[45] Eyes

1.2K 47 33
                                    

***

[THIRD PERSON]

3:34 a.m.

"Pwede na bang magtanong sainyo?Tutal malayo na tayo sa pinanggalingan natin," tanong ni Uno na nagmamaneho at napatingin sa nakaupong si Mr. Herrel sa passenger seat na umiinom ng kape na binili nila sa dinaang diner. Ang dalawa naman na sina Shun at June ay nakatulog matapos ang ilang oras na nasa daan sila.

Isang ngisi naman ang nakita ni Uno sa labi ni Mr. Herrel at napatingin sakanya.

"Delafuente ka diba? Paano ko masisiguradong hindi ka kaaway," si Uno naman ang napangisi dahil sa tanong na iyon.

"Dahil ba Delafuente ako...di ko na pwedeng mahalin ang anak nyo?," balik nyang tanong ni Uno at napirmi ang tingin sa daan.

"At kung kaaway po talaga ang tingin nyo sakin..wala po sana kayo dito sa loob ng sasakyan ko," nakarinig ng mahinang tawa si Uno galing kay Mr. Herrel dahil sa sinabi nya.

"Hmmm...may punto ka. Nakuha mo ang tiwala ko dahil binanggit mong kasintahan ka ng anak ko...tsk...nako..di ko naturuan si Isabella na pumili ng normal na lalaki," pareho silang napangisi dahil sa doon.

"Normal naman po ako ah," ani ni Uno na nagpahalkhak kay Mr. Herrel.

"Hmmm...yung anak ko sa CA...kamusta?," dahil sa tanong na iyon ay napalitan ng seryosong mukha ang dalawa.

"Sa ngayon..nasisigurado ko pong ayos pa sya..pero di ko po alam kung hanggang kailan," ani ni Uno.

Sa labas napirmi ang tingin ni Mr. Herrel at di nagbigay ng reaksyon sa narinig.

"Alam nyo naman po palang nasa CA si Alia..Isabella..pero bakit di nyo po sya pinupuntahan?," tanong ni Uno kahit na alam nyang isa sa mga maririnig nya ang salitang delikado.

Isang malungkot na ngiti ang tinugon ni Mr. Herrel at tiningnan si Uno.

"Delikado at mas mabuti ng isipin nyang patay ako kesa sa magpagkita ako sakanya at paasahin syang magkakasama kaming muli dahil imposible ng mangyari iyon..sa ngayon.. at dahil na rin alam kong...madami syang tanong....na ako lang ang makakasagot...," napahinga ng malalim si Uno at naalala ang kinuwento sakanya ni Alia.

"At di nyo po ibibigay ang katotohanan sakanya?," sa gilid ng mga mata ni Uno ay kita nya ang mga titig ni Mr. Herrel sakanya.

"Oo. Hahayaan ko na ang pagkakataon na syang magpa-alam sakanya ang lahat..habang di pa maayos ang lahat ay di pa ako pwedeng magpakita sakanya. Sa ngayon, mas mabuti na to..kaya hinihingi ko sayo na wag mong banggitin ang tungkol sakin," sagot ni Mr. Herrel. Naisip naman ni Uno na mukhang di nya mapipilit si Mr. Herrel tungkol sa bagay na iyon.

"Kayo ba ang nagpasok sakanya sa CA?," muling tanong ni Uno na inilingan ni Mr. Herrel.

"Isang kaibigan ang nagpasok sakanya doon," bahagyang napatingin si Uno kay Mr. Herrel pero binalik din naman ang tingin sa kalsada.

"Bakit sya pinasok doon?,"-Uno.

Napatikhim si Mr. Herrel bago magbigay ng sagot.

"Dahil mapapatagal ang paghahanap sakanya kapag andoon sya. Mag wawalong buwan na nang malaman ni Santiago na buhay pa si Isabella pero dahil sa ginawa naming paraan ay umabot ng ganito katagal ang paghahanap sakanya. At dahil maraming mysteryo ang Clandestine Academy ay alam kong kapag napasok sya doon ay magkakaroon ng oras ang mga taong pinagkatiwalaan ko sakanya na ilayo sya ng tuluyan," agad na nag-isip si Uno ng mga taong tinutukoy ni Mr. Herrel pero di nya mapunto kung sinu-sino sakanila.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon