[37] The Party's Over

1.3K 57 92
                                    

***
Spg

9:20 p.m.

[Third Person]

Spin The Bottle: Truth or Make Out

Kahit matapos ang nangyaring kasalanan ni Luffy ay di natinag ang mga nasa listahang laro ni Aiella na kasalukuyan na ngang sinisimulan anumang segundo. Nang makapagpatuyo ng mga sarili nila at makasuot muli ng pang-itaas ay nagsilapit sila sa round table kung saan sila pinapatungo ng 'game master' na si Aiella.

Nakapalibot naman ang mga redcups na may mga lamang iba't-ibang klase ng inumin sa round table. Sa gitna naman ng mesa ay andoon nga ang walang lamang bote ng alcohol na gagamitin para sakanilang laro na pinamagatan ni Aiella na Truth or Make Out.

"Tang'ina ka Luffy," singhal ni Apollo sakanya na kagaya ng lahat ay pinapatuyo ang sarili ng towel.

"Sorry naman! Lasing lang," aniya at ngumisi.

"Di nga nainis si Delafuente eh," dagdag nya at isang masamang tingin ang natanggap kay Uno.

"Mayaman naman kayo, hehe," napakamot ng batok ang katabi ni Luffy na si Jae.

"Tumahimik ka na nga," sita nya sa kasama.

Medyo nahimasmasan naman ang lahat matapos maging basang sisiw.

"Okay everyone....this is just like spin the bottle but with a twist. Kapag tumapat sayo ang bote ay iinumin mo ang laman ng baso na nasa harap mo. And you will choose between these questions: Truth or Make Out," tumaas ang dalawang kilay ni Aiella na pinasadahan ng tingin ang mga kasamang di maipinta ang mga mukha.

May tumaas naman ng kamay.

"Yes," tanong ni Aiella na para bang teacher.

"Kung Make Out ang pipiliin ano?," tanong ni Miruem.

Isang ngisi naman ang nakita nya sa labi ni Aiella.

"Good question. If Make Out ang pipiliin instead of Truth then we will spin the bottle at kung kanino man titigil ay kayong dalawa ang papasok sa kwarto and you can do whatever you want!," masiglang pahayag ni Aiella.

"How about Truth?," tanong naman ni Cypher.

"Well Kuruzawa, if Truth ang pipiliin ay paiikutin ulit ang bote at kung kanino man tatapat ay sya ang magtatanong ng kahit na ano sa taong yun," sagot ni Aiella na tinanguan ni Cypher.

"Okay! Let's do this! Habang wala pang 12 a.m ay di tayo titigil sa paglalaro dahil doon pa lang natin pwedeng ipablow ang candle kay Alia! This is an exclusive party so you need to go with the flow bawal ang kj," dahil sa sinabi ni Aiella ay napangisi si Alia. Pakiramdam nya ay kasalanan nya kaya di sila pwedeng umayaw sa mga trip ni Aiella.

Muling nabuhay ang party music sa loob ng unit at sinimulan na nga ang ikatatlong laro sa birthday ni Alia.

Pinalibutan naman ng lahat ang round table at syempre si Aiella ang unang magpapa-ikot ng bote.

Pinalibutan naman ng lahat ang round table at syempre si Aiella ang unang magpapa-ikot ng bote

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon