[49] One Last Time

1.1K 36 3
                                    

***

8:16 p.m.

(Scene song: Robbers by The 1975)

“Everyone! Gather at the gymnasium for an important announcement from me! Your beloved principal. Fox! Okay. See ya all! Like..right now..again...ngayon na!,

Napatayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan ko si Uno na nakatingin sakin.

“That's our cue,” aniya na tinanguan ko.

So basically, the plan is...kapag tahimik na ang CA dahil nasa gym na ang lahat ay aalis kami ni Uno sa academy.

I know...dapat kong sabihin kay Aiella ang planong to..pero satingin ko ay mas makabubuti kung wala akong makakausap ngayong gabi. Aiella will understand this. I hope so.

Humigpit ang hawak ko sa bagpack ko at napahinga ng malalim.

Nasa may bintana naman si Uno na nakatingin sa labas. Nakasampa na rin sa likod nya ang bagpack at handa na nga kaming umalis anumang sandali kaya ayaw ng matahimik nitong puso ko. Sobra na ang kabang nararamdaman ko ngayon.

“Let's go,” matapos sabihin iyon ni Uno ay lumapit sya sakin saka nilahad ang kamay nya.

Isang tango ang naibigay ko at tinanggap ang kamay nya. Sabay kaming lumabas ng unit na iyon at di ko mapigilang mapatingin sa paligid at baka may makasalubong kami.

“Relax, walang makakapigil sa pag-alis natin,” pinisil ni Uno ang kamay ko at napahinga ako ng malalim. Okay. Relax ka lang Alia. Kasama mo si Uno. Relax.

Sumakay kami ng elevator at nang sumarado ang pinto ay nabawasan ng 1% ang kaba ko.

“I know a place where we can have our date...,” tiningnan ko si Uno.

“Date?,

“Akala ko ba di mo makakalimutan ang utang kong to. Sabi ko diba, kapag bumalik ako...magddate tayo,” aniya. Oo nga pala. Yung date namin. Sobrang kinain na ako ng problema ko kaya nawala na sa isip ko yun.

“Hmmm...oo nga pala..yung date,” hindi ko naman maiwasan na mapangiti kahit kabado parin ako.

Nang bumukas ang elevator ay pareho kaming napatingin ni Uno sa isa't-isa ag matapos ang tinginang iyon ay lumabas kami. Pinagpapasalamat ko naman na walang students at tahimik ang buong paligid. Kaya mabilis kaming naglakad ni Uno papunta sa Parking Lot kung saan doon  nya iniwan ang sasakyan nya.

Nang makita ko ang sasakyan ni Uno ay abot abot ang pagpapasalamat ko at mabilis nga kaming pumasok sa loob.

“Mag seatbelt ka,” aniya na sinunod ko.

Nakakatakot magdrive tong si Uno kapag kailangan. And I think..kailangan iyon ngayon.

Pinanood ko ang pagpagsok nya sa susi at pagstart ng engine ng sasakyan. Napunta naman ang tingin ko sa mukha nya.

Ang seryoso ng mukha nya na gustung-gusto ko talagang pagmasdan.

“Babe...,” napatingin sya sakin dahil dun.

“You look so fucking cool right now,” ani ko na nagpangisi sakanya.

“Let's get out of here,” tugon nya at pinaandar ang sasakyan palayo sa Blue Building.

Kahit malaki ang CA ay pakiramdam ko ngayon ay lumiliit to at parang anumang sandali ay may makakasalubong kami ni Uno at pipigil samin sa pag-alis.

Pero di naman nangyari ang naiisip kong iyon dahil pagdating namin sa gate ng CA ay bumukas ito at malaya kaming nakalabas ni Uno.

Nilingon ko huling pagkakataon ang Clandestine Academy.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon