Bagong Kaibigan 2
"B2, sorry. Hindi ako nakapagpaalam na gagabihin ako." Paliwanag ko.
Hindi sya umimik at sa halip at tiningnan ng masama si Matthew.
"Ah, pare. Pasensya na. Ako ang may kasalanan. Niyaya ko kasi si Rhian." Salo naman ni Matthew.
"Pumasok na tayo sa loob, Rhian." Seryosong sabi nito at tinalikuran kami ni Matthew para mauna na sa loob ng bahay.
"Matthew, thank you ulit ha. I had a great time today." Nakangiti kong sabi.
"I'm glad na napasaya kita, Rhian. Sana masundan pa ito." Pahiwatig naman nya.
Isang kiming sagot lamang ang ibinigay ko sa kanya bago muling nagpaalam. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang dapat kong isagot sa kanya. Masasabi kong nag-enjoy talaga ako sa company nya pero hindi ibig sabihin noon na maaari na ulit akong maniwala na possible pang magkaroon ng happy ending ang naunsyaming love story namin.
Pagpasok ko sa loob, tahimik na nakaabang si Justin.
"Sorry na, B2." Pag-uulit ko. "Hindi na mauulit. Magpapaalam na ako next time."
"At talagang may next time pa ha?" asik nito habang naglalakad papunta sa kusina.
Patay mukhang talagang nagalit sya.
"Kaibigan ko si Matthew kaya syempre, may next time pa." paliwanag ko. "Friendly dates lang naman yun eh."
"Oh sya sige. Sabi mo eh." Sagot naman nito. "Heto, nagluto ako kanina. Kumain ka na."
"Ah, kasi...B2. Kumain na kami kanina ni Matthew." Nahihiyang sabi ko. "Nilibre nya kasi ako."
Seryoso nya akong tiningnan tapos bigla nyang kinuha ang platong may laman na pagkain.
"Sa susunod, magsasabi ka. Nasasayang ang pagkain pati oras ko sa pagluluto." At muli akong tinalikuran.
Ikaw kasi Rhian eh. Bakit ba hindi ka nagpaalam? Hay. Yan tuloy, nagtampo lalo si Justin sayo.
Kinaumgahan, as usual, nakahain na ang agahan. Hindi talaga pumapalya itong si B2 pagdating sa mga ganitong bagay. Kahit na may tampuhan kami kagabi, hindi pa rin nya ako pinapabayaan.
"B2, galit ka pa ba saken?" tanong ko sabay kulbit sa kanya. Abala sya sa pagsasalin ng kape sa tasa nya.
Hindi nya ako inimikan. Naglakad ito papunta sa mesa at umupo sa pwesto nya. Sumunod naman ako at umupo na rin sa pwesto ko.
"Sorry na." I tried to be charming sa pagbabaka-sakaling umpekto. Pero wala pa rin. "Hay."
Napabuntong-hininga ako. Ibinuhos ko na lang sa pagkain ang lungkot ko nang biglang tumunog ang doorbell.
Agad namang tumayo si Justin para buksan ang pinto.
"B2, sino yan?" tanong ko at nagdesisyong sundan sya. "Sino'ng bisita natin?"
Nagulat na lang ako kasi nasa labas ng pinto sa Matthew. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong business suit. Sa kanang kamay nito ay isang paper bag na tila may lamang pagkain at sa kabila naman ay ang attaché case nito.
"M-Matthew? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko. Napansin ko naman na lalong sumeryoso ang mukha ni Justin.
"Ah, nagdala ako ng breakfast." Kiming sagot nito. "Gusto ko sanang sumabay sa iyo."
"Naku, nag-abala ka pa. Halika, pasok ka." Sabi ko at iginiya siya sa dining room. "B2, ano pang ginagawa mo dyan? Halika ka na, kain na ulit tayo."
"Wow, ang sarap naman nitong mga dala mo. Salamat Matthew." Nakangiting sabi ko habang tinitikman ang pagkaing dala ni Mattew.
"Mauna na ako." Biglang sabi ni Justin habang tumatayo at kinukuha ang gamit.
"Ha? Tapos ka na agad?" takang tanong ko.
"Oo, hindi ka naman sasabay saken di ba?" sabay lingon nya kay Matthew. "May maghahatid na naman sayo kaya mauna na ako. I'm late for my meeting."
"Alam mo, parang galit saken yung bestfriend mo." Biglang sabi ni Matthew habang sakay kami ng kotse nya. Hinatid nya ako papunta sa preschool.
"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko.
"Ramdam ko lang." tipid na sagot nito. "Kaibigan mo lang ba talaga yun?"
"Oo naman. Halos magkapatid na nga kami kasi sabay halos kaming lumaki." At ipinaliwanag ko kung bakit dun ako nakatira kina Justin.
"Ah, kaya pala. Sorry sa nangyari sa'yo ha?" malungkot na sabi nito. "Huwag kang mag-alala. Ngayon na nandito na ako, madadagdagan na ang karamay mo."
Na-appreciate ko ang sinabi ni Matthew. Pero sa kabila noon, napapaisip din ako tungkol kay Justin. Talaga nga kayang galit sya kay Matthew? Pero bakit?
Hay naku Rhian. Huwag ka na nga masyadong mag-isip. Buti nga at nandyan na si First Love. Bihira lang mangyari ang ganyang bagay sa totoong buhay.
"Ah, Rhian? Susunduin ulit kita mamaya ha?" pagpapaalam ni Matthew. Nakarating na kami sa school. Pababa na ako pero piniglan nya ako.
"Baka masyado na akong nakaka-abala sayo Matthew. Hindi mo naman kailangang gawin lahat ito eh." Sabi ko.
"Pero gusto kong gawin ito. Sana hayaan mo akong gawin ito Rhian." Makahulugang sabi nya.
Napangiti naman ako. "Ang bait mo naman palang kaibigan eh."
Isang ngiti lang ang isinukli nya sa akin.
Dumating ang hapon at natapos ang klase ko. Napagod ako kasi madaming adjustments ang ginawa namin para maayos ang mga lessons na naiwan ng mga bata. Malaking bagay kasi yung ilang araw na hindi sila naturuan eh. Buti na lang at kahit na makukulit sila, they are still willing to learn.
Napainat ako habang naka-upo sa may bench malapit sa gate ng school. Napangiti ako ng makita kong paparating na ang sasakyan ni Mattew.
In fairness naman sa kanya, hindi sya nalelate. Hindi katulad ni B2. Speaking of B2, mukhang tahimik sya maghapon ah. Ni hindi man lang nagtext or tumawag saken. Hmm..Baka busy na naman yun.
"Ayos ah. On-time." Masiglang bati ko kay Matthew pagdating nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto at umalis na kami.
"Syempre naman. I'm your new friend di ba, kaya dapat lang hindi kita pinaghihintay ng matagal." Nakangiting sabi nya. "So, wanna eat?"
Napatango naman ako. Dahil masarap kasama at kausap si Matthew, pakiramdam ko hindi ako pagod sa trabaho. Being with him somehow relaxes me. Madali akong naging kumportable kasama sya. At sa tingin ko, ganun din sya.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomantizmMatalik na magkaibigan sina Rhian at Justin. They even consider themselves, twins. kaya ang bansag nila sa isa't-isa ay B1 at B2. But what if cupid played a trick on them? What if romance began to blossom between them? Posible bang ma-inlove si B1 k...