano'ng nangyayari dyan?" tanong ko.
Narinig kong tila may dumampot sa phone. Akala ko sasagutin iyon. Pero pinatay ang tawag.
Nataranta ako. It's already 12 midnight. Ano'ng gagawin ko? Agad kong tinawagan si Konrad.
"Hello, Rhian? Do you know what time is it?" Tila antok na antok pa ito.
"I'm sorry Konrad. But I need your help." pakiusap ko. "Please book me a flight to the Philippines. Asap!"
Narito ako ngayon sa NAIA. After kong tumawag kay Konrad, naghintay muna ako ng ilang oras. Then tinawagan nya ako para ipaalam ang schedule ng flight na nakuha nya.
"I booked you a flight for two." sabi nya.
"Two?" takang tanong ko.
"Yes dear. 'Cause I'm going with you. I can't let you go there alone." Paliwanag nya.
Huminga ako ng malalim. Hinawakan ni Konrad ang kamay ko.
"Ready?" tanong nya.
Tumango ako. I really hope I'm ready. This is it. Nagbalik na ako sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...