***
6: 59 p.m.
[Third Person]
Blue Building: 11th Unit
“Eh? Seryoso?,” tanong ng di makapaniwalang si Wred sa narinig na balita kay Miruem.
“Apparently.. yes,” sagot ni Miruem.
Pareho namang napatingin ang dalawa kay Apollo.
“Naunahan ka na Apollo...hanggang laro ka lang kasi,”-Wred.
Tinapunan ng masamang tingin ni Apollo si Wred dahil dun.
“Nagsalita ang matino,” singhal nya.
“Ay! Di ka rin naman pala pwede kay Aiella ano? Hahaha,” mas lalong nainis si Apollo dahil sa sinabi ni Wred.
Kumunot naman ang noo ni Miruem sa dalawa.
“Di mo ba tanda Miruem? Yung bata noong 8th birthday ni Kouen? Yung tumulak kay Apollo sa swimming pool kasi nga manyakis sya,” nagpipigil ng tawa si Wred matapos iyon at napaisip naman si Miruem.
“Oy di ako manyakis ah..,”-Apollo na di naman pinansin ng dalawa.
“Ah si Mia...Mia,” Miruem snapped her fingers.
“Yep. Yung Mia Buenacaste ang ipapakasal kay Apollo, bwhahaha,”-Wred.
Nagulat naman si Miruem sa balitang iyon.
“Eh? Talaga?,” reaksyon nya.
Tinapunan naman ni Apollo ang tumatawang si Wred ng kinakain nyang chichirya.
“Tsss...di ko naman pakakasalan yun,” aniya.
“Noong isang taon lang din sinabi ng ulol sakin,”-Wred.
“Chismoso ka talaga Wred..kainis ka,” ani ni Apollo na tumayo at aalis sana pero napatigil nang pumasok ang kanilang pinag-uusapan kaninang si Cypher.
“Suntukan na yan,”-Wred.
Napailing si Apollo sa narinig pero nilapitan din naman si Cypher na alam na ang nagaganap sa unit na to.
Tinapik ni Apollo ang balikat ni Cypher pagkalapit nito sakanya at sinabi ang linyang.
“Maswerte ka sakanya...stick to one yun,” napangisi si Cypher sa sinabi ni Apollo.
“Alam ko,” sagot nya.
“Kaiyak naman ang eksenang iyan,” basag ni Wred sa eksena.
“Nga pala...nasaan si Bianca? Di ko sya nakita ngayong araw ah,” dagdag din ni Miruem na nagpa-isip sa lahat.
Samantala.....
Ang nabanggit ni Miruem na pangalan ay kasalukuyang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Kouen na syang nagmamaneho.
Muli ay napatingin si Bianca sakanya.
“Matagal mo na palang alam,” aniya.
“Iba ka talaga Kouen,” napatawa ng mahina si Bianca matapos iyon.
“Clandestine Academy is mine...kaya marami akong alam,” ani ni Kouen. Sumang-ayon naman si Bianca sa narinig nya.
“Alam mo rin na si Alia...,” tiningnan ni Bianca ang reaksyon ni Kouen na blanko parin.
“Hmmm...,” tipid na sagot ni Kouen.
“That's why you stopped bothering her dahil nalaman mong hindi sya si Mozy,” saad ni Bianca.
BINABASA MO ANG
Clandestine Academy
حركة (أكشن)Academy of Liars. xoxo -written by: jareditsme {COMPLETED}