[47] Let's Runaway

1K 43 37
                                    

***

1:20 p.m.

Blue Building: 14th unit.

Ang sama ng timpla ni Aiella ngayon. I mean...parati naman syang ganito pero iba talaga ngayon. Nakakatakot sya. Sobra. Para na syang si Sunako Nakahara sa anime na Yamato Nadeshiko. Pinalilibutan talaga sya ng madilim na aura.

Magkatabi pa naman kami  na nakaupo sa couch at nanood ng movie kaya ramdam ko talagang may pinagdadaanan ata ang bitch na to, kaya sakanya lang din napirmi ang tingin ko sa mga sandaling ito. Kahit na nasa screen ng tv ang tingin nya ay alam kong nasa ibang lugar ang utak nya.

Ano kayang nangyari sa babaeng to. Nakakaintriga na talaga dahil wala syang sinabing kung ano nang dumating sya sa mansion kanina. Basta-basta lang akong hinila palabas doon at heto na nga kami ngayon.

Napakurap-kurap ako at huminga ng malalim.

“Ah...popcorn?,” napalunok ako matapos itanong iyon.

“Wala ka namang hawak na popcorn ah?,” umirap sya matapos sabihin iyon. Nagkibit-balikat ako.

“Akala ko kasi lutang ka,” ani ko.

Humalukipkip sya saka sumandal tapos tiningnan ako.

“Lumayas na tayo dito Alia,

Kumunot ang noo ko.

“Saan naman tayo pupunta?,

“I mean...let's runaway,

Napataas ang isang kilay ko sakanya.

“Seriously...ano bang nangyari?,” tanong ko. Ngumiwi naman sya.

“Ugh...ayoko talagang pag-usapan Alia...pero ayaw din akong patigilin ng utak ko! Nakakainis! Nakakabaliw!,” sabi nya sa matinis na boses.

I feel you Aiella. Alam ko ang pakiramdam na yan.

“Nababaliw na ako...nakakainis..,” ulit nya pero ngayon ay mahinahon na.

Pareho naman kaming napatingin sa pintuan dahil may tao ata. Tumunog yung bell eh.

“Ako na,” ani ko at pumunta sa pintuan.

Pagkabukas ko naman ay si Cypher ang nakita ko. Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin.

“Snow...si Aiella,

Pagkabanggit nya ng pangalan ni Aiella ay nilingon ko sya na nakatayo na pala at masama ang tingin kay Cypher.

“Ghad..,” ani ni Aiella at lumapit samin ni Cypher.

“Let's talk Mr. Kuruzawa at baka mahimasmasan ka at matigil tong kabaliwan na to,” linya ni Aiella at pinanood ko silang dalawang lumabas ng unit.

Okay.

Anong meron sa dalawang iyon?

May nangyayari na ba?

Kung meron nga...dapat pala ay matuwa ako eh? Nagising na ata si Aiella sa kahibangan nya kay Apollo.

Anyway, naiwan nga ako dito sa unit at naupong muli saka pinanood tong movie n di ko naman ang title. So ayun, sa cellphone rin napunta ang tingin ko dahil maya-maya lang ay darating na si Uno! I swear tumili talaga ako sa harapan nila Ace at Gin kanina dahil sa balitang iyon. Ang gaga lang pero miss ko talaga si Uno. Miss na miss. Pero yun din. Di natuloy yung usapan namin ni Ace kay Reese.

Binasa ko ulit yung text nya 5 mins. ago which is: Malapit na ako Babe 💓

At nang may muling mag doorbell ay agad akong napatakbo sa pintuan. Para lang talagang tange pero natigilan din naman ako nang hindi si Uno ang nakita ko.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon