[17] Sino nga kaya?

2K 85 69
                                    

***

(Scene song: Maps by Maroon 5)

Naimulat ko ang mga mata ko dahil nakaramdam ako ng mainit na hininga sa leeg ko. Napakurap ako dahil akala ko di umalis si Kouen. Pero nang makita ko ang braso na may mga tatoo ay napagtanto kong si Uno to.

“Uno,” sambit ko at tinangkang bumangon pero pinigilan nya ako sa pamamagitan ng pagyakap ng mahigpit sakin.

“Puyat ako kahahanap sayo kaya patulugin mo ko Alia,” kumabog naman ang puso ko sa sinabi nya.

“Pero nahanap mo parin ako at salamat sa paghahanap sakin,” sabi ko. Mas lalo naman nyang binaon ang mukha nya sa leeg ko kaya nanindig na ang mga balahibo ko. To namang si Uno! Di na nagbago!

“Hmmmm...,” napalunok ako pero nang mapatingin ako sa mga kamay kong wala ng posas ay napagtanto kong totoo nga talaga ang nangyari kagabi.

“I'm Mary Katherine Argent,

Napapikit ako dahil sa naalala ko. Yung tsokolateng yun!

“Uno..umalis na tayo dito,” sabi ko matapos ang ilang minutong katahimikan.

“Okay,” aniya na at kumalas din naman sakin. Agad akong bumangon at napatingin sakanya na nakatingin sakin.

“Wala namang masamang nangyari sayo dito diba?,” he asked. Napailing ako.

“I'm fine. But I will feel better if I will get out of here,” pahayag ko at umalis na talaga sa kamang iyon.

“Don't worry, di ka na babalik dito,” sabi ni Uno na nilapitan ako at hinawakan ang kamay ko.

Lumabas naman kami ng sabay sa kwartong iyon at di mapigilan ng puso ko na kabahan at baka may makasalubong kami.

Tiningnan ko naman si Uno na nakatingin ng diretso.

Ramdam kong humigpit ang hawak nya sakin habang pababa kami at natatanaw ko ang tatlong tao. Si Wred. Apollo at Miru. Nagpapasalamat ako na wala si Kouen.

“I'm taking back my Queen,” saad ni Uno na di man lang tiningnan ang tatlo at nagdire-diretso kaming tumungo doon sa pinto.

“Teka lang Uno,” tumigil nga kami dahil dun at rinig kong boses iyon ni Miru.

“You can't blame everything to Kouen,” di naman lumingon si Uno.

“Why are you still talking about that Miru? It's been 3 years, I've moved on and you should do the same,” sagot ni Uno.

“This isn't about Reese anymore. I'm just so done with this Clan and don't meddle with what's mine. You know Kouen and I have the same power here,” dagdag ni Uno at tuluyan nga kaming lumabas ng mansion na iyon. Di ko naman sya tinanong tungkol dun sa narinig kong pangalan. I will wait na sya na ang magsabi sakin kung sino si Reese.

Pero nawala yun sa isipan ko nang may makita akong pamilyar na mukha na nakasakay sa mga bisekleta.

“Shunny Bear! Sugar Daddy!,” binitawan ako ni Uno kaya patakbo kong tinungo ang dalawa.

“Para namang di tayo nagkausap kahapon,” ani ni June na kasalukuyan kong niyayakap.

“Paano naman ako Alia?,” reklamo naman ni Shun kaya kumalas ako kay June at niyakap sya.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon