[15] Wicked Plan

2K 75 58
                                    

***

(Scene song: It ain't me by Kygo, Selena Gomez)

Nang maiwan akong mag-isa sa silid na ito ay di ko rin magawang magpahinga at matulog. Dahil yung utak ko ay ang dami-daming iniisip. Nakakabaliw ang mga idea na pumapasok sa isipan ko.

Kambal? Si Mozy ay ako?

Bahagya akong napatawa sa ideang yun. Pero nawala din naman ang tawa nang maalala ko ang mga sinabi ni Kouen sakin. Alam kong di ko talaga sya mapipigilan na gawin akong Mozy.

“Nakakainis ka Kouen,” bulong ko.


Pero atleast andito si Miru, Alia. He believes in you and I think that's enough.

Napabuntong hininga ako at tiningnan ang posas sa mga kamay ko. Sinubukan kong alisin iyon na para bang ang dali-dali lang. Pero sino ba ang niloloko ko?

Nahiga na ako ng tuluyan sa malambot kamang to sa magarang kisame naman napunta ang tingin ko.

Pero napabangon ako nang may kumatok. Biglang kumabog ang puso ko at baka si Kouen iyon! Fudge! Ayoko muna syang makita! Ayoko munang maging Mozy please!

“Alia?,”  pero dahil sa tinawag akong Alia ay nawala yung namumuong takot at kaba sa puso ko.

At nang bumukas nga ang pintuan ay dalawang babae ang pumasok. Si Bianca at isang magandang babae din na di ko kilala. She has this brown hair na parang ginto dahil ang shiny tapos makinis din at halatang anak mayaman. Dayum. Gaganda naman ng mga babae dito.

May dala nga pala ng tray si Bianca. Tray ng pagkain kaya nagising ang mga naghihibernate na alaga ko sa tiyan.

“Kumain ka muna,”  pahayag ni Bianca at nilapag ang tray sa kama.


Nakaramdam na tuloy ako ng pagkagutom dahil masarap ang amoy ng pagkain.

“Don't worry walang lason yan,sabi ng kasama ni Bianca na nagpatawa sakin.

“Thank you,pareho kong saad sa dalawa.

“Can we stay here? Baka kailangan mo ng makakausap o ano,” Bianca offered. Tumango naman ako. Mas mabuti siguro na may kasama nga ako dito para di ako mabaliw ng maaga.

“Anyway, ako nga pala si Miruem Gayle,pakilala ng kasama ni Bianca.

“Alia, pakilala ko. Pareho naman silang naupo sa kama habang ako ay sinisimulan ng kainin yung dalang pagkain ni Bianca. Gutom na rin talaga ako.


Can we ask you something Alia?, tiningnan ko si Bianca tapos tumango dahil may lamang pagkain ang bibig ko.


“Sino ka ba talaga?,”  direktang tanong nya kaya natigil ako sa pagnguya.

“I'm just really curious why Kouen said that,”  aniya. Binilisan ko ang panguya para masagot ko sya.

“I am Alia Herrel,simpleng sagot ko. Yun lang naman kasi ang sagot sa tanong nya.


“Napagkamalan ka nya palang si Mozy,” pahayag ni Miruem at tumango ako.

“Alam mo kasi, si Bianca ay naging Mozy din ni Kouen,” dahil sa sinabi ni Miruem ay tiningnan ko si Bianca na nakataas ang dalawang kilay.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon