[32] I love her

1.6K 68 55
                                    

***

(Scene song: Escape by Kehlani)

Matapos balutin ang sarili ko ng tuwalya ay napatingin ako sa salamin sa loob nitong banyo. Pinunasan ko gamit ang kamay ko ang salamin at nakita ko na ng maayos ang repleksyon ko. Sa peklat sa kaliwang taas ng mata ko napirmi ang tingin ko. Naalala ko, nakuha ko to ng gabing tumatakas ako. A was driving like crazy dahil nga sumabog na iyong sasakyan kung saan dapat ay magdadala sakin sa lugar ng engagement ko na hindi nga nangyari dahil tumakas ako and I succeeded. But how did we do it? With the help of Cypher a.k.a Teddy na syang naging driver ko na di man lang nagdalawang isip na tulungan ang tulad ko kahit na di nya ako kakilala. Sya ang kumuha ng bangkay sa morgue na sinuotan ng damit ko para sa engagement and I left my jewelries na kasama doon ang ring na bigay ni Miru sakin, and also a tooth para kapag nahanap ang bangkay ay makukumpirmang ako yun. And after that, we burned it. At nang mga sandaling pinapanood ko ang pagkasunog ng sasakyang iyon ay pakiramdam ko tuluyan na akong nakalaya and I have this chance again to live, as a new person. Kahit wala akong dala kahit na anong gamit, pera at walang kasiguraduhan kung saan ako mapupunta kapag tuluyan ng lumitaw ang araw ay kontento na ako noon. Freedom was all I have that night and it was everything.

Alam kong kapag nakita na ang sasakyang iyon ay aakalain nilang Mozy's dead. And we succeeded. All of them thought it was me. It was Mozy.

And this scar? I got this when me and A was escaping. Si Cypher naman ay nakamotor at tumungo sa kabilang daan, we separated after that and I owe my life to him. Pero para talagang ayaw ng universe na makaalis ako ng gabing iyon dahil biglang nawalan ng preno ang sinasakyan namin ni A.

She was cursing like hell pero nagawa nyang maitigil ang sasakyan sa pamamagitan ng pagbangga nito sa isang puno. And  I thought we're gonna die but we survived. And from then on...nangako akong kakalimutan ko na ang nakaraang buhay ko. That I will try to pretend that as if all of that never happened. I am Alia Herrel and that's it.

At ang birthday ko ay ang araw kung kailan ako tumakas kaya siguro di ko mapigilang di mapaisip sa nakaraan.

“Babe,”

Napapikit at napahinga ako ng malalim nang marinig ko iyon at tuluyan ng pinagbuksan si Uno. Kita kong bumaba ang tingin nya kaya napakurap ako at napagtanto kong nakatuwalya lang pala ako.

“Uhh....,” ramdam ko na ang pag-init ng pisngi ko.

“You look gorgeous,” he said at nakita ko ang ngiting aso nya pero imbes na mahiya ay lumapit ako sakanya. Mukhang nagulat naman sya nang hawakan ko ang magkabilang pisngi nya at ilapit ang mukha ko. Now I can feel his breath.

“Teasing me this early is not a good joke...Babe,” napangiti ako sa sinabi nya.

“Who says I'm joking,” I replied.

Bago pa man sya makapagsalita ay nilapat ko ang labi ko sakanya. I closed my eyes after that at matapos ang ilang segundo ay naramdaman ko ang pag-ngiti nya. I broke the kiss pero napadilat ako nang hawakan nya ang pisngi ko at muling lumapat ang labi nya sakin.

Kumabog ang puso ko nang maramdam kong gumalaw ang labi nya and in return I responded. Napagtanto ko ring pumulupot ang isang braso nya sa bewang ko at mas lalong nilapit ako sakanya kaya ramdam kong ang kaonting distansya sa pagitan namin kanina ay naglaho na.

Napahawak ang isang kamay ko sa leeg nya habang yung isang kamay ko ay napahawak sa towel at baka mahubaran ako ng wala sa oras. Jusko Alia. Jusko talaga Alia.

Pero....napagtanto kong...ang amoy ng pabango ni Uno ay nagpapaalala sakin ng..Sunflowers.

Napahinga naman ako ng malalim nang lubayan ni Uno ang labi ko at bumaba sa leeg ko. He was kissing and biting every part of my neck at ramdam kong hanggang colar bones ang mga halik nya. When he finally stopped....naidilat ko ang mga mata ko.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon