***
(Scene Song: Catch by Allie X)
I asked Uno to take me home after that. Dahil paniguradong di naman ako makakatulog sa lugar na iyon and after what happened ay napagtanto kong di talaga maganda ang idea na doon ako mag-aral. Isang araw pa nga ang nagdaan pero ang dami-dami ng nangyari. Ang dami-dami ko ng iniisip. Ganun talaga siguro ang nagyayari kapag di ka naman nababagay sa isang lugar. Sino ba kasi ang niloloko kong magiging isang Croesus ako. Nakakatawa ka naman Alia.
“Are you sure you're okay?,” tiningnan ko si Uno. Tinanguan ko naman sya pero dahil di ako nagsalita ng kahit na ano ay alam kong nakumpirma nyang di ako okay.
“I will protect you there Alia. Huwag kang mag-alala,” isang ngiti tuloy ang lumabas sa labi ko dahil sa linyang iyon ni Uno.
“Ang hilig ng mga tao doon na magdala ng baril na para bang lapis lang ito,” pahayag ko. Bahagya syang natawa pero sumeryoso din naman.
“Di naman nagbago ang tingin mo sakin diba? After you witnessed how I acted inside that academy,” agaran akong umiling.
“I will always see the real Uno Delafuente behind those acts,” I said at nang makita ko ang pagkapanatag nya ay hinawakan ko ang mukha nya.
“I....,” as soon as I stated that...biglang naghuramentado ang puso ko.
“I know,” he said even though I didn't say anything after that. Hindi ko parin masabi. Pero, masaya akong malamang alam nya ang gusto kong sabihin sakanya.
“I will wait until you can finally say it without hesitation,” aniya at hinawakan ang kamay ko na nasa mukha nya. Naramdaman ko ang init nya sa malamig na gabing ito.
“I love you Alia,” it's just really unfair how he can say that to me without stuttering. He always let me feel special pero di ko man lang makompleto ang linyang yun. Kahit I love---or like man lang ay di ko masabi. Maybe I'm really hesitating.
“You can trust me Alia. I know you have your secrets and I have mine too. I can tell you everything I'm hiding because I know you will understand me. So I will do the same thing. Pero kung di mo pa masabi ang lahat ng iyon ay ayos lang but, you can trust me Alia, always,” pinisil nya ang kamay ko at inalis iyon sa mukha nya.
“And this time I promise, I will stay,” and this time...I will try to believe with promises again.
“Goodnight My Queen,” and I received a kiss on my forehead.
Kinaumagahan, namulat na lang ako na umiiyak. But I can't remember why. Marahil ay isang masamang panaginip. Marahil ay ang pagkamatay ni mom. Siguro nga Alia.
Napapunas ako ng luha at bumangon na dahil alam kong anumang minuto ay kakatukin na ako ni Evil Ugly Queen. Pagkaalis ko sa kama ay nakita ko yung damit na sinuot ko kagabi kaya naalala ko ang lahat. Akala ko. Panaginip lang din ang pagpasok ko sa academy na iyon at yung mga nangyari.
Ang pangalang Mozy. Mary Katherine. Kouen. Miru. At ang lahat ng nakilala ko ng gabing iyon ay bumabalik sa alaala ko.
Pero kung may maganda mang nangyari kahapon ay yun ang pagbalik ni Uno.Napangiti ako dahil alam kong ngayon ay di na sya aalis. Pero nawala ang ngiti kong iyon nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Great. Ayan na sila. Ang mga vitamins X ko sa araw.
“Alia gumising ka na at kanina pa tumilaok ang manok ng kapitbahay! Ang daming labada ngayong araw!,” napabuntong hininga ako sa narinig ko. Balik Alia Alila na naman ako. Tapos na ang mala-Cinderellang buhay mo kahapon Alia. Pero kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko na dito kesa sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Clandestine Academy
БоевикAcademy of Liars. xoxo -written by: jareditsme {COMPLETED}