***
Dahil sa pag-iyak ko sa harap ni Uno ay sinabi nyang he will treat me anything today para makabawi daw sya sa pagpapahintay sakin ng isang taon.
Syempre di ako umayaw dahil wala akong balak bumalik sa loob ng building na yun matapos ang nangyaring eksena dun sa dalawang lalaki. Kaya bago ko pa ulit sila makasalubong ay mabilis kong inalis ang sarili ko at si Uno sa lugar na yun.
Ugh. Bakit andito ang lalaking yun! At isa pa yung lalaking ugh! Di ko mapigilang mainis sa nangyayari! Sinusundan ako ng pangalang Mozy!
Napatingin naman ako kay Uno dahil ramdam ko ang titig nya. Akala siguro nito sakanya ako galit. Pero tama ang akala nya dahil inis din ako sakanya. Nasa 50% ang inis ko sa ginawa nyang pag-alis ng di nagpapaalam at isang taon sya nawala!
“Tahimik ka,” aniya. Tumikhim ako. I will not tell him anything. No need to tell him about that scene.
“Bakit ka ba nag-enroll sa academy na to,” malayong sagot ko na lang. Ngayong nalaman ko na na hindi talaga ako pwede sa skwelahang to dahil sa mga lalaking yun ay plano ko na talagang magdrop out pero dahil kay Uno....ugh..ewan. Pero di ko ipagkakaila na nagpapasalamat ako dahil andito si Uno. Mukhang di ko kayang mag-isa dito.
“Naakit ako ng uniporme nila,” nakatikim sya ng suntok sa balikat dahil dun na tinawanan nya lang din.
“What? Di ba bagay sakin?,” natatawang tanong nya. Inirapan ko sya at mas lalo syang natawa.
“Namiss ko talaga yang mga irap mo,”
“Shut up, suntukin kita dyan,” pahayag ko.
“Ano. Gangster ka na ngayon? Nakumbinsi ka na ni Shun at June na sumali sakanila?,” I once rolled my eyes on him. He's still annoying as before. Pero aminin mo rin Alia na namiss mo sya.
Bumuntong hininga ako bago magsalita “That won't ever happen, you know how I hate Gangsters,” diin ko.
“So you hate me? And June and Shun?,” napatigil ako sa paglalakad kaya ganun din si Uno.
“No. I don't hate you or Shun and June. What I hate are bad people at aminin mong maraming ganun sa mundo nyo. Namali lang ako ng sabi. It's supposed to be 'bad people' not Gangsters,” I explained.
“Then how you became a Croesus huh? Did you marry June already? May nangyayari bang pagtatraydor?,”
Napatigil ako sa sinabi ni Uno dahil naalala ko yung sinabi ng lalaki.
“Dalawang taon nga akong natulog but I never forget. How you betrayed me,”
He snapped his fingers kaya napakurap ako.
“Geez. I'm maybe calling him sugar daddy but you know he won't betray you. Kahit saang aspeto Uno,” seryosong pahayag ko.
“I know. I'm just kidding,” napailing ako sakanya.
“But what happened to your forehead?,” sinubukan nyang hawakan ang noo kong may band aid pero pinigilan ko sya.
“Just another unfortunate event,” maiksing paliwanag ko.
“Anyway, di ka dapat pumasok dito. This academy is sick,” pahayag ko. Unang araw pa nga lang pero nakakabaliw na dito.

BINABASA MO ANG
Clandestine Academy
ActionAcademy of Liars. xoxo -written by: jareditsme {COMPLETED}