Chapter 3 - The Tease

77 6 0
                                    

The Tease

"Hello Mommy?" Tumawag ulit si Tita Carmela at naglalambing na dalawin daw namin sya ni Justin. "Opo, nasabi ko na po kay B2. Naayos na daw po nya ang schedule nya kaya makakapunta po kami dyan next weekend."

"Talaga anak?" para kasing anak na rin ang turing saken ni Tita Carmela. "Mabuti naman at pinagbigyan ako nyang bestfriend mo. Akala ko di na naman sya available eh. Sya sige, I'll be expecting you both next week. Mag-ingat kayo dyan. I love you both."

"Yes My, we love you too." at inend ang call.

Bumaba na si Justin dala ang kanyang attache case.

"Si Mommy ulit?" tanong nya. "Sinabi mo na ba na dadalawin natin sya next week?"

"Yes, nasabi ko na and she's excited." sabi ko at kinuha na rin ang gamit ko.

Inihatid nya ako sa school. Pagdating ko, naabutan ko ang mga co-teachers ko na nagkakape. May 15 minutes pa kasi bago magtime.

"Hmm..kelan kaya ako magkakajowa ng tulad ni Papa Justin?" si Tina.

"Asa ka pa te!" si Joyce. "Kung kasing ganda ka nitong si Rhian, baka pwede pa."

"Kaya nga ang swerte-swerte talaga nitong si Rhian at may hot yummylicious fafable sya na tulad ni Justin." Si Amy.

Napatawa naman ako sa kanila.

"Hay naku. Kayo talaga." sabad ko sa usapan nila. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi kami talo nun ano. Alam na alam ko ang likaw ng bituka non kaya hindi pwede ang mga iniisip nyo."

"Sus, kunwari ka pa. Saka wag ka ngang magsalita ng tapos, mamaya kainin mo yang sinabi mo." pang-aasar pa ulit ni Amy.

"Naku mabuti pa, pumunta na lang tayo sa mga klase natin. Baka nagwawala na ang mga bata." at nauna na akog maglakad sa kanila.

Simula ng pumasok ako sa school na ito 3 years ago at nakilala nila kami ni Justin , palagi na lang nila kaming tinutukso sa isa't isa. Na palagi ko namang pinapabulaanan.

Sus! Kami ni Justin? No way! Haha!! Though may mga qualities sya na boyfriend material, dun aminado ako. Pero ang problema, di kasi ako naniniwala sa happy ending.

I once loved a man. He was my first love. College pa lang ako noon at kahit na isa akong dakilang hopeless romantic, nagkalakas pa rin ako ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. But sadly, he rejected me. Wala pa daw sa isip nya ang mga ganong bagay.

Hindi lang masakit, nakakahiya pa. Kasi kababae kong tao, ako pa ang nagtapat at ganon pa ang dahilan ng rejection sa akin. Tindi di ba?

Kaya mula noon, hindi na ako naniwala sa love at happy ending. Kaya naman hirap akong gumawa ng love story na masaya ang ending kasi di ko pa naman naranasan yun and hindi nga ako naniniwala dun.

Ito namang bestfriend ko, kabi-kabila ang girlfriends noon. Super duper playboy.

Ewan ko na lang ngayon. Wala kasi akong nakikitang babaeng kasama nya lately.

Weekend came and we prepared for our trip to Laguna.

"I'm sure hindi na makapaghintay si Mommy." sabi ko habang nakangiting tinitingnan ang mga nadadaanan sa SLEX.

Nang makarating kami, sinalubong agad kami ni Mommy ng yakap.

"Oh, how I miss you!" ang higpit ng yakap nya saken. "And you mister?"

Bumaling sya kay Justin na nakatingin lang sa amin.

"Why don't you give your mother a great big hug?" at inilahad ang mga braso nya para mayakap ng anak. Atubili namang sumunod si B2.

"Akala ko hindi na naman kayo matutuloy eh." habang iginigiya kami sa loob ng bahay. "Hindi kasi nagrereply itong si Justin sa mga text ko."

"Mom, tinapos ko lang po kasi ang mga dapat tapusin." paliwanag nito.

"Hmm..ano pa nga ba. Sya kumain na muna kayo at alam kong gutom na kayo." Pinapunta nya kami sa dining area. "Nagluto ako ng paborito nyo. Sinigang na baboy kay Justin at inihaw na tilapia kay Rhian."

"Wow!" sabi ko sabay upo. "Mapaparami ang kain ko nito! Thanks My!"

"Dumali na naman si Ms. Matakaw!" asar saken ni Justin at ginulo ang buhok ko. Hinawi ko naman ang kamay nya at nagsimula na akong kumain.

Nakigaya na rin sya dahil mukhang gutom din.

"Oh mommy, bakit di pa kayo kumakain?" tanong ni Justin

"Sabayan mo na kami My." Sabi ko naman.

"Natutuwa lang kasi akong makita ulit kayo." sabi ni Tita Carmela. "You two really look good together."

Nasamid naman ako sa sinabi ni tita. Dali-dali naman akong inabutan ng tubig ni Justin.

"Dahan-dahan kasi sa paglamon Taba." asar pa nya saken.

Tiningnan ko sya ng nanlilisik na mata.

"Ma, ano ba naman yang sinasabi mo?" sabay baling ni Justin sa mommy nya. "Hindi kami talo nito. Lalake 'to eh at isa pa, may gatas pa to sa labi."

Hinampas ko na naman sya. Inasar na talaga ako ng bongga.

"Anong sabi mo?" asik ko. "Ulitin mo nga! Kung ako lalake, ikaw bading! Bading!"

"Oy! Di ako bading ha." tiningnan nya ako ng may nanlalaking mata.

"Tumigil na nga kayo." awat samen ni Tita. "Para kayong may LQ nyan eh."

"Mommy!" sabay pa kami sa pagsaway kanya.

Natatawa naman sya at iniwan kami sa dining area.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon