[24] Everything, Everything

1.9K 69 99
                                    

***

[Third Person]


(Scene song: Victorious by Panic! At the Disco)


Matapos ang klase ng mga Gangsters at Croesus ay isa lang ang paghahandaan ng lahat na walang iba kundi ang magananap na party sa bagong Hideout o should I call it Mini Mansion na gawa sa Narra at matitibay na klase ng kahoy ng bagong Clan sa Clandestine Academy, ang 7th Pirates.


Ang mga Clan na andito sa CA ay may kani-kanilang Hideout. Sa sobrang lawak ng CA ay kasyang-kasya pa ang marami Hideout. At sa kasalukuyan ay may sampung Clan na sa loob ng Clandestine Academy, kasama na sa bilang ang 7th Pirates at magiging 11 na iyon kapag naging official Clan na ang grupo ni Uno Delafuente.


At kung napapaisip kayo kung bakit ang bilis ata magkaroon ng Hideout ang 7th Pirates, well blame it on money, honey. Sa lugar na to, lahat ay napapabilis ng pera.


Pero ang tatlong mansion na nasa loob ng CA ay pagmamay-ari ng X-Clan, na syang mga may-ari ng CA. Ynigos Clan, na lahat ng miyembro ay anak ng mga kilalang Mafia at ang panghuli ay kay Fox a.k.a. Joker ang Principal ng Clandestine Academy.


At kapag may party sa academy na ito ay inaasahan na talagang masaya at kapanapanabik ang mga mangyayari mamaya-maya lang.


Kasalukuyan namang mukambibig ng bawat Gangsters at Croesus ang pangalan ng isang babae. Si Fire. Actually, last week pa sya trending dahil sa ginawang anunsyo ng 7th Pirates nung nakaraang party. Kaya naman ay inaasahang magpaparamdam sya sa House Warming Party ng Clan na iyon.


Sa maingay na corridor ng Red Building kung saan kalat din ang usapan tungkol sa party at kay Fire ay di mapigilang mapangisi ng isang babae sa kanyang naririnig ngayon. Bakit? Dahil pinag-uusapan sya ng lahat ngayon na wala namang kaalam-alam na nasa paligid lang sya.


At nang makita nya ang isang kakilala na kasalukuyang may kinuha sa kanyang locker ay nilapitan nya ito.


"Do you have plans to go tonight?," dahil sa bungad nyang tanong ay agad na napalinga-linga sa paligid ang kanyang kausap.


"Why are you talking to me? Stop it Fire," pahayag ng kausap nya. Napangisi ito sa natanggap na sagot.


"Relax Rain. We won't get caught and besides talking is not a crime," pahayag ni Fire na inilingan naman ni Rain at mabilis na sinarado ni Rain ang kanyang locker.

"Can we just runaway again? Before we get caught," nababahala ang tono ng boses ni Rain at ramdam naman iyon ni Fire. They are really opposite katulad ng kanilang pangalan.


"We won't okay? Di na magugulo ang buhay mo and I promise if I will get caught hindi ka masasali," pero kahit ilang beses pang sabihin ni Fire na di sila mahuhuli ay di maalis sa sistema ni Rain ang mangamba.


"You don't have to runaway again. Just play along," muling pahayag ni Fire.


"Ano ba kasi ang kailangan nila sayo? May atraso ka ba sakanila?," tanong ni Rain.


Ang akala kasi nila ay tuluyan na nilang natakasan pareho ang nangyari sakanila tatlong taon na ang nakakaraan.


"I know Jae," lumambot ang ekspresyon ni Rain sa narinig kay Fire.

"I didn't know he will still look for me after I broke up with him. But don't worry, he will have a hard time finding me in this academy because he didn't know how I looked like," napabuntong hininga si Rain at napatango pero kumunot ang noo nya sa linyang broke up with him.


Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon