Chapter 26 - In His Arms

56 2 1
                                    

In His Arms

Rhian's POV

"Anak, kumusta si Justin?" bungad sa akin ni Mommy pagkauwi ko ng bahay. "Magaling na ba s'ya after mong alagaan?"

Ngising-ngisi sya habang hinihila ako paupo sa sofa.

"My, you're teasing me again." Banat ko. "Nothing happened if that's what you're thinking. Ok na po sya ngayon. Hopefully, tuluyan na syang gumaling para makapasok na sya bukas sa office."

"Ano ba naman yang anak ko." Sambit nya na parang nanghihinayang.

"My, magreready na po ako. Baka malate pa ako sa klase." At umakyat na ako sa kwarto ko. Naalala ko na naman ang naging usapan namin ni Justin kagabi sa apartment nya.

Hiyang-hiya ako sa sarili ko. I can't believe na nasabi ko yun kay Justin. Shet na malagket! I totally forgot na malapit na syang ikasal at ang masaklap, magkakababy na sila. Hay. Ano ba itong ginagawa ko? Gumagawa lang ako ng gulo.

Pilit kong kinalimutan ang tungkol sa bagay na iyon nang nasa school na ako. Nagfocus ako sa pagtuturo kasi kailangan kong bumawi. Madami ang nasacrifice dahil sa pagiging zombie-mode ko ng mga nakalipas na araw.

"Rhian, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Amy. Magkakasama sila nina Joyce at Tina.

"Mamaya pa siguro ako, madami pa akong dapat gawin eh." Sagot ko.

"Umuwi ka na Rhian." Si Joyce. "Masama ang panahon ngayon, baka mahirapan kang magcommute."

"Di bale. Ayos lang ako." Patuloy pa rin ako sa pagsusulat.

"Kung talagang malelate ka ng uwi, magpasundo ka na lang kay Justin." Si Tina.

Napatingin ako sa kanilang tatlo. These girls are really worried for me. Kaya naman nilapitan ko sila para i-assure na kaya ko na.

"Huwag na kayong mag-alala. I can take care of myself. Saka hindi ako masyado magpapagabi. Tatapusin ko lang talaga itong mga naiwan kong trabaho." Paliwanag ko. Medyo naconvince ko naman sila kaya hinayaan na rin nila ako.

Mag-isa na lang ako dito sa loob ng school. Buti na lang at nakaduty pa si Mang Oscar, ang security guard ng school. Kahit papano ay kampante ako.

Tinawagan ako ni Mommy at sinabihang umuwi na. May bagyo raw kasi at baka mahirapan ako sa byahe. Pero nagpumilit akong magstay pa ng kaunti. Mas mahihirapan ako kung maiiwan ko na naman ang trabaho ko. Ayaw kong matambakan na naman ng gawain. Kaso after ng call from Mommy, namatay na ang cellphone ko.

"Crap, I forgot my charger." Bulalas ko pagkakitang wala sa bag ko ang charger ng cellphone ko.

Di bale. Konti na lang naman itong ginagawa ko. Malapit na talaga akong matapos. Promise.

Kaso kapag minamalas ka nga naman, bigla pang namatay ang ilaw! Kinapa ko ang drawer ko. Meron kasi akong nakaready na emergency flashlight dito.

Laking tuwa ko ng matagpuan ko ang hinahanap. Agad ko itong binuksan. Medyo kinabahan ako ng konti kasi napakadilim ng paligid. Tapos malakas pa ang simoy ng hangin. Dinig na dinig rin ang lakas ng pagpatak ng ulan sa labas.

Nagpasya akong sumilip sa bintana para sana tingnan si Mang Oscar kaso wala rin akong makita sa dilim ng kapaligiran.

"Mang Oscar! Mang Oscar!" sigaw ko. Kaso walang sumasagot.

Saan naman kaya nagpunta yun? Iniwanan na ba nya ako ditong mag-isa? Alam naman nya na may tao pa dito.

"Mang Oscar, nandyan ka ba?" muling tawag ko kaso wala talagang sumasagot. Nilamon lang ng ulan ang boses ko.

Lalo namang lumakas ang ihip ng hangin kaya isinara kong muli ang bintana. Unti-unti na akong nakakadama ng takot. Paano ako uuwi nito? Wala pa naman akong payong. Girl scout talaga ako.

Naiiyak na ako. Bakit kasi hindi pa ako nakinig sa kanilang lahat eh. Nandito na siguro yung bagyo kaya nagbrownout. Ano bang gagawin ko? Naisip kong lumabas kaso I'm too scared. Baka may makita pa akong kung ano. I feel so hopeless. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napatili pa ako ng biglang kumulog ng malakas.

Oh how I hate thunder and lightning! Dyan pa naman ako takot na takot. Kaya wala akong nagawa kundi ang magmukmok sa isang sulok. Sana makasurvive ako til morning.

Mas tumindi pa ang kulog at kidlat. Shit! Ang lakas nang isang yun ah? Tinakpan ko ang tenga ko at ipinikit na lang ang mga mata ko.

Malalampasan mo rin ito Rhian. Kaya mo yan. Kumbinsi ko sa sarili ko.

Natatakot na ako at ang bilis-bilis na ng tibok ng puso ko. Ayaw kong imulat ang mata ko sa takot na makakita ng multo. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa sitwasyon ko. I'm so hopeless.

Please God. Please save me.

Nang biglang kumalampag ng malakas ang pinto ng classroom kung saan ako nakatigil. Lalo akong kinabahan. Shit! Baka may masamang-loob na nakapasok dito! Lalo akong nagsumiksik sa sulok na kinaroroonan ko.

Please help me Lord. Please save me. Taimtim kong dasal.

"Rhian!"

Tawag sa akin ng kung sino mang pumasok. Nanatili lamang ako sa posisyon ko at lalong napaiyak. Katapusan ko na yata.

Naramdaman ko na lang ang mga bisig na biglang yumakap sa akin. Napakahigpit na yakap. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

"Hush now..I'm here baby. You're safe now." Pahayag nya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. His voice was so soft that it almost melted me.

"J-Justin? Ikaw ba talaga yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes baby. It's me. Don't be afraid." At tinitigan nya ako sa mga mata to assure me that it's him.

"Thank God!" bulalas ko at napahagulhol na ako. Niyakap ko sya ng mahigpit. Nandito sya. Nasa harap ko sya ngayon.

It's really him. I didn't expect na pupuntahan nya ako, let alone, save me.

This is where I want to be.

The only place I can feel very safe, in his arms.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon