Perfect song for this chapter is Crazy of You by Hyorin (Sistar). Kpop po ito. ^_^
Akala
Ano'ng nangyari? Naroon ako sa kwarto. Agad kong tiningnan ang ilalim ng kumot. Wala nga palang nangyari sa amin ni Justin. Buti na lang. Kapwa kami muntik nang makalimot kanina.
I remembered that when he told me he loved me, tumayo sya.
"I'm sorry baby. Muntik na akong makalimot. I'll wait until we get married. For now, sleep tight okay?" he bended and kissed my forehead. Inayos nya rin ang kumot ko.
Lumabas sya ng kwarto. Ako naman ay naiwan na nakatulala lang. Nagtakip ako ng unan at saka tumili.
Nakaidlip pala ako. Nakita ko ang orasan sa may bedside table. 10PM.
Mukhang hindi pa bumabalik si Justin. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Hinanap ko sya sa buong bahay pero wala akong Justin na makita.
Saan kaya sya pumunta? Lumabas ako ng bahay para hanapin sya pero hindi ko pa rin sya makita.
Naroon pa rin naman ang sasakyan nya kaya imposibleng pumunta sya sa malayo. I decided to walk at the beach. Baka nagpapahangin sya.
Malayo-layo na rin ang nalalakad ko. Nilalamig na ako. Tumatagos pa rin sa balabal ko ang lamig ng hangin.
Napahinto ako ng may naulinigan ako sa isang puno. Halos nasa dulo na pala ako kasi nakita ko ang cave na hinahampas ng malalakas na alon.
Narinig ko ulit ang mga boses. Isang boses ng babae at lalake. Kinutuban ako.
Lumapit ako ng dahan-dahan. Mas lumalakas ang boses sa paglapit ko.
Ganoon na lamang ang panlulumo ko nang maaninag ko si Justin. Kilalang-kilala ko ang bulto nya. Maging ang boses nya.
Nakita kong lumapit sa kanya yung babae at bigla na lamang syang niyakap at hinalikan! It was her. It was Anna.
Hinintay kong itulak nya si Anna, ako ang mahal nya at hindi ikaw! Pero ganoon na lang ang disappointment ko ng hindi nya ginawa iyon. Hinayaan nyang halikan sya ni Anna.
Bumuhos ang mga luha ko kasabay rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nagtatakbo ako. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Parang sinaksak ng isang daang kutsilyo ang puso ko. Durog na durog na ito. How could he do this to me? And to think muntik nang may mangyari sa amin kanina.
Damn! Buti na lang pala at hindi yun natuloy.
Agad akong nagbihis pagkadating ko sa resort. I immediately packed my things. Hindi ko ito kaya.
Bakit nya ako niloko? I finally opened my heart again. I tried to suppress my feelings for him sa takot na masaktan ulit ako pero nagtiwala ako sa kanya. Tapos ito lang pala ang igaganti nya.
Nilingon kong muli ang lugar na iyon bago ako tuluyang umalis. Ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagpatak.
Paalam Justin. Hindi ko kayang makasama ka pa. Dahan-dahan kong inalis sa daliri ko ang engagement ring na ibinigay nya.
Hinang-hina ako ng makarating ako sa bahay. Gusto ko sanang magpahinga at matulog muna kaso baka maabutan pa ako dito ni Justin. Agad akong nag-empake. Kumuha lang ako ng kaya kong dalhin.
"Paalam Justin. Sayang at hindi tayo magkakaroon ng happy ending. I love you so much, B2." bulong ko habang nakatingin sa bahay namin. Pumatak na naman ang magaling kong luha.
Now what? Saan ako pupunta? Madaling araw na. Siguro maghohotel na lang muna ako. Marami namang murang hotel. Hindi ako maaaring pumunta kay Mommy dahil matutunton lang ako doon ni Justin.
Buti na lang kahit papaano ay may savings ako. Kailangan kong pag-iisipan kung anong gagawin ko simula ngayon.
Naalala ko si Mommy. I'm sure she'll be devasdated kapag nalaman nya na umalis ako.
Namuo na naman ang luha ko. Akala ko kasi pagkakataon na namin para lumigaya. Akala ko si Justin na ang magpapatunay na talagang may happily ever after kaso maling-mali ako.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...