***
(Scene song: Happy Birthday by The Click Five)
“Mary,”
“Get up we need to leave,”
“Why?,”
“We need to runaway,”
“Dad,”
“You have to trust me,”
“We have to runaway,”
“Again?,”
Naimulat ko ang mga mata ko nang makaramdam ako ng mainit sa mukha ko at unang nakita ko ang mukha ni Miruem. Isang ngiti ang binungad nya sakin.
“Hi! Good morning. I'm glad you're awake,” she said. Napabangon ako at automatic na sumakit ang ulo ko. Damn hangover.
“Pinapagising ka na ni Bianca, baka kasi malate ka sa klase mo,” matapos kong imasahe ang masakit kong ulo ay kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
“Nag-aaral talaga kayo dito?,” she giggled. Pero seriously, tama naman ang narinig ko diba? Klase ko daw.
“Yeah...Bianca has your schedule. So better get up and get ready for your first class Alia,” sabi ni Miruem at pagkatapos nun ay lumabas sya ng kwarto.
My ghad! Si Aeilla! Di man lang binanggit ang tungkol dito! Ugh! May pa inom-inom pa syang nalalaman! May klase pala ngayon! Pero Sabado naman na ngayon. So weekends ang klase dito sa CA? Wow hanep. Naisipan pa talaga nilang magklase ha.
Muli naman akong nahiga pero wala naman na akong balak matulog. Baka pagmatulog ulit ako ay mapanaginipan ko iyon. I don't want to remember the sequel of that.
Pero ang sakit ng ulo ko. Sana di umatake ang migraine ko. I need to take meds before it even started. Just like what you always do Alia.
Ugh...ghad. Bumangon ka na Alia at maligo. Ang daming iniisip.
Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniporme ng CA. Geez. Ang ikli talaga ng palda ha. Anyway, mabilis kong sinuklay ang buhok ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ugh. Masyadong kang maputla Alia! Maglipstick ka nga!
So ayun. Kinuha ko yung lipstick na bigay ni Uno nung party at para naman may kulay kahit papaano ang mukha ko. Why I'm so pale.
Ohh..speaking of Uno.
“Ghad. Kami na,” naitigil ko ang paglalagay ng lipstick at napahawak sa pisngi ko na uminit bigla-bigla dahil sa nasabi ko.
Napalunok ako matapos maalala ang nangyari kagabi.
UNO DELAFUENTE is my BOYFRIEND. FOR REAL.
“Uh...si Miru..tapos si Kouen..tapos tapos...si Uno,” inilingan ko ang sarili ko sa salamin. What have you done last night Alia!
“Did I just confessed last night? Damn,” sumunod din sa pagkabog ang puso ko dahil sa naalala ko.
“Omg.omg. I don't want to see Uno today,” sinampal-sampal ko ang pisngi ko dahil sa mga nasabi ko!
“Alia!!!,” napalingon naman ako at pumasok na nga si Miruem.
“Tara na!,” napatango ako at mabilis nga na tinapos ang paglalagay ng lipstick. Di naman masyadong dark. Yung pang student lang.
