[4] Starry Night

2.7K 112 163
                                    

***

“Paano nyo ko napasok sa academy na yun,” tanong ko nang makapasok ako sa bahay at nadatnang umiinom ng tubig ang evil ugly queen. Sana man lang ay mabilaukan sya.

“Hoy Alia. Kadadating mo nga palang at ganun pa ang itatanong mo sakin? Gawain ba ng babae na umuwi ng ganitong oras?,” nakapameywang nya akong tiningnan.

“At ano yan? Ano yang nasa noo mo?,” napairap ako. Bakit ko nga ba tinanong pa ang nilalang na to.

“Wala. Sige matutulog na ako,” sabi ko at paalis na sana nang pigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak ng braso ko.

“Tinatanong pa kita. Napaaway ka siguro no? Tch. Bagay ka nga sa skwelahang yun,” ramdam kong humigpit ang hawak nya sa braso ko. Matalim ko naman syang tiningnan.

“Aba't tinitingnan mo na naman ako gamit ang tingin na yan ah. Ano?lalaban ka na?,” huminga ako ng malalim sa tanong nyang iyon. I can but it doesn't mean I will.

“Matutulog na po ako,” sabi ko. Ginamitan ko na ng po para matapos na ang eksenang to. Kapagod ng makipagplastikan sa babaeng to.

Binitawan naman nya ako kaya agarang akong umalis sa harap nya.

“Palibhasa kasi, nagmana ka sa nanay mo. Malandi, kaya ganitong oras na umuuwi,” rinig ko ang pagtikhim nya at ang nakakalokong tawa pero di na ako nag-abalang patulan ang masamang nilalang na iyon at mabilis na tumungo sa kwarto kong walang ilaw. Sabing ako nga ang Modern Cinderella diba?

Dahil sanay na ako sa buhay walang ilaw ay agad akong lumapit sa kama ko dahil memoryado ko na at napahiga. Napatingin naman ako sa bintana ko. Mabuti na lang maliwanag ang buwan kaya pumupasok dito sa loob. Di na masyadong madilim. Naubusan pa naman ako ng kandila.

“Malapit ka ng mag 18 Alia,” pahayag ko. Konting tiis na lang makakaalis ka na dito. Just like what you always do. Magtiis ka na muna. You will be free soon.

Napabangon naman ako dahil kailangan kong magbihis. That academy is holy and so its uniform. I think I can't afford to have one kapag nasira to. No Alia. Scratch that word 'I think' dahil di mo naman talaga afford. Hay nako, always remember that poorita ka. Poorita ka Alia.

Matapos makapagbihis ay pumwesto ako sa may bintana at lumabas tapos naupo sa bubong (dahil nasa pinakataas na parte ng bahay ang kwarto ko.) Parang si Sarah Prinsesa lang ang peg ko at yung bruha si Miss Minchin. Tsss.. yung bruhang yun,akala mo naman ang dami nyang alam! How dare she called my mom a slut!

Napaigting ang panga ko dahil dun at huminga ng malalim. Kalma lang Alia. May araw din ang masamang nilalang na yun. Karma is a bitch and Karma is your bestfriend.

Pero...di ko naman kasi masisi yung evil ugly queen kung ganun sya kagalit sakin. Dahil wala naman akong karapatang di tanggapin ang katotohanan na ako ang dahilan ng pagkamatay ni dad, ng kapatid nya. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang dapat sisisihin ng lahat.  Kaya di ko magawang labanan ang bruhang yun. Dahil guilty ako.

Hay nako Alia. Hay nako talaga.

Binaling ko na lang ang tingin sa taas at yung bilog na bilog na buwan mismo ay parang nakaharap dito sa pwesto ko. Napangiti ako nang humangin at maramdaman ko ang pagdampi nun sa mukha ko.

“I'm fine mom. Kaya ko to,” sagot ko sa hangin.

Yeah. Kapag ganon ay naiisip kong si mom yun na nagpaparamdam sakin at sinasabing magiging maayos din ang lahat.

Napabuntong hininga ako dahil kapag ganito ay di ko maiwasang di isipin si Mom. I lost her because of damn cancer. Kakainis. Naiinis ako. Ugh!

“If only....,” di ko magawang tapusin ang gusto kong sabihin sa hangin. Tama na Alia.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon